prologue

7 0 0
                                    

"Sol, hinde ka pa ba uuwi, 6:30 na?" Sumilip ako sa bibtana at nakitang palubog na ang araw

"Mamaya na pag medyo madilin na" lumapit sya sakin at yinakap ako

"Ayos ka lang ba?" Sumakit ang dibdib ko sa kanyang tinanong, ayos nga lang ba ako?

"Oo, marami lang talaga ako gagawin" nginitian ko sya para mapanatag ang loob nya

"Sigurado ka ha? Hindi yan dahil ayaw mo lang makita ang sunset? Hindi ba't yan ang dahilan mo dati?"
Oo yan nga pero ang sabi ko sayo kalimutan ko na lahat
"Sigurado ako Ainah, diba sabi ko sayo kakalimutan kona ang lahat?"
Isang yakap ang natanggap ko bago sya nag tungo sa elevator at pumasok sa loob

Sa totoo lang wala na akong gagawin ngunit hindi ko pa kaya makita ang pag lubog ng araw, aaminin kong maganda ito ngunit naaalala ko ang lahat ng memorya ko kasama sya....

8:30 na ng gabi, liniligpit ko na lahat ng gamit ko. Nagtungo ako sa elevator pero pagbukas nito isang hindi inaasahang mukha ang nakita ko

Nandito sya at kasama nya ang kapatid ko...

Kahit hindi ko sila gustong pansinin wala ako magawa dahil nasa harapan ko sila.

"Hi zel, uhm hey jace" tawag ko sa dalawa, nginitian ako ng kapatid ko ngunit isang malamig na titig lang ang nakuha ko mula sa kanya.

Ngayon naramdaman ko ulit lahat ng sakit na naramdaman ko dati, sobrang sakit

"Hi Sol! Bakit hinde ka pa umuuwi?" Parang nagbara ang lalamunan ko ngunit pinilit kong magsalita

"Marami pa kasi akong ginawa, kaya ito late na natapos" sana maniwala sya, gusto ko nang maka alis

"Ahhh sige, mag 9 pm na pala umuwi kana" ngiti nya sakin, linagpasan ko sila at papasok na sana ako sa elevator nang may biglang humablot sa aking kaliwang balikat

"Hinde ka pa ba kumakain?" Isang malamig na boses ang aking narinig

Tinignan ko ang kapatid ko at parang nakita ko na may sakit na dumaan sa kanyang mata ngunit agad din yun natakpan ng kanyang ngiti

"Oo nga, hindi pa nga ba?" Yung tono ng boses nya parang sinasabi niyang wag na ako sumama

"Kumain na ako, pwede mo na ako bitawan?" Sinubukan kong ipagsa walang bahala ang mga hawak nya

Ngunit mukhang d sang ayon sakin ang tadhana at biglang kumulog ang tiyan ko

Sht wrong timing, oo kanina pa nga ako gutom pero d naman ata tama na ngayon ka mag alburoto huhu

Ngumisi si Adi sakin "hindi mo ako maloloko Sol, sumama ka na samin" parang gusto kong makain ng lupa ngayon

Hinawakan nya ulit ako sa braso but he was gentle ngayon hindi katulad kanina na marahas, pinigilang ko sya sa pag hatak at dahil hindi mahigpit ang pag kakahawak ay naka kawala ako

Magsasalita sana ako ngunit ng harapin ko sya ay tinitignan nya ako ng may malambot na expresyon na nag pa lambot nalang bigla  ng aking tuhod...

The Promise of SunsetWhere stories live. Discover now