Hue #13

1.7K 59 2
                                    

Hue #13

Naia's POV

"Naia, why are we waiting outside?" Sasha called me while I was standing in front of the museum inhaling the fresh—well, polluted air. Wala rin naman akong choice kasi nasa syudad ako.

Bigla ko tuloy namiss sa probinsya lalo na ang masarap na luto ni Kuya Cyx. I was so excited to show them the crochet bracelet Treston had given me.

He didn't make this. It was her mother's craft, making it more special. I was never a fan of crochet, but now I wanted to support those locals who make crochet things.

"E, nagpapahangin pa ako," sabi ko.

Nakataas ang kamay ko na para bang inaabot ko ang buwan. Kulang na lang ay matunaw ang crochet bracelet ko dahil kanina pa ako nakatitig dito.

Ang ganda. It's like a watch only that instead of a clock there's a crochet flower in the middle. It's aster. Hindi ko pa alam noong una kung ano ang bulaklak, when I searched it mas kinilig ako kasi ito ang emblem ni Venus, the goddess of love.

Love niya na ba ako? Ang bilis naman. Well, he didn't say it. Gusto kong maging assuming kasi sobrang saya talaga sa pakiramdam.

"Hay nako, Treston..." parang siraulo na sabi ko ro'n habang nakatingin sa bracelet.

Kinapa ko ang mga seashells na nakalagay sa magkabilang tabi ng bulaklak tapos inayos ko na ang tali.

Naramdaman ko na agad na papalapit na si Owen para siya na mismo ang tumawag sa akin kaya tumakbo na ako. Aba, ang sungit. Palibhasa ay break na yata sila ng girlfriend niya? Ewan, hindi naman ako chismosa.

"Anong ginagawa mo sa labas?" Salubong ni Ellia. "Tulungan mo ako sa wall art. Wala na akong maisip na idea."

"Kung ikaw na running for summa cumlaude wala ng maisip, ako pa kaya?" Napakamot ako sa ulo ko na puro Treston ang laman. "Saka, hinihintay ko si Treston, panira kayo ng moment..."

"Treston? Sinabi ba niya na pupunta siya?"

"Hindi."

Binatukan ako ni Ellia. "Magtigil ka nga. Baka umaasa ka lang sa kanya. Did he say that he likes you?"

"Hmm...hindi pa naman but I could feel it. Bakit niya ako bibigyan nito tapos ipapakilala sa Mama niya? Kung hindi niya ako gusto, sure ako na hindi ako pag-o-overthink-in non. Nililinaw naman niya kung wala lang ang mga ginawa niya."

Mahabang sinabi ko kay Ellia tapos wala man lang siyang reaksyon kasi dumating si Seb. Nakita ko nga na parang nagulat pa si Ellia...pero agad din naman siyang pumunta rito.

Saglit pa akong tumingin sa kanila para masiguro na maayos si Ellia kay Seb saka pumunta na sa grupo nila Dom. Syempre, rush na naman ang trabaho namin tapos bigla kong naalala ang thesis ko.

"Oh. Shit. Babagsak pa yata ako..." Nagdadrama na sabi ko kay Dom. "Ganda lang ambag ko sa thesis namin."

"Sira. Bakit kasi kung ano ano inuuna mo. Tapos mo na ba ang nude painting mo?"

Bumusangot pa ako. "Isa pa 'yon. Tapos ko na...kaso baka hindi na ako makauwi ng bahay namin. Ginawa kong inspo si Kuya Cyx..."

"What?" Singit ni Migo. "May saltik ka ba, Naia? Gusto mo ba kasuhan ka ng Kuya mo?"

Napaisip ako kasi wala naman akong alam sa batas. Ang alam ko lang ay maging mabuting citizen ng Pilipinas. Hindi ako nagtatapon ng basura kung saan tapos tumatawid ako sa pedestrian lane. Nilalagay ko rin naman ang kamay ko sa dibdib tuwing Lupang Hinirang.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Where stories live. Discover now