"Para masigurado ko na okay ka lang ba talaga."

"Ngayong alam mo na, bakit nandito ka pa?"

"Sinabi ko sa professor natin na pumunta ka sa clinic, buti na lang at naniwala siya."

Nanatili akong tahimik.

"Nakita at napansin kita nung nakita mo ang pictures ng manliligaw mo."

Napalingon ako sa kanya.

"Kung paanong tumulo ang luha mo nung nakita mong masaya siya kasama ang babaeng yun sa picture...." Nilingon niya ako at ngumiti.

"Pwede mo akong maging sandalan kapag malungkot ka, pwede mo akong abalahin kapag bored ka, pwede mo akong tawagan kapag wala kang makausap, hindi kita babawalan. Alam mo ba kung bakit?" Umiling ako.

"Kase gusto Kita. Gustong gusto kita simula nung araw na nakita Kita. I don't care if I look stupid kase hinayaan ko ang sarili kong magmukhang rebound para sayo, pero ayos lang sakin kase gusto kita.... Hindi mo man napapansin pero lahat ng ginagawa ko ay para nakuha ang atensyon mo, I'm fucking craving for your attention. Kahit na nagmumukha akong tanga." Pag-aamin niya.

Sandaling katahimikan.....

Hindi ko alam ang sasabihin ko, umiiyak lang ako dito kanina tapos may confession na nagaganap ngayon. Yumuko ako.

"Ayos lang, Phine. Tanggap ko naman pero sana hayaan mo akong iparamdam sayo ang nararamdaman ko." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Sinuklayan niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Mas matangkad siya sa'kin kaya hanggang leeg niya lang ako.

"Cry out loud, Phine. Lahat ng hinanakit mo sa taong yun iiyak mo." Bulong niya.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon para mahalikan niya ang noo ko. "I'm always here, Phine."

He deserves someone who can love him back.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at ngumiti. " Halika na, balik na tayo. Baka sabihin nila nagditch tayo." Tumango.

Classroom.

"Beh, okay Ka lang? Hoy Hades! Pinaiyak mo ba yang bff ko?!" Inis na Sabi ni Anne.

Umiling ako. "Masakit lang ang puson ko at ang ulo ko."

"Totoo ba yun?!" Tinaasan niya ng kilay si Hades.

"Oo." Natatawang sagot ni Hades.

"Sigurado ka, President? Umuwi Ka na lang kaya." Nag-aalalang sabi ni Justin.

"Napano ka, President?" Nagtatakang tanong ni Maureen.

"Okay lang ako, kaya ko pa naman." Ningitian ko sila.

"Wala nga pala si Professor Anton may meeting daw." Sabi ng secretary namin na si Keisha.

"Kakanta ako, gusto mo ba?" Tanong sa'kin ni Hades.

"Ayieeeeeeee!" Buyo sa'min ng mga kaklase namin.

Tumango na lang ako.

"Pahiram ng gitara mo, Kurt." Sabi niya.

Iniabot naman ng P.I.O na si Kurt ang Gitara niya. "Sige, tol."

Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara.
Pinanood lang namin siya, tinignan niya pa ako at ngumiti. Bigla namang naghiyawan ang mga kaklase namin. 

"Josephine, wrap me up in all you. I want you, in  my arms. Oh,let me hold you. I'll never let you go again, like I did. Oh, I used to say ...." Panimula niya sa kanta.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now