Chapter 3

21 10 0
                                    

HAPON na nang mapagdesisyunang umuwi ni Perth at Shy. Napakamemorable ng araw na iyon para kay Shy dahil una, nagkausap sila ni Perth, hindi lang small talk kundi kwentuhan na para bang ang tagal na nilang magkakilala at pangalawa ay naging malapit sila sa isa't isa. Lalo pa tuloy siyang nagkagusto dito.

"Again, it was nice meeting you, Shy. Pasensya ka na. Di kita masasabayan palabas. Tutulungan ko pa si Rai sa mga school works niya."

"Ayos lang yun. It was also nice to know you." nakangiting sabi ni Shy like she's on a cloud nine.

"See you around then!"

"S-see you." nagtungo na si Shy palabas ng kanilang school. She was carrying a lot of books. Hindi na niya ito nailagay pa sa bag niya sa sobrang focus sa pakikipag-usap kay Perth kanina.

Paliban na siya nang halos mabunggo siya ng isang humaharurot na sasakyan. Sa pagkagulat ay bigla siyang natumba.

Bumaba ang isang babae na kaedadan niya sa isang food truck. 'That food truck looks familiar.' isip-isip ni Shy.

Nakaputi na damit ang babae na parang chef. Maikli ang kulay brown nitong buhok. Balingkinitan ang katawan at mala porselana ang kutis. May pagkasingkit ang mata nito at namumula ang maliit nitong labi. Shy was stunned to see her beauty, "Miss are you okay?! I'm sorry I didn't see you." at saka siya nito tinulungang tumayo. The girl checked her at mukhang alalang-alala ito.

"I-it's okay." sabi ni Shy kahit na may mga galos ito mula sa pagkakatumba.

"You don't look okay. Oh my God. Gusto mo dalhin na kita sa ospital? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Nakita pa ng babae ang mga galos ni Shy dahilan para lalo pa itong mag-alala.

"N-no, I'm fine. Konting scratches lang 'to." Shy said habang iniinda ang sakit. Ramdam niya ang hapdi sa mga galos na kanyang natamo.

"No Miss, mukhang hindi ka okay and I'm not leaving you like that. Kung ayaw mo sa ospital, maybe I can treat you somewhere else? Like in our shop?" saad nito at saka itinuro ang food truck. It was the food truck of Shy's favorite cake shop. Kaya naman pala mukhang pamilyar ito.

Mukhang hindi rin siya paaalisin ng babae hangga't hindi siya nito nakikitang okay, "Sa shop niyo na lang siguro."

Inalalayan siya ng babae patungo sa sasakyan. The girl went into the driver seat at saka inistart ang makina, "Pasensya na talaga." maririnig sa boses nito ang pag-aalala.

"No, don't be. Malayo naman sa bituka yung mga scratches ko."

"Dapat kasi I'm extra focused! Sorry talaga medyo puyat din kasi ako." despensa ng babae.

Shy couldn't find the right words to say. She talked a lot with Perth earlier at paubos na rin ang kanyang social battery. It was a short trip filled with silence. Malapit lang din ang cake shop sa kanilang school. Halos tatlong kanto lamang ang layo.

Iginarahe na ng babae ang sasakyan sa tapat ng shop. Nang makababa ay pumasok na sila sa loob.

"Upo ka muna." the girl said at pumunta sa counter, "Jav, please serve her a cup of coffee at yung best seller nating cupcake."

"Sure, upcoming!" sagot ng lalaking nasa counter na halos kaedad din nila. It was the first time she saw him. Kadalasan ay ang matandang babae lang ang nakikita niya dito. Sabagay, tuwing umaga lamang naman siya nagagawi dito.

"Mom, where's our med kit?" Shy overheard habang nakaupo at naghihintay.

"Bakit? Is your head aching again?"

I LIVED AS SHY [TO BE PUBLISHED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang