"Kapag nakita ko ulit na may gumanyan sa'yo, ipakukulong ko na talaga..." naiinis na sabi ko pa. "Sisirain ko talaga ang buhay nila."

Marahang humalakhak siya sa sinabi ko. "You're quite scary."

Humawak ako sa magkabilang pisngi niya saka seryosong tumitig sa kaniya. "Oo, nakakatakot talaga ako... at kapag may nang-api sa'yo ulit, talagang sisirain ko ang buhay..."

Napaiwas siya ng tingin, bahagya pang namula ang magkabilang tainga niya. "A-ako dapat ang nagsasabi niyan."

"Ano naman? Porke babae ako, bawal na kita ipagtanggol?" nakataas-kilay na tanong ko.

"This has nothing to do with gender... I-I just want to protect you—"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. "But you've been doing that for six years, Zamir. Ang tagal mo na akong pino-proktahan. Okay na 'yon... kaya ako naman. Ako naman ang aapak sa lahat ng nang-apak sa'yo, naiintindihan mo ba?"

Mas masama yata ako kaysa kay Zamir. Si Zamir, pinrotektahan niya ako sa paraan na hindi gumaganti, sa paraan na siya lang ang masisira... pero hindi ganoon ang gusto ko. Kapag pinrotektahan ko siya sa mga taong nanakit sa kaniya, gusto kong siguruhin na masisira din ang mga taong 'yon... para talagang ligtas na si Zamir.

Natigilan si Zamir nang bigla akong umalis sa kandungan niya. Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Elaine?"

"Pupunta ako sa Hacienda Castellon... dito ka lang," sabi ko saka humawak sa magkabilang balikat niya.

Kinuha ko kaagad ang bag ko saka lumabas ng hotel room. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Zamir saka humawak sa kamay ko.

"Elaine... Anong gagawin mo ro'n?" tila nag-aalalang tanong niya.

Napabuga ako ng hangin saka hinarap siya. "Basta... Bumalik ka na ro'n sa loob. Hindi ka komportable sa lugar na 'yon kaya ako ang pupunta mag-isa. Okay?"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin saka muling naglakad paalis. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na sumakay ng taxi. Natigilan ako dahil pumasok din si Zamir saka humawak sa kamay ko.

"Elaine... 'Wag ka na pumunta ro'n, hmm? Umalis na lang tayo rito... Hindi mo na kailangang gawin 'to dahil pinutol ko na rin naman ang ugnayan sa kanila," marahang paliwanag niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin saka hinarap siya. "Zamir, hindi ako matatahimik na aalis tayo rito tapos hindi ko masasampal ang nanay mo kahit isang beses. Alam kong hindi mo kayang magalit sa nanay mong 'yon dahil sinisisi mo ang sarili mo, dahil pakiramdam mo wala kang karapatan... Kaya ako na lang. 'Wag ka nang sumama sa akin at ako na ang bahala."

Kahit ilang ulit ko siyang pinigilan na sumunod sa akin, sumama pa rin siya... kahit na alam niyang mapapait at masasakit na alaala lang ang babalik sa kaniya.

"Elaine... a-are you sure about this? Pwede pa tayong umalis..." sabi ni Zamir habang nakasunod pa rin sa akin.

Napaismid ako at dire-diretsong pumasok sa hacienda. Gulat na napatingin ang guard, ni hindi kami nagawang pigilan. Marahil hindi nila inaasahan na makita si Zamir. Pagpasok namin sa loob, halatang nagulat din ang ibang mga katulong. Karamihan sa kanila ay pamilyar pa sa akin.

"Eleanor! Lumabas ka!" malakas na sigaw ko, siniguro ko na maririnig ang boses ko sa bawat sulok ng mansyon.

Naramdaman kong humawak si Zamir sa kamay ko. "E-Elaine..."

Napabuga ako ng hangin at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Lumapit ako sa malapit na vase at kinuha 'yon saka inihagis sa sahig para maglikha nang mas malakas na ingay. Napasinghap ang mga katulong sa ginawa ko.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now