Oversized long sleeved black polo.....

"Young lady, hindi pwede. Mapagalitan ho kami." Singit ng bagong dating na maid.

Napalingon ako sa kanya.

"May klase pa po ako at hinahanap na po ako sa bahay namin." Sagot ko.

"Hindi po kayo makaka-alis, young lady. Madaming bodyguards ang nakapalibot sa mansyon."

Tangina naman!

"Maligo na po muna kayo, young lady. Ang Sabi ni master ay uuwi din agad siya galing sa cavite." Sagot ni butler Giovanni.

"T-teka nasaan ba ako? I mean exact address or place?" Tanong ko.

"Nasa Manila ka po." Sagot ng maid.

Nagulat ako sa sagot ng maid. Napaupo ako sa sahig at yumuko.

Manila?! What?!

"Ano?! Ang huling naaalala ko nasa Davao pa ako!"

Tumayo ako at hinanap ang cellphone ko.

"Ano pong hinahanap niyo?" Tanong ni Butler Giovanni.

"Yung cellphone ko.." bulong ko.

"Nakita niyo ba ang cellphone ko? Tatawagan ko lang si mama at papa o di kaya sina kuya." Kunti na lang iiyak na ako.

"Pasensya na po, pero hindi po namin nakita." Sagot nila.

Kainis!

Panigurado pinaghahanap na ako nina kuya! Lagot ako nito....

"Maligo na ho kayo, young lady." Sabi ng maid.

Sinunod ko naman siya. After Kong maligo't magbihis ay sinamahan nila ako papuntang kusina. Halatang mayaman ang nakatira dito kase sobrang laki ng mansyon. Tama din ang maid at si butler Giovanni, may mga bodyguards ngang nagkalat sa labas maging sa loob ng mansyon.

Kusina...

"Good morning, young lady." Bati ng mga maid at kusinera't kusinero.

"Good morning din po." Bati ko pabalik sa kanila.

Pinaupo ako ni butler Giovanni.

Kidnapping pero ganito kalupit?! Wow! Level up na pala ang kidnapping ngayon.

"Wag ka ng malungkot, young lady." Sabi ng isa sa mga maid.

Sumimangot ako. "Pagagalitan ako ng mga kuya ko..." Bulong ko.

"May mga kuya Ka, Young lady?" Tanong isa pa.

Tumango ako.

"Ako nga po pala si Jennifer."

"Ako naman po si Joselina."

"Ako po si Mario."

"Ako po ang chef dito, young lady. I'm Sean."

"I'm Roseanne,young lady."

"Ako ang mayordoma, Young lady. I'm Dahlia."

"Nice to meet you all po." Nakangiting sabi ko.

Inilapag nila ang mga pagkain sa mesa, napakadami nito tapos ang Sabi nila ay mamaya ay uuwi na daw ang master nila.

"A-ang dami po nito.. saluhan niyo po ako." Pag-aaya ko.

" Pasensya na, young lady. Pero Hindi po pwede." Sabi ni butler Giovanni.

"All of you, leave." Sabi ng Kung sino mula sa likuran ko.

Sinunod naman nila iyon. Yumuko ako.

Lord, pauwiin niyo ako.

Umupo siya sa gilid ko, "Mi Reina. Are you okay?"

Umiling ako, nanatili akong tahimik.

"Look at me, Mi Reina."

"Josephine."

Nakayuko pa rin ako. Ramdam ko ang pagbigat ng tensyon. Huminga siya malalim at para bang pilit niyang pinapahaba ang pasensya niya.

"Mi Reina, Please look at me." Hindi ito nakakatakot at halatang medyo napipikon siya.

Tinignan ko siya, ngumiti naman siya sa'kin.
Naiiyak na talaga ako.... Bigla niya akong niyakap nang Makita niya akong humihikbi.

"Hush.... I'm here now, baby.. Everything's going well." Pagpapatahan niya sa'kin. He finger-comb my hair and kissed my head.

"Let's eat first and we'll go anywhere you want, Mi Reina."

"Gusto ko ng umuwi." Bulong ko.

"They already knew that you're with me, Mi Reina."

"Sino ka ba?"

"Eat first, Mi Reina. Please."

Tumango na lang ako.

"Do you like it? Tell me if you don't like the food and I'll cook for you."

"Ayos lang."

"Please atop crying, Mi Reina." Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Paano yung klase ko? May pasok ako ngayon."

"You're excused, Mi Reina."

Isang tanong isang sagot?!

Tapos na kaming kumain, nanatili ako sa kwartong tinulugan ko. Nakaupo at walang magawa kundi ang mag overthink... Nang biglang nagsink in sa utak ko ang boses niya....

Flashback..

Phone call..

09*********

"Hello? Sino ka ba? Bakit mo ko ini-stalk?! May gusto ka ba sakin?!"

He giggles, " no, I don't like you... I'm in love with you.."

End of flashback.

K-kaboses niya...

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto Ng lalakeng yun,hindi niya sinabi ang pangalan niya. Walang sumagot kaya pumasok na ako.

Sa pagpasok namangha ako sa kwarto niya, modern style... Yung kulay ng kwart ay black,gray and white... Then narealized ko baka sa kanya itong long sleeved black polo na suot ko ngayon. Oversized Ito at halatang hindi sa akin.  Nilibot ko ang paningin ko at kumuha ng libro sa bookshelf. Binuklat ko iyon ay nagbasa ng konti.

"Yaya, I told you wag kang magpapasok lalo na kung hindi si Josephine-" nilingon ko siya.

Kakalabas niya lang galing sa banyo,bagong ligo... At nakatapis pa ibabang parte ng katawan.
Agad Kong tinakpan ang mukha ko gamit ang libro at tumalikod.

"S-sorry... A-akala ko w-walang t-tao kaya p-pumasok na lang ako ng basta basta." Nauutal kong sabi.

He chuckles, "nah.. it's fine, Mi Reina." nakatalikod pa rin sa kanya.

"Alright. Stay here inside, Mi Reina. Okay?"

Tumango ako.
Ano ba 'to lord? Kahapon puro pasakit tapos ngayon eto?! Hindi ko magets!

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now