KABANATA 35

Mulai dari awal
                                    

Nag-angat ako ng tingin kay Zamir. Nakatingin lang siya sa amin habang nakangiti na para bang naaaliw na siyang tingnan kami. Pero imbis na ngitian, sinimangutan ko siya at inirapan. Halatang natigilan siya sa ginawa ko at napakurap.

Buong oras, panay lang ang pag-irap at pagsusungit ko kay Zamir. Nang matulog na si Nathan, pumasok agad siya sa kwarto namin saka umupo sa tabi ko.

"Mahal ko... Galit ka ba sa'kin?" paglalambing niya saka yumakap sa baywang ko.

"Ewan ko nga sa'yo, baka nga hindi mo na ako mahal." Umismid ako saka inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"Ano ba'ng sinasabi mo, mahal ko? Hindi mangyayari 'yon," sabi naman niya saka humaway pa sa magkabilang pisngi ko.

Umirap ako. "Sus. Halatang nanlalamig ka na sa akin. Palagi ka pang umaalis tapos naglilihim ka na. May babae ka na ba?"

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako, parang noong nakaraan lang, sabi ko sa sarili ko na imposibleng mambabae si Zamin. Napansin ko rin talaga na pabago-bago ang mood ko nitong mga nakaraang araw. Buti na lang mahaba ang pasensya ni Zamir sa akin.

"Mahal ko... Hinding hindi ko gagawin 'yan sa'yo. Ikaw lang ang babaeng minahal at mamahalin ko..."

Napasimangot ako saka umiwas ng tingin sa kaniya. "H-hindi, e. Parang hindi mo na talaga ako mahal." Marahang napahikbi ako nang maramdamang namumuo ang mga luha ko.

Tila nataranta naman si Zamir. Agad siyang humawak sa baywang ko saka hinila ako paupo sa kandungan niya. Humawak siya sa pisngi ko. Kitang kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

"Mahal ko... Mahal na mahal kita. Mas mahal kita kaysa sa sarili ko. 'Wag na 'wag mong iisipin na magagawa kong magmahal ng iba maliban sa'yo..." sinabi niya sa malumanay na boses saka dinampian ng halik ang pisngi ko.

Napahikbi ako saka yumakap sa batok niya. "Hindi ka nagsasawa sa akin?"

"Ako? Magsasawa sa'yo, Maria Elaine?" Lumambot lalo ang mga mata niya. "If you can just feel what my heart feels for you. You will surely think I'm hopeless. I'm hopelessly in love with you. I can no longer be saved from drowning... but I don't mind though. I love this feeling so much... I love you so damn much, Maria Elaine."

Marahan niyang pinahid ang luha sa pisngi ko. Humawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko saka humalik sa pisngi niya. "Sorry, mahal ko. Ang emotional ko masyado," sabi ko na lang saka muling napahikbi.

"Mahal ko... You don't have to say sorry for that. There's nothing wrong with that." Humalik naman siya sa noo ko. "Mahal na mahal kita," anas niya saka hinaplos ang pisngi ko.

Yumakap ako sa batok niya saka nagsumiksik sa leeg niya. Naramdaman kong napangiti siya saka hinaplos ang likod ko.

"Mahal na mahal din kita, Zamir," anas ko saka humalik sa labi niya.

Pagkatatapos naming magkaayos, natulog na rin kami nang magkayakap.

NAPAPANSIN KO pa rin ang pagiging busy ni Zamir ng mga nakaraang araw pero pilit ko na lang hindi pinansin. Ayoko nang pagdudahan siya ulit. Alam ko naman sa sarili ko na hindi magagawa ni Zamir ang ganoong bagay. Masyado lang talaga akong emosyonal nitong mga nakaraang araw.

Kung ano-ano ring pagkain ang gusto kong kainin. Kung minsan nagsusuka na nga ako dahil sa mga kinakain ko.

"Mahal ko..."

Nagising si Zamir nang marahan kong niyugyog ang braso niya. Napatingin siya sa'kin habang nagkukusot ng mata.

"Bakit, mahal ko?" tanong niya sa paos na boses saka humawak sa pisngi ko.

Flawed Series 1: Lost in His FireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang