SIMULA

72 14 2
                                    

WARNING ⚠️ PASENSYA NA SA MGA TYPO AT GRAMMATICAL ERROR DAHIL NOONG 2020 PA ANG STORY NA 'TO. I WAS 13 YEARS OLD NOONG GINAWA KO ANG STORYA NA 'TO KAYA INTINDIHIN N'YO NA LANG TALAGA ANG MGA CRINGE NA LINES. I WAS EVEN PLANNING TO DELETE THIS PERO NANGHIHINAYANG AKO KAYA PUBLISH NA LANG KAHIT MARAMING ERRORS. MALAPIT SA PUSO KO ANG STORYA NA 'TO DAHIL DITO AKO NAGSIMULA. OLD BUT GOLD!✨


Stacy's POV.

"Stacyyy!" Napabalikwas ako sa bangon matapos marinig ang sigaw ni mama.

Grabe talaga itong si mama, parang naka microphone. Partida nasa baba siya ha, tapos ako andito lang sa kwarto pero rinig na rinig ko.

"Pooo?!!!" Sigaw ko pabalik at umupo sa kama habang sapo ang mukha. Ang sakit pa ng ulo ka kakapuyat kagabi.

"Bumangon kana d'yan at tayo'y mag umagahan na!" Sigaw niya.

"Opo, sandali lang!"

Ano naman kaya ang meron at ang aga-aga ni mama-shit!

Naalala ko na! First day of school ngayon! Boyshet.

Dalidali kong kinuha ang towel at agad na pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ng 4 minutes ay nagbihis na ako ng uniform. Shit, kapag ako na-late, kasalanan 'to ng jowa ko dahil pinuyat niya ako kagabi. Oh, 'wag kang dirty minded diyan. Sa chat lang naman.

Pagkatapos kong mag bihis ng uniform ay liligpitin ko na sana ang higaan nang biglang tumunog ang cellphone ko .

Shesh, nagchat si Skyler. Ang boyfriend ko sa Rpw.

Love:

Gising ka na love?
May pasok ngayon kaya bilisan mo.
Huwag mong kakalimutan na kumain ah, baka magka sakit ka mahirap na.

Me:

Wowers, ang sweet naman!

Love:

Ofc, me na 'to.

Me:

Sige na love, brb. Baka ma-late pa ako sa school.


Love:

Take care always, ilysm>33



I just reacted HEART on his chat at madaling lumabas sa kwarto ko. Bumaba ako at dumiritso sa kusina para mag-agahan.

Nadatnan ko doon si mama na abala sa pag hahanda ng breakfast.

"Oh halika na, kumain na tayo." Saad ni mama.

PAGKATAPOS kong kumain ay umakyat ulit ako sa taas para mag-ayos.

Hindi pa kasi ako nakapag-suklay at nakapag-sout ng sapatos.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko. Nag out na si Skyler. Active 5 minutes ago.

By the way, I meet Skyler in RPW.

I don't know kung bakit namin nakaya ang relasyon namin na almost 2 years, without sending vm, pictures or anything clues.

Kontento na kami sa chats lang. Ni hindi ko nga alam ang real name niya.

Samantalang ang name ko naman sa rp ay Samanthia.

Isa lang ang masasabi ko about kay Skyler. He's a perfect boyfriend. An ideal guy.

Pero natatakot ako. Baka dumating ang araw na makita niya ako sa personal. Baka kasi ma disappoint siya sa 'kin.

Hindi naman ako pangit. Baka lang hindi ako pasok sa taste niya.

My Boyfriend in Rpw is my Worst Enemy in RwWhere stories live. Discover now