Chapter 166: MINERVA ATHENA GARCIA

Start from the beginning
                                    

"T-teka." tumigil ako. Pero hindi ko sya nilingon. "B-bago po ba kayo dito?" rinig kong tanong nya.

"Oo." simpleng sagot ko.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ko nang matigilan nanaman ako sa sigaw nya.

"Teka lang po." naramdaman ko na nasa likuran ko na sya. "G-gusto mo po na samahan na kita? Baka po kasi maligaw ka."

"Hindi na." at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko palayo sa kanya.

Kakasabi ko lang kanina, wala sa plano ko ang kumausap ng mga tao. Mas okay nga kung walang makapansin sakin. Tss!

Kaso matigas ata ang ulo ng babaeng yun. Kahit anong tago nya pa, ay mararamdaman at mararamdaman ko sya.

Napasok ko na ang Sinful City. Sumalubong sakin ang hindi masyadong madaming tao. Since maliit lang ang City'ng to, madali ko lang nalibot.

Well, maganda ang pagkakagawa ni Euris.

Kaso...

Ang tahimik.

Pero saan nga pala matatagpuan ang Academy dito?

"Lumabas ka na dyan." tawag ko sa kanya. Pinili kong pumwesto sa lugar na walang tao at tambak-tambak ang mga maduduming basura. "Alam kong kanina mo pa ako sinusundan. Tss!"

"P-pasensya po ulet. Sinisiguro ko lang po kasi na hindi ka po maliligaw." rinig kong boses nya.

Nilingon ko sya. "Bakit?" tumama ang mata namin sa Isat-isa. Pero hindi nya natagalan.

"Huh? Anong bakit po?" naguguluhan nyang tanong. Hindi na ulit sya makatingin sakin.

"Wala."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot nya. Black-White Shirt, Black Vest, 2 inches away from knee. Suot-suot nya din ang Isang Brown Cloak. And White Socks na abot hanggang tuhod. May logo din na nakadikit sa kanyang Vest, malapit sa dibdib.

'W.A'

"Dana Mean Ascart. New Chosen Witch of Lust. Not bad." nagulat s'ya sa sinabi ko. "Bakit nasa labas ka ng Academy nyo?" dahil nasa state-of-shock pa sya. Hindi nya ata narinig ang tanong ko. "Nevermind." Iniwan ko na ulit sya.

Nakabawi na ata sya sa gulat dahil nararamdaman ko na ulit ang presensya nya sa likuran ko. At dahil tapos na ako kaka-Ikot sa lugar nato, umalis na kaagad ako.

Gumawa ako ng Portal para makalabas na sa Lugar nayun. Para hindi na sya makasunod pa.

Alam ko na kaya din niyang gumawa ng Portal gamit ang Magic Wand nya. Pero sorry sya, hindi sya makakapag-Cast ng Portal para sundan ako kung hindi nya alam kung saan ako paparoon. Tss!

My Next Destination will be...

The Place of a Magician.

I guess this is Agenhor.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Where stories live. Discover now