Nanghihinang napaupo ako sa sahig dahil sa narinig. Why? Why, babe? M-May nagawa ba ako? Dahil ba... hindi kita nasasamahan palagi? Napailing ako. Hindi siya mababaw na tao kaya hindi yun ang dahilan.

Kinontak ko ulit ang number niya pero hindi parin ma-contact. "Aaahhhhhh!!!!" Mababaliw ako sa kakaisip kung ano bang dahilan ng ito!

No! B-Baka, babalik pa yun. Baka bukas andito ulit siya. Baka, gusto lang niyang pumunta sa ibang bansa o di kaya pinauwi tapos babalik rin bukas.

Alam kong kinukumbinsi ko lang ang sarili ko pero anong magagawa ko? Wala akong maalalang may nagawa ako sa kanya. O baka meron hindi ko maalala. Shit! Nakakabaliw!

Dahan-dahan akong tumayo at pumasok sa unit ko na kaharap lang ng unit ni Athena. Nakaramdam agad ako ng pagod kaya ng humiga ako ay hindi ko namalayang nakatulog agad.

****

"K-Kuya?" Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang gulat na boses ni Kaede. "What the hell are you doing?" Natawa pa ako ng bahagya ng magmura siya.

Agad niya akong nilapitan at inagaw mula sa kamay ko ang baso. Gabi na ngayon kaya nagtaka ako kung bakit andito si Kaede.

"Ba't ka naglalasing? Where's Athena?" Napahigpit ang kapit ko sa baso. "Nag-away kayo? Kaya ka naglasing?" Mabuti nga kung ganyan lang eh pero hindi! Umalis man lang siya nang hindi ko alam ang dahilan.

"HolyㅡDaren?" Akala ko ang kapatid ko lang mag-isa kasama pala asawa niya. "Bro?" Patanong na tawag ni Zares.

"Don't mind me..." Mahinang usal ko.

"Anong don't mind me? Naglalasing ka which is unusual para sayo tapos sasabihin mo don't mind me?"

Bumuntong-hininga ako. Ayokong pag-alalahanin ang kapatid ko kaya nginitian ko siya. "I'm okay, may m-misunderstanding lang, but we'll be okay." Pagsisinungaling ko. Napatingin ako kay Zares at nakita kong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. He stared at me as if he was saying 'Mag-usap tayo mamaya.' "Anyways, why are you here?"

"Binisita ka. Matagal-tagal ka rin namin hindi nakita. Busy ka masyado sa trabaho mo. We brought pizza pala. Babe!" Inilapag ni Zares ang pizza kaya kumain kami.

Lumalim na ang gabi, nakatulog na rin si Kaede sa sofa kaya inilipat muna siya ni Zares sa kwarto ko. Pagkatapos lumabas ni Zares at tumabi sakin. Tumungga rin siya ng alak saka tumingin sakin. "You know, you can always count on me."

"I'm okay, really. Maaayos din namin to." I said to him.

His stares at me flatly. "Wag ako, Daren. Seriously? Magsisinungaling ka talaga sakin? Baka nakakalimutan mong mula pagkabata magkasama na tayo? Now, spill it! Is it about Athena, right?"

Minsan, nagsisisi din ako kung bakit ang dali niya akong basahin. Oo nga pala, mula pagkabata magkasama na kami kaya kilalang-kilala na niya ako.

Suddenly, my tears flow down in my right cheek. "I know you, Daren. Hindi ikaw yung tipo na tutunganga lang rito at magpapakalasing kung nag-away lang kayo. Pupuntahan at pupuntahan mo siya kahit pa nasa malayo ka." I want to burst into tears but I don't want Zares to see me as a weak man. "Ilabas mo lang yan. Hindi porke lalaki ka ayaw mo ng maging mahina at umiyak. Ganyan din ako noon, remember? When your sister found out the truth, she got mad at me, right? I cried and you saw it. Tao parin tayo kaya ilabas mo lang yan."

That's when I burst into tears. "She... left me." I tried to talk while crying. Fvck! Wala pang nakapagpaiyak sakin kundi ikaw lang, Athena. Please, bumalik ka na!

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now