Sino ang babaeng ito? Sa isip-isip ng dalawang pinunong sila President Vladimir at King Zhiel.

Sa kasalukuyang nangyayari sa gitna ng arena, ang walang buhay na katawan ni Elaine ay nakahilata sa lupa at may nakatusok na itim na espada sa dibdib nito. Si Lunar naman ay lumayo na may ngiti sa labi. Gumilid siya at taas noong tiningnan ang dalaga.

"Ang pagkatalo mo ay isang patunay na hindi ka nararapat sa mundong ito," bigkas niya. Ang kanyang tingin ay hindi nagpapakita ng awa. Nagpapahiwatig ito na tinama niya lang ang landas ng kanyang bayan. "Hindi ikaw ang nararapat na umupo sa tronong ito at hindi rin ako ang nararapat na mamuno rito. Hindi lang ikaw ang may mataas na antas ng kalidad ng mahika. Napakarami nila at hindi ka kasama roon, Supreme Spirit."

Ang kalangitan ay unti-unti nang nagkaroon ng liwanag ngunit mapapansin na ang kalahati ng buwan ay nakarang pa sa sikat ng araw. May nalalabi pang oras sa kanilang pagtutuos subalit sa kalagayan ng dalaga, wala na itong susunod.

Sa gilid ng arena, natigilan sa pag-iyak si Princess Haruna. Nanginig ang mga kamay nito dahil sa galit at sinamaan ng tingin si Lunar.

"Earth Skill, Excalibur!" enkantasyon niya at tumapak sa pader na pumapagitna sa arena at sa inuupuan nila. Diniretsyo niya ang kanyang kanang  braso sa hangin at sa palad niya ay lumitaw ang isang kulay kayumangging magic circle. Lumabas sa magic circle ang isang espadang gawa sa bato at hinanda ang sarili para sumugod.

Bago pa siya makatalon, may isang bisig ang pumulupot sa kanyang tiyan na naging bunga para mapatigil siya. Pagtingin niya sa kanang bahagi, nakita niya si Mikhail na seryosong nakatingin sa kanya.

"Huwag mong balaking sumugod, Guardian Sonja," babala niya at tumingin sa gawi ni Alaric na seryoso ring nakatingin sa kanya. Tinapatan niya ang tingin nito nang sama ng tingin. "Huwag mo ring balaking sumugod, Alaric!"

Napayukom si Alaric at pinipigilan ang sarili na hindi sumugod. Hanggang ngayon, ayaw niya pang maniwala sa nangyayari at kung susugod man siya—

Napatingin siya sa gilid at nakita si Yel na kaswal na nakatayo. Hindi niya naramdaman ang paglitaw  nito.

—Pipigilan siya ng isa sa pinakamalakas na tauhan ni Lunar, si Yel na sa magic sense niya, may pambihira itong lakas ng mana.

Ngumiti sa kanya si Yel at nilagay ang kanan nitong kamay sa kaliwang dibdib.

"Hindi ko papahintulutan na makapasok sa arena ang isa sa mga Cardinal Lord na anumang oras ay susugod sa tinanghal na Emperor ng Southwest Land," magalang na sambit ni Yel. Hindi man kita sa matanda nitong hitsura na mayroon siyang ibubuga, sapat na ang awra niya para hindi mo ito maliitin.

Gumawing muli si Alaric sa walang buhay na si Elaine at ang pagpipigil niya sa galit ay nabasag.

Kailangan kong bawian ang lalakeng 'yon! Sigaw niya sa kanyang isipan. Susugod sana siya ngunit nasulyapan niya si Princess Haruna na napatigil sa pag-iyak. Ang malungkot nitong mukha ay napalitan ng pagtataka. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang nakatitig ito sa nasawing dalaga. Lumalim ang paghinga ng prinsesa at lumingon sa gawi nila Lunar.

Tumambad sa kanila ang napakaraming mga tauhan na ang uniporme ay katulad kay Yel— naka-tuxedo at may puting gloves. Nakatindig din ang mga ito at nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Ang bawat isa sa kanila ay may awrang napakalakas ngunit ang nangingibabaw pa rin ay ang awra ni Yel.

Sa itaas na bahagi ng Colossal Arena, nakasandal sa dulong itaas ng pader si Twilight. Nakahalukipkip ito at nakatitig sa ibaba. Nakita niya ang paglitaw ng mga tauhan sa Mount Olimpus, o kilala bilang Hidalgos Butlers. Umaksyon na sila dahil marami ang nais na sumugod kay Lunar. Isa na rito ang tatlong kabataan na mag-isang pinipigilan ni Equinox. Gamit ang Light Barrier na nilikha ni Equinox sa paligid ng tatlo, walang nakalabas sa kanila. Pagkatapos, gumawi siya kay Elaine at ngumisi.

I'm a Ghost in Another WorldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz