Prologue

31 20 42
                                    

"Ang tagal naman ni Levi

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

"Ang tagal naman ni Levi. Sabi ko 3 am ang call time, 4 am na wala pa rin." Ely hissed.

"Baka naman akala 3 am gigising." Natatawang sambit ni Sera. Nagsindi si Sera ng sigarilyo at pinasa ang lighter sa'kin. Hinithit ko ang sigarilyo at ibinuga.

We are going to Nasugbu for Ely's birthday, tatlong araw din kaming mamamalagi doon. It's my first time to go to Nasugbu dahil Tagaytay lang naman ang pinupuntahan namin magkakaibigan sa Batangas.

Natanaw ko ang pamilyar na pulang sasakyan ni Levi na humaharurot papunta sa pinagpaparadahan namin, nandito kami sa isang convenience store malapit sa school. Dito namin napagkasunduan na magkita-kita dahil malapit lang ito sa mga bahay namin.

"Finally! Muntik ka na naming iwan." Sarkastikong sabi ni Ely bago ihagis ang natirang sigarilyo sa ashtray at pumasok sa passenger side ng sasakyan ni Levi.

"Suyuin mo si birthday girl. Ginalit mo ang aga aga." Sera said at hinatak ako papunta sa sasakyan namin nina Fierce at Axl.

Anim kaming magkakaibigan, three boys and three girls. Ely and Levi are couples, puro kalokohan ang ginagawa ng dalawa kaya bagay na bagay sila.

"I'll drive." I volunteered, gusto ko na gising ako habang tinatahak ang daan papuntang Nasugbu.

I've never been there but it feels like that place has a place in my heart.

"Sure ka? Hindi mo kabisado ang daan." Axl said with his morning voice.

"May map naman sa phone." I replied.

"Ako na sa shotgun seat. I'll guide Gwen." Fierce cut in and looked at me with his sleepy eyes.

"Okay then. Let's roll." I said and went to the driver's seat. I put on my seatbelt and drove after Levi's car. "Patugtog ako?" Fierce asked me and I nodded.

Music always makes me feel at ease.

Umabot ng isang oras ang byahe namin bago narating ang Tagaytay, pasikat rin ang araw at may hamog pa. Bulalo ang gusto namin na umagahan kaya naman ay pumunta kami sa kinakainan namin palagi ng Bulalo dito sa Tagaytay.

"Gwen, gusto mo ba na ako na magdrive pa-Nasugbu?" Tanong ni Fierce habang humihigop ng sabaw.

"Sige, ako naman DJ mo." Pabiro kong sagot.

"Nakalimutan ko na banggitin sainyo na fully booked 'yung hotel ni Dad. Nag-book na lang ako ng transient for us." Ely informed us which Levi replied "May sarili ba tayong kwarto jan?"

Ely's eyes widened and hit Levi's arm. Levi teased her more by wiggling his eyebrows. "Gago ka talaga Acosta." Axl laughed.

"I'm just asking." Levi smirked while looking at Cleo.

Si Sera naman ay nagpapahangin sa labas, Sera really likes cold weather like this kaya kapag nagbabakasyon siya ay Japan, South Korea at Iceland ang lagi niyang pinupuntahan.

Rule the RainМесто, где живут истории. Откройте их для себя