PROLOGUE

135 14 1
                                    

"SABI ko na nga ba ikaw yung araw-araw na naglalagay ng cupcake sa locker ko." sabi ni Rai na may ngiti sa kanyang labi. Hindi maikakaila ang kanyang kasiyahan nang malaman niya na ang matagal na pala niyang secret admirer ay ang babaeng hinahangaan niya.

"Yiieee sana all." kanchawan ng iba nilang kaklase sa paligid. Ang iba ay kilig na kilig at ang iba naman ay walang pakialam — tamang nakikiisyoso lamang.

"Si Shy oh nagbablush! Huli ka na Shy. Kaya pala nilalanggam yung locker ni Rai, pinupuno mo ng cupcake araw-araw." biro ni Perth, best friend ni Rai sabay turo nito sa dala nitong box ng cupcake.

Sa sobrang hiya ni Shy ay napatakbo na lamang siya palayo dala ang box ng cupcake na kanina pa niyang hawak. Hinabol naman agad siya ni Rai hanggang sa makarating sila sa rooftop.

"Shy sandali!" tawag dito ni Rai na hingal na hingal. Halos maubusan siya ng hininga sa paghabol dito.

"Pasensya na, nahihiya kasi ako." saad nito nang nakatungo.

"You are the embodiment of your name and that's what I love about you." sabi ni Rai at lumapit siya dito. Itinaas niya ang nakatungong ulo ni Shy at hinawi ang buhok nito, "You're blushing." biro nito.

Unti-unting inilapit ni Rai ang kanyang mukha kay Shy, akmang hahalikan nito nang ihara ni Shy sa pagitan nila ang box ng cupcake, "P-para sa'yo!"

Rai chuckled, "Thank you Miss Mahiyain." inakbayan niya ito at saka tinanong, "So, ano tayo na?"

Mas lalo pang namula si Shy as she slowly nodded at sinabing, "Yes, I guess?"

Napatalon sa tuwa si Rai at mahigpit na niyakap si Shy, "Yes! I love you." tuwang tuwa niyang sabi at hinalikan ito sa noo.

"I-I love you too." mahinang sagot ni Shy. Likas na mahiyain talaga siya. Ngunit gayunpaman ay marami ang nagkakagusto sa kanya dahil sa nakakabighani rin ang taglay nitong ganda. No wonder, tuwang tuwa si Rai na sa wakas ay girlfriend na niya ito.

"I will be faithful to you, I promise. Aalagaan kita." Rai said.

Shy gave him a smile at niyakap si Rai, "Thank you."

THOSE were the memories na nagfaflashback kay Rai habang hawak niya ang kamay ng kanyang girlfriend. "Shy, please gumising ka na." Hindi niya mapigilan ang hindi maiyak. Hindi niya lubos akalain na maaaksidente si Shy. Nahulog ito sa third floor ng ginagawang building sa kanilang school.

"OMG Gabby, wake up!" nag-aalalang hiyaw ng isang babae sa di kalayuan. Nakauniporme din ito na gaya ng sa eskwelahan nila. Bukod kay Shy ay may isa pang estudyante ang naaksidente sa naturang gusali at kasalukuyang kritikal din ang kondisyon.

Hindi nila malaman kung paanong napunta ang dalawa sa gusali at kung ano ang naging dahilan ng kanilang pagkahulog. Walang nakasaksi sa nangyari. Ang tanging nakakaalam lamang nito ay ang mga nasangkot sa aksidente.

"Rai, magpahinga ka na muna. Nakausap ko ang doctor magsasagawa pa raw sila ng ilang test para malaman kung gaano katagal ang hihintayin natin bago siya magising. Sa ngayon ay maari ka na munang umuwi nang makapagpahinga ka." sabi ng isang matandang babae dito na nasa 70s na. Lola ito ni Shy at ito ang tumatayong guardian nito.

Iiling iling si Rai na tila ba ayaw iwanan ang kanyang girlfriend. Mahal na mahal niya talaga ito.

"Sige na iho, ako na muna ang bahala kay Shy."

Labag man sa kanyang kalooban ay binitawan na nito ang kamay ni Shy at kinuha ang kanyang bag.

"Balitaan niyo po ako 'la."

Tinapik ito sa balikat ng matanda at saka siya umalis.

Pagkalabas ng emergency room ay sinalubong si Rai ng napakalakas na suntok, "Gago ka talaga!" galit na galit na sabi ng isang lalaki na nakasuot din ng unipormeng kagaya niya.

I LIVED AS SHY [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now