KABANATA 3

25 7 0
                                    

Stacy's POV.

Pumasok na kami ni Ara sa classroom. Hindi ko alam kung nasaan si Blake ngayon, paki ko naman sa kanya.

Inabala ko nalang ang sarili sa pagbabasa ng libro habang hinihintay ang susunod namin na subject teacher.

Later on, dumating na si Mrs. Felis. Wala pa rin si Blake hanggang ngayon. Saan naman 'yon nagpunta?

Natapos nalang ang oras ni Mrs. Felis, hindi pa rin dumating si Blake.

"Class dismiss!"

"Sabay tayo mag lunch!" Saad ni Ara.

"Ba't nakatulala ka?" Tanong ni Ara. Napakurap ako at inayos ang bag.

"W-wala." Shit, bakit pa ako nautal.

"Uyy. . . Siguro hinahanap mo si Mr. Right 'no? Ikaw ha," Ang tono ng boses niya ay may halong pang-aasar.

Tf? Anong Mr. Right ang pinagsasasabi niya?

"Ikaw na ba si Mr. right? Ikaw na ba Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Si Mr. Right ka baaa~" Kanta ni Arawanan. Jusko, may saltik na ata.

"Tara na nga!" Saad ko at hinila siya papuntang canteen. Baka kung ano na naman ang kantahin niya, wari ko'y uulan mamaya.




FAST FORWARD

Uwian na. Ewan ko nalang bakit nag half day si mokong. 'Di talaga siya pumasok sa hapon.

Siguro ganoon na talaga siya, porket kasi mga magulang niya ang may ari ng school. Tss.

Maglalakad ulit ako ngayon pauwi sa bahay para tipid. Hindi naman siguro ako aabutan ng gabi. Maaga pa naman.

Habang nag lalakad ay biglang tumunog ang kalangitan. Tumingala ako, madilim at mukhang uulan pa. Kay malas naman at wala akong dalang payong. Kasalanan 'to ni Ara, kumanta siya kanina. Ayan uulan na tuloy.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa bahay habang 'di pa bumuhos ang ulan. Kaso malayo pa talaga ang bahay kaya naabutan ako ng ulan.

"Anak! Basahang-basa ka!" Bungad ni mama. Hinihingal naman ako na nagmano at hinubad ang sapatos.

"Okay lang 'to ma. Magbibihis muna ako."

Naligo ako at nagbihis ng pajama at sweater. Nilalamig ako, kanino kayang convo ang nakabukas ngayon?

___

Parang recess lang and weekend dahil lunes na naman ngayon. Second week of classes.

Today is our intramurals. Hindi naman ako 'yong tipong active sa school, tinulugan ko nalang ang mga kaklase ko na mag decorate no'ng Sunday. Wala naman akong sports na sasalihan, taga cheer lang sa mga athletes namin.

I'm wearing a light blue printed T-shirt. Nakaprint ang section namin at ang year. I paired it with a high-waist ripped jeans.

I also tied up my hair.

Nagdala nalang din ako ng jersey and shorts dahil duda talaga ako na pinalista ako ni Ara sa volleyball. Si Ara pa, kahapon pa 'yon nangungulit sa 'kin na sumali ako. Kahit siya nalang daw ang mag sponsor ng jersey. Tsk.

Nang makarating na ako sa school, busy ang lahat. May iba't ibang activities kasi ngayon. Lalo na ang mga senior high sa kabilang building.

"Umay, Stacy ang ganda mo!" Bungad ni Ara kahit nasa malayo pa lang siya.

"Come here!" Tawag ko at kumaway.

"Why?"

"Halika, aayusan kita." Saad ko at hinawakan siya sa braso. Dinala ko siya sa comfort room para doon ayusan.

My Boyfriend in Rpw is my Worst Enemy in RwWhere stories live. Discover now