Chapter Twenty-Three

14 1 0
                                        

"SORRY, MISS WEN, pero, ano po eh..."

Tumayo ako at ngumiti sa assistant ni Grace na kakalabas lang ng office nito. Ngumiti ako rito at tinapik ang kaniyang balikat para ituloy ang sasabihin.

"Okay lang, sabihin mo na. Sanay na ako kay Grace," sabi ko.

Ilang araw matapos ang pagtatalong nangyari sa amin ay naisip kong makipag-ayos. Kilala ko si Grace. Alam kong iniisip niya rin ang sitwasyon ko at ayokong mag-alala siya sa akin, lalo na sa kalagayan niya ngayon. Alam ko ring sinabihan niya akong huwag magpapakita, pero hindi ko rin naman gustong magka-away kami nang matagal.

"Bawal daw marupok dito, Miss Wen," nahihiyang sabi pa nito habang nakayuko ang ulo.

Natawa na lang ako at napa-iling. Lumingon ako sa pintuan ng office ni Grace saglit bago nagpasalamat sa assistant nito na hinatid ako hanggang sa elevator. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang hindi ako kakausapin ni Grace hanggang hindi ako nagtitino.

Pagdating sa parking lot ay natigilan ako nang makasalubong si Drew. Prente itong naglakad papalapit sa akin at nakipag-beso.

"Ginagawa mo rito?" natatawa nitong tanong sa akin na parang inaasar ako. Pabiro ko itong inirapan at hinampas ang bag sa t'yan.

Niyaya niya akong mag-kape muna saglit bago niya puntahan ang asawa para sunduin. Pumayag naman ako.

"Oh, kape. Baka magising ka," abot nito sa akin ng inorder niya.

"Everyday naman akong nagkakape."

"Talaga ba? Ba't hindi ka pa natatauhan?"

Sinimangutan ko ito. "Puro kaba lang inaabot ko."

Tinawanan ako nito. "Kabahan ka talaga, Wen. Galit si Grace sa'yo."

Saglit kaming natahimik pagkatapos noon. Uminom muna ako sa kapeng hawak bago magsalita.

"Ikaw, Drew," tawag ko rito pero nanatili akong nakayuko. "Hindi ka galit?"

Narinig ko itong tumikhim bago magsalita. "Naiintindihan kita, Wen, eh. Kahit ako, I'll always choose Grace. Katulad ng palagi mong pagpili kay Six."

I bitterly chuckled. "Iba naman 'yung sa'min, eh. Ikakasal na siya sa iba."

"Wala namang pinipiling sitwasyon ang pagmamahal."

Nag-angat ako ng tingin sa sinabi nito.

"You can't teach your heart when and who to love. Kusa 'yang titibok para sa isang tao. In your case, your heart keeps on beating for Six," nakaturo pa ito sa bandang puso ko. "And I understand. I love Grace just as much as you love Six."

Bahagya kong naramdaman ang pagtutubig ng mata ko sa sinabi nito. Somehow, I feel comforted. Sa unang pagkakataon, may nakakaintindi sa pagmamahal na nararamdaman ko.

"P-pero may sinasaktan kaming tao."

I heard my voice cracked as guilt consumes me. "M-masasaktan si Joyce..."

Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya nang makitaan siya ng pagsuko at pag-aalala. He knows, we both know, that the love that Six and I have for each other will not fix everything. It messed us all up in the first place.

"That's when you learn where to place your love," sabi ni Drew sa mahinang boses. "Hindi mo mapipigilan ang sarili mong magmahal, pero makakapili ka kung anong klaseng pagmamahal ang kaya mong ibigay."

Napapikit ako ng mga mata kasabay ng pagpatak ng luha mula rito. Alam ko na kung saan hahantong ang usapang ito. Gusto ko nang tumayo at umalis pero alam kong kailangan kong marinig lahat ng sasabihin niya.

The Promise of 30Where stories live. Discover now