“Pasensya na talaga Yana, hindi talaga namin makontak si Jayden. Sobrang workaholic kasi nun, minsan nakakalimutan na kami iupdate sa buhay niya.” umiiling na sambit ni Tito Rui.

Oh, Jayden pala name ng anak nila.

“It's okay, para hindi naman mauwi sa wala tong araw na to. Why not we should try to reach, Francine?” Tita Yana said.

“Are you sure, Ate? Mukhang mahihirapan din tayo makalapit sakanya. She's Alvarez now.” nanlulumong sambit ni Tita Jinri.

“Wag ka ngang negative, Jinri. Wala namang mawawala kung susubukan natin. Atleast we try right?” pigil ni Tita Yana kay Tita Jinri. Tama naman si Tita Yana, wala namang mawawala kung susubukan namin.

Kaya bumiyahe na kami agad papunta sa Alvarez Mansion, dahil alam naming nandun siya. But we failed meeting her, dahil wala daw sa bahay si Francine. Kaya umuwi kaming bigo.

Hys, I hope one day everything will be back to where it's belong.

Like Francine, Kyline and Brylle. They all belong to Normsantadia.

Becaure they are the Trio Prophecy, kailangan sila ng Normsantadia.

Rave

“Bakit hindi ko na sila nakikita? Nasaan na ang mga paslit na Sandiwa at Sandiwu?” inis na sambit ko ng libutin ko ang Academy.

Wala na rin ang mga estudyante, mukhang nagawa nilang patakasin.

At tsaka sila tumakas.

Matatalino sila I guess, mukhang masyado kong minaliit ng kakayahan ng mga paslit na yun argh.

Nasaan kayo? Magpakita kayo sakin. Wag kayong duwag.” sigaw ko sa Academy, pero tanging boses ko lang din narinig ko sa sobrang tahimik ng Academy dahil walang mga mafians at estudyante rito.

Where the hell, they all go?

Ayoko makipaglaro ng hide and seek sakanila, peste. Makikita ko rin kayo, at pagsisihan niyong nakita ko kayo.

Dahil hindi na ko magdadalawang isip na patayin at tapusin kayo mga paslit.

Criszette

Nandito pa rin kami nakakulong at walang magawa. Dahil wala kaming mga kapangyarihan, nahigop ito mula samin. At yung brilyante naman namin ay hindi rin namin magamit, dahil tila may mahika ang mga pinangtali samin at ni magbikas ng spell ay hindi umeepekto.

Nag-aalala na ko kay Kyline, gusto kong makatakas dito. Gusto ko ng makita anak ko.

Yeah we fight a lot, at madalas ko siyang mapagalitan. But she still my daughter, and I love her so much.

I still want to see her and hug her.

Umiiyak ka ba, Zette?” bulong ni Keiron sakin. Kaya napalingon ako sakanya.

“I miss our daughter, ang dami kong kasalanan sa anak natin. Buong buhay niya puro sermon ko naririnig niya, I never show her how much I love and care for her.” umiiyak na sambit ko kay Keiron.

“Ssh, alam kong naiintindihan ka ng anak natin kung bakit nagagalit ka lagi sakanya. Because you don't tolerate her wrong actions and behavior at dun palang na napaparamdam mo ng mahal mo siya at may pake ka sa anak natin. Wala kang kasalanan okay..” he whispered na kahit nahihirapan siya abutin ang pisngi ko ay pinilit niya. “..we both raise Kyline as strong and independent woman like you. Kaya alam kong naiintindihan ka niya, but hindi pa gaano nagsisink in sakanya kaya nagiging iba ang interpretation niya. But I know na mahal na mahal ka din ni Kyline, like how much I love you.” dagdag niya pa and he kissed my forehead.

“Di ko kasi hindi maiwasang mag-aalala. Pakiramdam ko kasi wala sa Normsantadia ang anak natin.” sambit ko sakanya.

“Sa nangyayari ngayon, feeling ko nga ay nasa panganib lahat sila. Pero naniniwala akong kakayanin ni Kyline ito at ng mga kasama niya. She's your daughter after all, and namana niya ang katapangan mo. Kaya maniwala ka nalang na kayang-kaya to ng prinsesa natin, okay?” pagpapagaan niya ng loob ko.

Hindi ko talaga alam gagawin ko, kung wala si Keiron sa tabi ko.

Dahil simula pa ng ipanganak ko si Kyline, he's always there to support and help me to raise our daughter.

I never regret, loving and choosing this man; ever.

To be continued..


Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon