Chapter 32: Collateral Damage

Start from the beginning
                                    

"Pwede bang kalimutan ko nalang din yung nangyari kay Neo? Ayokong manatili 'yon sa alaala ko. Kahit di ko siya kilala, ang sakit parin..." Umiiyak na sambit ni Serenity.

Hinawi ni Ponzi ang buhok na humaharang sa mukha ng dalaga at muli itong hinagkan, "Alam mo ba kung anong sabi ng doktor sakin? Sabi niya wala na daw talagang pag-asa si Neo na mabuhay sa simula pa lang pero dahil sa'yo nagawa niyang makipaglaban ng matagal. Parang hinintay niyang magkita kayo ulit para makapagpaalam. Nagawa niyang makipaglaban ng ganun katagal para magkita kayo, nakita mo ba ang tuwa sa mukha niya kanina? Serenity hindi 'yon isang masamang alaala, Oo napakasakit ng isang pamamaalam pero mas masakit ang isang paglisan kung hindi ka man lang makakapag-paalam..."

Napatingin si Serenity sa binata at unti-unting kumurba ang totoong ngiti sa labi nito, "You really think I made him happy in his last moments?"

"Sigurado akong dahil sayo, masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Tapos na ang paghihirap niya at makakapagpahinga na siya dahil nakapagpaalam na siya." Giit ni Ponzi kaya si Serenity naman ang agad na napayakap sa kanya dahilan para mapangiti siya.

****

"Okay ka na?" Muling tanong ni Ponzi na animo'y nangungulit habang kapwa nila hinuhugasan ang pinagkainang mga pinggan.

"Oo na kasi, salamat nga kasi." Tumatawang sambit ni Serenity kahit pa namumugto parin ang mga mata niya.

"Nga pala, andami kong homework at workbook na dapat sagutan, tulungan mo ako ha?" Pangungulit muli ni Ponzi dahilan para ngumiwi si Serenity.

"May atraso ka pa sakin, ayoko. Plus yung utang mo nga kay Jojo di mo pa nababayaran." Biro pa ni Serenity dahilan para si Ponzi naman ang ngumiwi.

"Ano namang atraso ko sayo?!" Pabirong bulyaw ni Ponzi sa dalaga habang hawak parin ang bumubulang sponge.

"Ikaw yung nangmanyak sakin three years ago! Perverts will burn in hell kaya magtino ka na!" Pabirong bulyaw naman ni Serenity sa kanya.

Napabuntong hininga si Ponzi, "Serenity naman eh, andun na yun eh! Dama ko na sana ang pang-iinsulto mo kaso ba't andun pa yung salitang 'magtino'! Allergic tayo sa salitang 'yan noon eh!" Biro pa nito.

"OA mo pramis." Biro ni Serenity dahilan para mapahawak si Ponzi sa dibdib niya at ngumiti sabay pikit.

"Nga pala, may gusto akong itanong sayo." Biglang sumeryoso ang tono ng pananalita ni Serenity dahilan para makunot ang noo ni Ponzi.

"Kung tungkol na naman 'to kay Jojo, iisipin kong nanuno ka na talaga." Pasaring ni Ponzi na animo'y naiinis na.

Ngumiti si Serenity, "Actually its about Dustin... Hindi naman sa nangingialam ako pero do you think na may possibility na mapatawad mo siya after ng ginawa niya kay Ford? I know wala akong karapatang magtanong but I just can't help it. The fact that you asked me to visit him just shows na you still care for your friend right?" Nagdadalawang isip na sambit ni Serenity na animo'y natatakot sa magiging reaksyon ni Ponzi.

Akala ni Serenity ay maiinis ang binata kaya naman nagulat siya nang sumandal lamang ito sa lababo at tipid na ngumiti, "Hindi lang naman 'to tungkol kay Ford eh."

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now