KABANATA 16

83.7K 2.1K 339
                                    

"Elaine... I think... you should resign now. Working in our mansion is not healthy for you anymore."

Natigilan ako sa pagguhit ng bahay dahil sa sinabi ni Senyorito Zamir. Nakahiga lang siya sa kama, nakatagilid, habang nakapatong ang sentido niya sa kamay niya... nakatitig sa akin.

Napabuntong hininga ako saka napakamot sa batok ko. "Senyorito, hindi po pwede... Hindi naman po palaging mainit ang ulo ni Senyorita Adrianna, kayang kaya ko naman po 'yon. 'Wag ka nang mag-alala sa'kin." Ngumiti ako sa kaniya.

Tila hindi naman kumbinsido ang senyorito at nanatili lang na seryosong nakatitig sa'kin. Napanguso naman ako saka tumayo at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kama saka humiga sa tabi niya at yumakap. Halatang natigilan siya sa ginawa ko... pero gumanti rin naman siya ng yakap sa'kin saka dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ko.

"I'm just worried... I know how ruthless that family can be," bulong niya saka ikinulong ako sa mga bisig niya.

Napangiti na lang ako at mas lalong nagsumiksik sa dibdib niya. Sa mga nakalipas na linggo, tila nawawala ang pagod ko sa trabaho sa tuwing nandito ako sa unit ni senyorito. Hindi na ako nagtrabaho sa bar... tuwing gabi, dito ako nananatili sa unit niya. Kung minsan ay dito na rin ako natutulog.

Binabayaran niya pa rin ako kahit na hindi naman kami nagtatalik... Minsan sinasamahan ko lang siya rito sa unit niya. Kung minsan naman nanonood lang kami ng telebisyon o gumuguhit ng mga bahay. Minsan naman nagpupunta kami sa mall at naggagala sa iba't ibang lugar... Binabayaran niya ako kahit ilang linggo na kaming hindi nagtatalik. Ayaw ko sanang tanggapin, pero sinabi niya sa'kin na alam niyang mahihirapan ako lalo pa't tumigil na 'ko sa pagtatrabaho sa bar. Siya rin naman ang nagbibigay mismo ng pera kina nanay.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa katotohanang iyon. Hindi naman sinusumbat sa akin ni senyorito ang lahat ng binibigay niya. Sinabi niya rin na 'wag ko nang isipin ang mga 'yon dahil sa'kin na ang mga binibigay niya kaya wala siyang balak na isumbat... pero nag-aalala pa rin ako dahil matagal na kaming hindi nagtatalik... pero nagbabayad pa rin siya. Para na lang siyang nagbibigay ng pera sa akin sa lagay na 'to.

"Senyorito. Kapag po may problema ka na pwede akong makatulong... sabihin mo lang kaagad sa'kin," sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

Napangiti naman si senyorito sa sinabi ko saka tumango. Dinampian niya ng halik ang noo ko saka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Okay... thank you, Elaine."

Napangiti na lang din ako nang muli niya akong hilahin para yakapin. Ang sarap lagi sa pakiramdam kapag niyayakap ako ni senyorito. Pakiramdam ko nawawala palagi ang pagod ko... pakiramdam ko, mas gumagaan ang lahat sa tuwing kasama ko siya.

Alam kong nahuhulog na talaga ako kay senyorito... pero hindi ko pa alam ang gagawin ko tungkol sa nararamdaman ko.

Nag-angat ako ng tingin kay senyorito. Napatingin din siya sa'kin saka humawak sa pisngi ko. Hinawakan ko rin naman ang kamay niya na nakahawak doon saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

Napabuga ng hangin si senyorito saka kinurot ang pisngi ko. Napakurap na lang ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan 'yon. Muli niyang pinisil-pisil ang pisngi ko na parang nanggigigil siya rooon.

"S-senyorito?" nagtatakang tanong ko.

"Damn. You're cute," bulong niya saka muling pinisil ang pisngi ko.

Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya. Napanguso na lang ako at marahang itinulak ang dibdib niya. "Naku, senyorito. T-talagang nambobola pa," nakangusong sinabi ko saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Napahalakhak naman si senyorito saka muli akong hinila para yakapin. Kahit na naiinis ako dahil tinutukso niya ako, napangiti na lang ako dahil narinig ko ulit ang tawa niya. Napansin ko na napapadalas na ang pagtawa ni senyorito sa tuwing magkasama kami. Minsan naiinis ako dahil pinagtatawanan niya ako kung minsan, pero sa totoo lang masarap pakinggan ang tawa niya kaya hinahayaan ko na lang.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now