Chapter 33: Jorino

Start from the beginning
                                    

"Sino na naman yang crush mo?" Kunot-noong tanong ni Ponzi na halos magsalubong na ang kilay. Lalo siyang nainis dahil imbes na sumagot ay ngumiti lamang si Serenity sabay angat ng mga balikat niya.

Napangiwi si Ponzi, "Wag mong sabihing si Jorino Jomomo?"

Agad na nakunot ang noo ni Serenity saka napatingin kay Ponzi, "Ano ang Jorino Jomomo?"

Suminghal si Ponzi at ngumisi na animo'y nagmamayabang, "Scientific name 'yon ni Jojo Tirador. Jorino Jomomo Tirador"

Hindi na napigilan pa ni Serenity ang matawa kaya naman dali-dali niyang ibinaon ang mukha sa mga palad niya sa takot na baka may makarinig sa kanya.

Napangisi si Ponzi na animo'y ipinagmamayabang kanyang tagumpay "Sa wakas natawa ka rin. Sinasabi ko na nga ba't andiyan pa yang kabaliwan mo't naka-hiatus lang. 'Wag mong pigilan ang tawa mo, baka mamaya mautot ka." Biro niya kaya naman agad siyang sinamaan ng tingin ni Serenity na ngayo'y seryoso na ulit.

"Shh, tumigil ka na okay? Baka mapagalitan pa tayo. Ayokong mapagalitan, hindi ako pwedeng mapagalitan." Muling giit ni Serenity.

"Serenity ang layo na natin mula sa librarian at isa pa ang tanda na nun, hirap na nga yung marinig eh." Giit ni Ponzi pero hindi siya pinansin ng dalaga't nagpatuloy ito sa pagsusulat.

"Psst.." Muling ngumisi si Ponzi, "Astig ng scientific name ni Jojo no? Parang tribal gaya ng pagmumukha niya." Tumatawang sambit ni Ponzi pero ngumiwi lamang si Serenity at tinakpan ang dalawang tenga niya.

"Maririnig mo parin ako Serenity." Humalakhak si Ponzi, "Akala ko ako ang may pinakamabantot na pangalan, meron pa pala—Jorino Jomomo, tangina anong klaseng pangalan 'yon? Ano kayang nahithit ng nanay ni Jojo?" Sabi pa ni Ponzi na pilit parin pinapatawa si Serenity.

Gustong-gusto nang matawa ni Serenity kaya naman pilit na lamang niyang tinatakpan ang bibig niya habang patuloy ang pagsusulat bagay na ikinainis ni Ponzi.

"Sige na, tawa ka na. Pagtawanan natin ang scientific name ni Jojo. Aminin mo nakakatawa talaga. Jorino Jomomo Tirador, mukha palang para sarap ng bagsakan ng aparador. Manood tayo ng Lord of The Rings, andun si Jojo, kamukhang-kamukha niya yung kalbo na nagsasabi ng 'My precious'—"

"Hoy ang sakit mo nang magsalita ah! Isa ka nalang at isusumbong na kita sa nanay ko!" Biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Jojo na kanina pa pala nakaupo malapit sa kanila dahilan para dali-daling magtago  ni Serenity sa ilalim ng mesa.

"Problema nun?" Gulat na sambit ni Jojo kay Ponzi na naguguluhan din sa naging reaksyon ng dalaga.

Yuyuko na sana si Ponzi upang tanungin si Serenity pero bigla na lamang umalingawngaw ang piton ng librarian.

"Library 'to at hindi sabungan, kung gusto niyong mag-ingay, lumabas kayo!" Bulyaw sa kanila ng librarian kaya dali-daling ngumiti si Ponzi at nag-peace sign sa matanda.

"Ma'm pasensya na po, nadala lang po kasi sa emosyon tong kaibigan ko. Pasensya na po talaga, ako po ang may kasalanan." Pag-ako ni Ponzi sa kasalanan kaya napabuntong-hininga na lamang ang librarian at bumalik sa mesa niya.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now