Chapter 2

10 11 6
                                    

"Tingin ka ng tingin sa abogado mo! Tumulong ka nga rito!" Sigaw ni Sera sa akin habang gumagawa siya ng banderitas.

"Bakit bawal ba?" Irap kong tanong sakaniya. Padabog naman niyang nilapag ang gunting at nilingon ako.

"Malamang bawal! May ginagawa pa tayo eh, mamaya ka na d'yan."

Ngumuso ako at tinulungan siyang mag-gupit ng mga red at white na charol na ilalagay sa tali. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang mood swings ni Sera kaya sinusunod ko na lang siya kapag alam ko na galit na talaga siya.

Pangalawang araw na rin namin sa pagaasikaso ng arrangement ng foundation week. Nakakapagod din pala 'to, ngayon ko lang kasi naranasan na magganito kahit ilang taon na akong nagaaral dito, pinapagawa ko kasi sa iba ang mga dapat kong gawin. Mahirap pala magkaroon ng kaibigan na SSG officer.

Andito kami ngayon sa 3rd floor ng building namin dahil dito sisimulan ang pagkakabit ng banderitas.

Hindi ko nga alam kay Sera kung bakit paggagawa pa ng banderitas ang pinili niya na gawin namin, eh pwede namang wala.

Napansin ko na silip siya ng silip sa mga ginagawa ng nasa baba.vice president duties nga naman. Kaya ayokong magcouncil eh, responsibilidad ko pa ang mga ibang estudyante eh sarili ko nga hindi ko maalagaan.

"Bakit ba tingin ka ng tingin sa baba? Sabi mo tigilan ko 'yung kakatingin sa abogado ko tapos ikaw naman 'yung pumalit?" I broke the silence when I noticed Sera was deeply thinking of something.

"Ha? Wala. Baka sumablay 'yung mga nag-volunteer eh. Mahirap na baka ako pa masisi ni President Knows-It-All, at anong abogado mo? Ngayon mo pa nga lang nakilala 'yan eh, pa'no kung drug lord pala siya?" Mahaba n'yang sabi.

"Sa gwapong 'yan drug lord? Sera, alam kong tanga ka pero hindi ka bulag."

Natapos na kami na magkabit sa buong building, hindi ko alam na aabutin pala kami ng maghapon sa pagkakabit lang ng banderitas. Sana pala itinulog ko na lang.

Inaya ko si Sera na pumunta ng cafeteria para bumili ng pagkain dahil gutom na gutom na ako, pero naalala ko na wala nga pala akong pera dahil ginastos ko ito sa pagpa-repaint ng big bike ko.

"Akala ko ba nagugutom ka? Eh ba't dito mo 'ko hinihila sa building ng CBA?" Sabi ni Sera habang hawak ko ang kamay niya at mabilis na nilalakad ang hallway ng CBA.

"Wala akong pera, bobolahin ko 'yung tatlo para bigyan ako ng pera." Ngumisi ako.

Narating na namin ang room nila at nakitang gumagawa sila ng mga posters at kung ano-ano pa. Nilibot ng paningin ko ang room at nakita 'yung tatlo, nilapitan ko sila at binatukan ang ulo ni Axl.

Mabilis akong nilingon ni Axl at binigyan niya agad ako ng matalim na tingin.

"Pahiram ako pera, babayaran ko legit. Bukas na bukas agad." Sabi ko, binalik naman ni Axl ang tingin niya sa poster na ginagawa nila.

Binigyan ko ng puppy eyes si Levi at Fierce pero binalik din nila ang tingin nila sa poster. Napatingin din tuloy ako sa poster nila at nakita ko ang Earth na nilagyan ng umiiyak na mukha, may kamay na nakahawak dito, at may title sa taas na #SaveTheEarth.

I bursted out laughing because 'yun na palagi ang design na ginagawa nila since Junior High. Hindi pa rin pala nagbabago ang tatlo na 'to.

"Ang sama mo naman." "Pinaghirapan namin 'yan!" "Pakyu ka!" Sunod-sunod na sabi ng tatlo.

Tinigilan ko lang ang pagtawa nung paiyak na ako. Pinunasan ko ang pekeng luha sa mata ko at nagsalita ulit.

"Hayop kayo. Foundation Day ang event hindi Poster Making Contest."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rule the RainWhere stories live. Discover now