"Ikaw 'wag ka kasing sumigaw." Pabulong na sambit ni Ponzi kay Jojo.

"Ba't mo ako nilalait? Ikaw nga tong may utang sakin ng porn!" Nanlilisik ang mga matang sambit ni Jojo na hinihinaan din ang boses niya.

Dali-daling sinilip ni Ponzi ang ilalim ng mesa at nakita niya si Serenity na nagtatago at animo'y natatakot.

"Okay ka lang? Lumabas ka na diyan." Nag-aalalang sambit ni Ponzi, "Inako ko ang kasalanan, I promise, you're not in any trouble." Giit ni Ponzi saka inabot ang kamay niya kay Serenity.

"Please let's stick with the rules." Giit ni Serenity kaya agad na tumango-tango si Ponzi.

****

From Ponzi: Asan ka? Vacant ka diba?

To Ponzi: still @ library.

From Ponzi: Wag mo akong mamiss masyado, tapusin ko lang 'tong chem class

To Ponzi: Listen well, God bless :)

Matapos makapagpadala ng mensahe ay ibinalik ni Serenity ang pansin sa librong kanyang binabasa at maya't-mayang nagsusulat sa kanyang notebook. Ilang sandali pa ay bigla niyang naramdaman na may tumabi sa kanya at nagulat siya nang makita kung sino ito—Si Jojo.

"Hi Babe." Biglang hinalikan ni Jojo ang sariling palad at idinampi ito sa pisngi ni Serenity sabay kindat. Dahil sa ginawa nito ay biglang namutla si Serenity habang nanlalaki ang mga mata dala ng gulat at pandidiri.

 "Wala bang hello babe diyan?" Tanong ulit ni Jojo  kay Serenity na animo'y hindi na makagalaw o makapagsalita pa.

"Masyado ka na bang na-mesmerized sakin kaya na-speechless ka? Mamaya bigla kang mahimatay diyan, maiuuwi kita ng wala sa oras." Muling sambit ni Jojo saka muling kinindatan ang dalaga.

"I know you're not my boyfriend. Quit fooling around." Huminga na lamang ng malalim si Serenity, "Jojo kelan ka huling nagdasal sa diyos at nagbasa ng bibliya?" Tanong na lamang niya dahilan para agad na mawala ang ngisi sa mukha ng binata.

"Alam kong 'yan ang sasabihin mo sakin Diablo, akala mo ba maloloko mo ako sa pagbabalat-kayo mong 'yan? Ako si Jorino Jomomo Tirador at nanggaling ako sa angkan ng mga albularyo, sa ngalan ng mga Tirador, inuutusan kita, lubayan mo ang katawan ni Sisa Demonyita!" Sigaw ni Jojo at bigla na lamang tinapon kay Sisa ang mga piraso ng bawang na kanina pa pala niya kinukuyom sa mga palad niya dahilan para mapapikit na lamang si Serenity at muling mapabuntong-hininga.

"God bless you Jojo." Sabi na lamang ni Serenity habang nakangiti at ibinalik ang pansin sa librong binabasa kahit pa may mga bawang pang naiwan sa ulo't damit niya.

"Aish! Alam mo ba kung gaano kahirap maglinis dito?!" Biglang umalingawngaw ang boses ng isang lalakeng animo'y naiinis kaya kapwa napalingon sina Jojo at Serenity dito.

"Anong pangalan mo? Isusumbong kita kay Dean." Sambit ng lalakeng kasing-edad lamang nila pero nakasuot ito ng isang kulay asul na uniform na siyang palatandaan na isa siya sa mga working student ng Crimson Lake University.

"Agapito Zosimo Tanya! Bye pre!" Sigaw ni Jojo saka nagtatakbo palayo dahilan para mapabuntong-hininga na lamang si Serenity.

"Ginugulo ka ba ng lalakeng 'yon?" Muling tanong ng lalakeng may napakamaamong ngiti sa kanyang labi.

"Naku hindi," Ngumiti si Serenity at umiling-iling, "Magkakilala daw kasi kami noon kaso hindi ko na siya naalala kaya medyo nagtatampo yata pero sabi nila mabait naman 'yon kahit madaming kalokohan. Ewan ko kung totoo ba." Tumatawang sambit ni Serenity dahilan para matawa rin ang lalake.

"Di mo maalala? Ano yun nagka-amnesia ka?" Biro ng lalake saka naupo sa tabi ni Serenity.

"Ganun nga siguro 'yon, I was in this car accident and I can't remember a thing." Tumatawang sambit ni Serenity.

"Ah, akala ko pa naman transferee ka gaya ko." Sabi pa ng lalake.

"Actually I just transferred back here so with my memories reformatted like a computer, para rin akong new student gaya mo." Sabi pa ni Serenity.

"Hindi ka ba nahihirapang maghanap ng kaibigan?" Tanong pa nito kaya umiling si Serenity.

"God gave me good people that could guide me. I'm blessed and I couldn't ask for more." Pagmamalaki ni Serenity saka tinitigan ang mata ng lalake, "You look familiar? Have we met before?" Aniya.

"Baka oo, baka hindi. Generic tong pogi kong mukha eh." Biro ng lalake dahilan para  bahagyang tumawa si Serenity bilang respeto.

"I'm Serenity and you are?" Tanong niya rito.


Ngumiti ang lalake saka nakipagkamay sa kanya, "Serenity... Nice name, parehong-pareho sa ugali mo. Ako pala si Dexter."

END OF CHAPTER 33.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry Murderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें