CHAPTER 20.1

1.6K 9 6
                                    

CHAPTER  20.1

“jeff? ano nangyari?” sabi ko nung papaupo ako sa tabi nya.

“si.. si love lester..”

“ano? kmusta daw sya?”

“sabi ng mommy nya…”

naiiyak na si jeff. alam kong mahirap sa kanya ang nangyayaring ito. 

“sabi.. sabi ng mommy nya.. nagbigti daw si love e..”

patuloy na ngang naiyak si jeff. nandoon lang ako sa tabi nya.. hindi makapaniwalang magagawa ni love yun sa sarili nya.. ano ba tong mga nangyayari ngayon? masyadong masaklap. umiiyak padin si jeff nung dumating yung mommy ni love. umupo sya sa tabi ni jeff at niyakap sya. parehas silang umiiyak.. niyaya ng mommy ni love si jeff sa loob. pinagmasdan ko si jeff mula sa labas. mabigat loob nya. yakap yakap nya si love habang humahagulgol.

hindi ko alam kung anong sinasabi ni jeff nung mga oras na ‘yon.. pero alam ko, mahal nya si love, kaya nahihirapan sya ngayon..

maya maya.. nakita ko na yung mga doctor nagmamadaling pumasok sa loob ng ICU. anong nangyayari?? ginagawa na ng mga doctor ang mga dapat nilang gawin.. mukhang naghihingalo si love.. tek.. teka.. hindi ko to kaya.. bumaba na lang ako sa lobby at doon ako nagkape. hindi ko parin kaya ang mga nangyayari ngayon. naalala ko si love.. ang masayahing si love. nang maubos ko ang kape ko, muli akong bumalik sa taas, at..

nakita ko si jeff, nakaupo doon sa labas.. umiiyak padin sya.. alam ko na ang nangyari.. wala na si love sa loob ng ICU..

“jeff?” sabi ko ng mahina. akap aka psi jeff ng mommy ni love.

“les..lester.. wala na si love!!!!” patuloy padin sya sa pagiyak. alam ko, mahirap to para kay jeff. alam ko.. masakit to para sa kanya..

April 26,2007 naglalamay na kami sa pagkamatay ni love. nandoon kami.. araw araw. kinabukasan.. ililibing na sya. walang humpay kong sinamahan si jeff maghapon magdamag noon sa bahay nina love kung saan sya inilamay. ewan ko.. nalulungkot din ako. tuwing makikita ko ang kaibigan kong ganito. sumisikip din dibdib ko.

April 29,2007

lagpas isang taon na ang nakalipas mula noong araw na.. araw na, muli kong nakausap, nadama ang prisensya ni lala. ito din ang kaparehong buwan.. ng.. paglilibing kay love na matalik nyang kaibigan. doon sa sementeryo.. nagmisa, umiiyak ang lahat ng malapit kay love. nakita ko doon ang mama nil ala at sya. nakatayo lang si lala, ang mama nya tila sobrang lungkto sa pagkawala ng matalik na kaibigan ng anak nya.

pero.. pero si lala, halatang hindi nya talaga alam ang mga nangyayari ngayon..

matapos mailibing si love, umupo lang ako roon.. nilapitan ako nil ala at doon muli nya akong kinausap.

“kaibigan mo ba yung namatay?” tumango ako.. at sinabing..

“kaibigan mo din sya la. matalik na kaibigan.”

naupo sya sa tabi ko’t.. “oo. sabi nga din ni mama eh.”

napansin kong umupo din sa tabi ni lala ang mama nya.. “magkakilala kayo?” sabi ng mama nya kay la. “uhm, oo. friend sya nung namatay.” mukhang mataray mukha ng mama nya sakin. “goodmorning po.” sabi ko na lang. mayamaya.. tumayo si la.. nilapitan nya ang lugar ng pinaglibingan kay love.. nandoon si jeff.. nakatingin padin sa lapida..

__*Jeff’s POV__

hindi ko alam kung anong mga nangyari nitong mga nakalipas na araw.. ewan ko. masakit sa kalooban ko ang nangyari.. naiiyak ako tuwing.. tuwing naaalala kong sa huling sandali ng buhay ni love.. hindi padin ako ang nagawa nyang mahalin. hindi nya parin.. hindi nya parin ako nagawang mahalin. nagsisisi ako. hindi ko na kaya to. dapat pala.. dapat pala, nung araw na yun, nung huling araw kaming nagkita ni love.. dapat pala, sinulit ko na. dapat.. uuuuuuh!! hindi ko to kaya… patuloy padin ako sa pagluha..

“girlfriend mo?” may babaeng nagsalita sa likuran ko’t hinawakan nya ang mga balikat ko..

si.. si lala.. 

“oo. la, hindi ka ba nalulungkot??” nakita ko sya.. hindi sya umiiyak. ni konting luha, wala sa mga mata nya.

“nalulungkot.” sabi nya.. pero parang wala lang sa kanya.. kaibigan nya ang namatay?! wala lang bas a kanya yun..??

“ano ka ba la?!!” nagulat sya sa pagkakasigaw ko’t napaatras ng isang hakbang.

“si love yan oh?! si LOVE! best friend mo si love la, best friend mo, hindi ka ba nalulungkot?!”

inalog ko sya.. hindi ko napigilan sarili ko.. pero.. hinawakan nya ang ulo nyat sumigaw ng malakas.. napatumba sya’t sinalo ko sya.. tumawag ako ng saklolo at agad na dumating si lester. tinulungan nya akong isakay si la sa sasakyan at dinala naming sa pinaka malapit na ospital. sa ospital ng maynila.. chinekup lang sya doon..

inilipat agad sya ng mama nya sa manila doctor’s.. ano.. ano bang mga nangyayari ngayon?? wala na bang katapusan to?? tinanong ko sa doctor kung bakit nagkaganon si lala. sabi ng doctor, masamang ipilit kay lala ang mga memoryang bahagya nyang nakalimutan. nagkaamnesia pala sya.. nakasama sa kanya ang pagsigaw ko kanina lang.

hindi na kami sumunod nil ester sa kabilang ospital. hindi legal ang relasyon ni lala at lester kaya hindi sya kakilala ng mama ni lala. ewan.. magulo ang lahat sa ngayon.

Hot Love ♥ Finished! 05.09.11Where stories live. Discover now