Quezon City, Philippines
•| July 12, 2022 - Tuesday |•
"Jane! Ano na? Kaya ba this week?" may halong inis na bulyaw ni Faith sa akin habang hinihintay akong matapos sa kinakain kong burger. Male-late na kasi kami sa susunod na mga klase namin.
"Ito naman parang hindi kaibigan, eh. Kailangan kong ubusin 'to kasi sayang 'yong pinambili ko." sabi ko at minamadali na ang pagkain.
"Baka naman pwede akong mauna since hindi naman tayo magkaklase? Sige na, oh. Hindi talaga ako pwedeng ma-late sa subject na 'yon." pagmamakaawa niya.
"Sige na. Mauna ka na. Saglit na lang naman ako dito." may tampo kong sabi saka niya ako iniwan at kumaripas na ng takbo. Napailing na lang ako.
Pareho kaming breadwinner ni Faith, ang kaibahan nga lang namin sa isa't isa ay walang malubhang sakit ang mga kapamilya niya kaya hindi siya masyadong pressured sa mga bagay bagay. Saka ang isa pa palang kaibahan ko sa kanya ay ang pagiging grade conscious niya. Ako kasi, tamang pag-aaral lang.
Nagkakilala kami ni Faith no'ng elementary pa lang. Naging tagapagtanggol niya ako no'ng may nambu-bully sa kanya dahil sa kulot niyang buhok. Hindi ko maintindihan kung pa'no nagagawa ng ibang tao na tingnan kung ano ang "mali" sa iba pero hindi makita kung ano ang mali sa kanila. Hindi naman kami close ni Faith dati pero sa halos araw-araw na ginagawang pambu-bully sa kanya ay naging parang routine ko na ang pagpunta sa playground para tingnan kung okay siya. Eventually, naging bestfriends na kami. Mabait, at maaasahang tao si Faith. Bukod sa pamilya ko, siya ang matatakbuhan ko sa lahat ng bagay; hindi nga lang sa pera.
Tinapos ko na ang pagkain ko at saka nagmadaling pumunta sa building namin. Marami akong nakasalubong at muntik pa akong madapa dahil sa sobrang dulas ng hallway. Masyado namang ginalingan ni manong janitor ang pagwawax ng sahig.
"Miss De Leon, you're late...again." bungad ni Mr. Aguirre pagpasok ko pa lang ng pinto ng classroom.
"I'm sorry, sir." paghingi ko ng paumanhin pero natigilan ako sa paglalakad papasok nang magsalita siya.
"Who told you to get to your seat?" masungit na tanong niya. Tiningnan ko naman siya na parang nagtatanong.
"Stay outside. I'll talk to you after class." mabilis na sabi niya sabay turo sa may pintuan.
"Pero sir-"
"Walang pero pero. Just go outside, please." pagtatapos niya ng usapan.
Wala naman akong nagawa kundi gawin ang gusto niya at sumalampak sa may corridor ng classroom namin. Nakikinig ako mula sa may bintana kaya kahit papa'no, nakakasabay ako sa dini-discuss niya ngayon.
"Late ka na naman, Jane?" asar ng isa sa mga dumaan. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat.
Pumasok ulit sa isip ko ang nangyari kahapon. Paanong nawala sa isip ko ang gano'n kaimportanteng bagay? Hindi pa rin ako sigurado kung totoo ba na nangyari 'yon kasi para talaga akong nananaginip. Saka paano naman ako makakabalik sa nakaraan? Ano 'yon? Time traveller lang ang peg?
Umiling iling naman ako.
Saglit pa akong nag-isip at nagpasya akong subukan kung magagawa ko ba ulit 'yon. Pumikit ako ng madiin at naghintay ng ilang segundo. Wala namang nangyari. Inulit ko ulit ang ginawa ko at naghintay pa ng mas matagal pero wala pa rin talagang nagbabago. Sino bang niloloko ko? Nananaginip lang talaga siguro ako no'n.
YOU ARE READING
UNTIMELY
Historical FictionJane, a brilliant but reckless time traveler, has always been drawn to the mysteries of the past. But her latest journey takes a surprising turn when she keeps encountering the same woman, Jea, across different eras. Each time, their paths cross, an...
