KABANATA 7

16 3 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Kailangan kong umuwi ng maaga, baka kung ano pa ang isipin ni mama.

"Uuwi na ako." Ngumuso ako at bumangon na.

"Uuwi ka ng ganyan?" He pointed me. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Hala nakakahiya, may laway pa pala ako! Namula ang mukha ako sa kahihiyan, sobrang gulo rin ng buhok ko. Parang galing ako sa rambulan!

"It's okay, fix up yourself, ihahatid nalang kita." aniya at lumabas ng kwarto. Nag iwan din siya ng paper bag na naglalaman ng damit. Sa ate niya raw ito.

I used his things in the bathroom. Amoy Blake na ako ngayon.

Lumabas na ako sa cr at naghanap ng dryer.

Nakita ko si Blake na nakaupo sa kama habang pangiti-ngiti na nagse-cellphone.

Kachat niya siguro ang girlfriend niya. Bigla tuloy akong naguilty nang maalala ko na nasa iisang kama kaming dalawa natulog. Hindi dapat ako mag-overthink kasi natulog lang naman kami. Tulog lang! Pero kung ako talaga ang nasa posisyon ng girl friend niya, malamang magseselos pa rin ako. Selosa ako e.

"Hey," saad ko kaya tinapunan niya ako ng tingin.

Saglit siyang natigilan habang sinusuri ang katawan ko. Gosh, this guy is so manyak. Nakalimutan ko!

"Fvck what is that kind of outfit?" bulalas niya at nag-iwas ng tingin.

"H-huh okay naman. Ito ang ibinigay mo ta's magrereklamo ka r'yan." Umirap ako. Parang tanga 'to.

It is just a simple black top paired with a white ripped shorts. Ang problema, masyadong maikli ang short.

"Tss, wear this," aniya at binigay 'yong jacket na hiniram ko kahapon.

"Hay," Kinuha ko nalang yun at isinuot. Malaki ang jackets niya kaya natakpan ang shorts na suot ko.

Ngumisi ako at in-open ang camera sa phone ko. Nag mirror shots ako pagkatapos ay inabot ko kay Blake ang cellphone. Nakatingin lang siya sa bawat galaw ko.

"Picture-an mo ako, please?"

"Sure," He smirked and stood up.

After two shots ay tinaas niya ang phone para mag selfie.

Ngumiti ako at nagpa-cute sa camera. Seryoso lang ang mukha ni Blake pero ang guwapo pa rin! Ganyan ka unfair ang mundo.

Inagaw ko kay Blake ang cellphone at sinuri ang pictures namin. Bigla kong naalala si Skyler. Naguilty ako for no reason. Wala naman kaming ginawang masama ni Blake? But we're both in a relationship.

"Una ka na sa labas, Blake. Susunod kang ako." I said while tying my hair.

Tumango siya at lumabas na sa kwarto. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-nessage.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makita ang chat ni Skyler. Kagabi pa pala siya chat nang chat. Kumunot ang noo ko dahil naka-on pala ang data.

Hindi na ako nag backread, I just replied "Sorry, Sky! Usap tayo mamaya."

Nang ma-send na ito ay nakita kong umilaw ang phone ni Blake. Naiwan niya sa kama.

Biglang bumilis ang heartbeat ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang kinuha ang cellphone niya. I gulped when I saw my rp name on the notification.

Hindi naman siguro 'di ba? Marami namang Samantha pero impossible na coincidence rin na pareho ang message sa sinend ko. Walang password kaya in-open ko. Bumungad sa akin ang conversation namin. Agad kung nabitawan ang phone niya at dahan-dahang umatras. This can't be. . . iisa lang si Blake at Skyler?

My Boyfriend in Rpw is my Worst Enemy in RwTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang