chapter seventeen | the grudge

Magsimula sa umpisa
                                    

"That's why I did it for him!" biglang tugon ni Gil, dahilan para pareho kaming matigilan ni Kuya Vito.

"Ano?" Naiwang nakaawang ang bibig ni Kuya Vito, kunot-noo pa rin. 

"Huh?" Napalingon naman ako kay Gil.

Gil had no emotion on his face as he kept his head up high, now glaring directly back at Kuya Vito. "Inutusan niya akong magmanman sa research center na iyon. Muntik akong mahuli ng isa sa mga guwardiya, pero nagawa kong makatakas. Kaso nalaman pa rin nila kung sino ako at pinalabas nilang may mga sinira akong gamit doon."

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak ni Kuya Vito sa kuwelyo ni Gil. Sa Sa kabila nito, hindi naglaho ang suspetsa sa kanyang mukha. "Bakit naman 'yon gagawin ni Chief? At bakit ikaw pa ang uutusan niya kung puwede namang si PJ? Pwede rin namang ako?"

Napabuntonghininga na lamang ako at muling hinila si Kuya Vito hanggang sa mapabitiw siya nang tuluyan sa kuwelyo ni Gil at mapahakbang paatras.

"Kasi in case magkabulilyaso, ayaw ni Papa na madungisan ang pangalan ni PJ. Ayaw niya ring matanggal ka sa puwesto pag nagkataon." Ako na mismo ang sumagot at lumingon na lamang kay Gil. "No offense, of course."

"Hindi pa rin, e!" Kuya Vito pushed me aside, marching angrily toward Gil again. "Bakit naman magmamanman nang pailalim si Chief? Puwedeng-puwede namin iyong gawin—"

"Kasi wala siyang sapat na ebidensiya!" Bumuntonghininga nang malakas si Gil. "Puro suspetsa lang ang mayroon siya sa lugar na 'yon. Desperado siyang magkaroon ng ideya kung ano ba talaga ang nangyayari, pero may malalaking taong pomoprotekta sa pasilidad na 'yon. Walang mawawala sa akin kaya nagboluntaryo na ako."

It was my turn to push Kuya Vito aside and face Gil. "What the hell were they doing in that research center?!"

Gil shook his head, eyebrows furrowed as he looked down like he was trying to put his memories and thoughts together. "Isang floor lang ang nasuyod ko at wala akong ibang nakita kundi mga laboratoryo. Pagdating naman sa database nila, ilang files lang ang nakita ko—mga research tungkol sa vaccine, painkiller, at kung anong eksperimento. May mga pag-aaral din tungkol sa mga halaman at hayop. Habang nagda-download ako ng mga files, naisipan kong tumingin-tingin sa bawat opisina. Puro mga doktor ang nagmamay-ari no'n base sa mga pangalang nakalagay sa bawat pinto. May isang opisina doon na napakagulo, nagkalat ang mga kahon sa sahig... para bang isa-isang nililigpit dito ang mga gamit ng doktor. Tiningnan ko ang ilang mga folder sa kahon hanggang sa nakita ko 'yong Sleepwalker Syndrome."

"N-Nasabi mo ba kay Papa?" Worry filled every fiber of my being. 

Tumango naman si Gil. "Nabanggit ko sa kanya. Masyadong pampelikula kaya pareho kaming hindi masyadong naniwala ng papa mo. Inisip ko pang nasesante ang doktor dahil sa kung anong pinagsusulat niya."

"Doktor..." Bigla na lamang suminghap si Kuya Vito. Paglingon ko'y sapo na niya ang kanyang panga at para bang may may napagtagpi-tagpi sa kanyang isip. "Si Doctor Rosauro ba? Gil, siya ba ang nagmamay-ari ng file?"

My knees weakened in an instant. Apelyido niya lang ang narinig ko, pero sapat na ito para bumalik ang mga alaalang pilit ko nang ibinaon sa limot.

An old man with thick, greasy white hair who wore his robe everywhere he went. When I was a kid, I always described him as a moreno version of Albert Einstein. He was intelligent, but I always felt there was something off about him. Especially from the way he defended the biggest monster of the island.

"He came back to the island? W-When?" Parang pinipilipit ang mga kalamnan ko at parang ano mang oras ay babaliktad na ang sikmura ko. Sa tindi ng magkahalong galit at takot, marahas akong napahawak sa braso ni Kuya Vito. "Bakit hindi n'yo sinabing bumalik siya rito?! Bakit n'yo siya hinayaang makabalik dito?!"

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon