"Hay nako... Sige na nga. Aalis na rin ako para makapag-family moment kayo. Susunduin na rin ako ng boyfriend ko maya-maya, e," sabi na lang ni Ria. "Makikipag-loving loving ako sa kaniya para 'di ako mainggit sa inyong dalawa."

Natigilan kami nang may dumating ngang kotse. Sumilip ako sa bintana. Napakunot ang noo ko dahil tila pamilyar ang kotse na 'yon. Agad namang binuksan ni Ria ang pinto. Napasinghap ako nang makitang lumabas ng kotse ang kaibigan ni Zamir na si Dylan. Narinig kong napasinghap din si Zamir sa tabi ko. Sinugod agad ng yakap ni Ria si Dylan.

Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin kay Zamir. Gulat na napatingin din siya sa'kin.

"M-may relasyon... sila?" tanong ko sa kaniya.

"I-I'm honestly shocked too. I didn't even know that Dylan has a girlfriend," nasabi na lang ni Zamir.

Pumasok na si Ria saka Dylan sa bahay. Napakurap si Dylan saka itinuro ako kay Ria. "Siya 'yung best friend na tinutukoy mo? Si Elaine?" tanong niya kay Ria, tila hindi rin makapaniwala.

Tumango si Ria. "Bakit? Kilala mo ba si Elaine?" nagtatakang tanong ni Ria saka yumakap sa braso ni Dylan.

"Well, I'm Zamir's best friend so..." Natatawang napailing si Dylan, tila hindi pa rin makapaniwala. "Wow, what a coincidence... Nagulat din ako nang dito ka nagpasundo, Ria."

Napatakip ako sa bibig ko. "Hala... Nakakagulat naman. Si Dylan pala ang boyfriend na tinutukoy mo, Ria."

"Wow... Hindi ko alam na best friend pala ni Dylan si Zamir. Grabe na this..." napapailing na sabi ni Ria.

Natawa rin si Zamir sa tabi ko. "I'm sorry, dude. I thought you really don't have any plans on getting in a relationship anymore. Nakakagulat na may girlfriend ka pala at si Ria pa. Hindi mo naman sinabi sa'kin."

"Well, ayoko namang inggitin ka sa love life ko habang hindi pa kayo nagkaka-ayos ni Elaine, kaya nilihim ko muna... Ngayong okay na kayo, baka pwede na 'ko mag-asawa," nakangising sabi ni Dylan saka umakbay kay Ria. Siniko naman siya sa tagiliran ng kaibigan ko.

"Ayos, ha. Nagparinig pa talaga... Nako, hayaan nga muna natin silang mag-moment diyan. Umalis na tayo..." Ngumiti sa'kin si Ria. "Sige na, beh. Aalis na kami, ha. Bye!"

Nagpaalam na sila sa amin. Hinabol na lang namin sila ng tingin ni Zamir hanggang sa makaalis sila. Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Ang tadhana nga naman... Magkarelasyon pala ang mga kaibigan namin ni Zamir... Si Ria na tumulong at nagligtas sa akin at si Dylan na tumulong at naging sandalan ni Zamir.

Napatingin ako kay Zamir. Nakatulog na pala si Nathan sa leeg niya, mukhang napagod na rin kakaiyak.

Dinala na namin si Nathan sa kwarto niya saka marahang inihiga sa kama. Humalik ako sa pisngi niya. Napangiti si Zamir at humalik din sa noo ng anak namin. Lumabas na rin kami sa silid ni Nathan.

Napabuntonghininga ako saka agad na yumakap sa kaniya. Natigilan siya sa ginawa ko, pero agad siyang gumanti nang mahigpit na yakap sa'kin. Napangiti ako saka nagsumiksik sa dibdib niya. Inamoy ko pa siya... ang bango niya talaga kahit hindi na siya gumagamit ng mamahaling pabango kagaya noon.

Ang tagal din naming magkayakap na ganoon. Hinaplos niya ang likod ko saka humalik sa noo ko. "Elaine... Nagugutom ka ba? I'll cook for you," anas niya saka muling humalik sa tuktok ng ulo ko.

"Hindi ako nagugutom..." sabi ko na lang saka mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. "Gusto kong magyakapan tayo sa kwarto ko."

Natigilan siya. "H-huh? Sa kwarto mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Siyempre naman. Doon ka na matutulog sa kwarto ko."

Napalunok siya, bahagya pang namula ang mukha. "O-okay na ako sa couch, Elaine."

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now