"Huwag mong dina-damay si Anika dito! " galit na galit niyang sinabi at mabilis na sinugod ng isang malakas na suntok si Cedrix kaya natumba ito sa sahig.

Napasinghap sina Tita Ivylyn at inawat ang anak at ang pamangkin.

"Leandro, Cedrix! Tama na iyan! " awat niya at inutusan sina Tito na patigilin ang dalawa ngunit maging ang mga Tito ko ay walang nagawa para mapigilan ang dalawa.

"Tumigil na nga kayo! " si Kuya na ang sumaway sa kanila at pinag hiwalay ang dalawa.

Masama siyang tinignan ni Leandro. Pinunasan pa nito ang labing may dugo. "Ikaw ang manahimik! Bakit nung kailangan ka ni Miriam wala kang ginawa?! Tapos kung kailan huli na saka ka naman kumilos-" natigilan siya sa pagsasalita ng bigla siyang suntukin ni Kuya.

Sumalampak siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Kuya sa kaniya, hindi pa man siya nakakabawi ay hinawakan na ni Kuya ang kuweliyo niya habang nakahiga pa rin siya at bahagya siyang inangat.

Nagpupuyos sa galit si Kuya habang hawak-hawak niya ang kuweliyo ng t-shirt ni Leandro.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin ang lahat ng iyan! Dahil wala ka ring nagawa para protektahan ang pinsan mo! Damn you, man!"

Nanginig ang kamay ko at dahan dahang umatras at tinakpan ang tainga at pumikit ng mariin.

"Tama na! " pag papatigil ko sa kanila pero walang tumigil sa kanila dahil mas lalo ko lamang narinig ang pag tatalo nila.

"Ikaw iyon! Wala kang kwentang kapatid! "

"Ikaw iyon! Wala kang kwenta! Basagulero at walang mararating-"

"TAMA NA! " malakas kong sigaw na ikinatigil ni Kuya sa pag sasalita.

Nagsitigil sila sa pagsisisihan sa isa't isa. Nag aaway na rin pala sina Tita Casmin at Tita Maureen. Maging si Tito Luke at Tito Lucas na nanahimik kanina ay nadamay din.

"Miriam... " pag tawag sakin nila Kuya.

Umiiyak akong umiling. "Bakit niyo pa kailangang magsisihan e' pare-pareho lang naman tayong may mga kasalanan?! Naging pabaya rin tayo! At kayo rin Tita! Pero hindi ko sinabing wala kayong kwentang mga magulang..."

Nagbaba ng tingin si Tita Casmin dahil sa sinabi ko at nag pantay naman ang salubong na kilay ni Tita Ivylyn.

"Kung mag aaway lang rin naman kayong lahat dapat ay tanungin niyo rin ang mga sarili niyo at bakit nagkakaganito ang mga anak niyo! " pag papatuloy ko.

"Kung magpapatuloy pa rin kayong ganito at uunahin ang init ng ulo ay paano kayo magkakaayos? "

Umatras ako, dahan-dahan iyon. Ngunit ang dahan-dahang iyon ay tuluyan ng naging mabilis.

"Miriam! " pag tawag sa akin ni Tito Lucas ngunit tumakbo lang ako at hindi tumigil.

Hanggang sa unti-unti kong namalayan na nasa burol na pala ako.

Dahan-dahan ang bawat hakbang na aking binibitawan habang nasa aking likod ang mga kamay at tahimik na pinagmamasdan ang burol na kung saan kami nagtatagpo ni Adonis dati.

Habang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha sa aking pisngi.

Niyakap ko ang aking sarili ng bigla akong yakapin ng malamig na hangin.

Dumikit din sa aking katawan ang white dress ko dahil sa hangin at nilipad din ang nakalugay kong buhok patungo sa aking gilid.

"Miriam... " maari bang sabihin ko sa sarili ko na nagkakamali ako ng narinig?

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon