KABANATA 2

28 8 0
                                    

Stacy's POV.

Hayy sa wakas, naka-uwi narin ako sa bahay.

Pinili ko nalang kasing maglakad para tipid. May pinag-iipunan kasi ako.

Yung plano namin ni Skyler na meet up, nakakahiya naman kung hindi ko 'yon paghahandaan. Kabado nga ako kapag naiisip ko na magkikita na kami. 'Tsaka, balak ko ring bumili ng bagong libro. Mas gusto ko kasi ang magbasa sa libro kaysa sa cellphone. Sumasakit ang mga mata ko at parang naiiyak.

"Oh anak, naglakad ka lang ba?" Tanong ni mama.

Ngumiti ako at nagmano sa kanya. "Opo."

"Magbihis ka na para makakain na tayo ng hapunan." Tumango lang ako at nagtungo sa kwarto.

Matapos kong magbihis ay kinuha ko muna ang cellphone ko para mag online saglit.

Love:

Naka-uwi ka na ba, love?

Hey?

???

Me:

Yup, I'm home.

Oa naman neto, minutes lang 'di nakapagreply si em para ka ng iniwan nang tuluyan.

Love:

Sorry then, I was worried kasi sabi mo kanina maglalakad ka lang pauwi.

Me:

Whatever,

Love:

Eat your dinner na:<

Me:

Opo, u too:)

Ngumuso ako dahil hindi na ito nagreply pa. Nagcharge nalang muna ako at kinuha ang isang libro sa mini book shelf ko dito sa kwarto. Lumabas ako sa kwarto habang bitbit ang libro.

Nilapag ko muna ito sa sofa at pumasok sa kusina. Balak kong magbasa ng libro mamaya. Wala pa naman akong lessons na dapat e review dahil puro introduced yourself lang naman ang naganap kanina. Marami pang vacants na subjects dahil busy ang mga teachers.

"Kumusta naman ang first day of school mo?" Tanong ni mama habang kumakain kami.

"Okay naman po." Sagot ko

"Sigurado ka ba?"

"Si mama naman, ayos lang ho." I lied. Hindi talaga okay, lalo na at may katabi akong asungot.

As the days passed by, sa first day of school lang pala ako nakahinga ng maayos dahil sa mga sumunod na araw ay sobrang daming gawain. Tambak sa school activities kahit first week pa lang!

Friday ngayon, weekend na. Wala pa ring pinagbago, hindi ko pa rin nakakasundo ang katabi ko. Always pa rin kaming nagbabangayan. Sino pa ba? Edi si Blake.

Sa loob ng isang linggo ay marami akong nalaman. Siya pala ang heir ng Axford Corp.

Siya lang naman ang apo ng may-ari ng paaralan na pinapasukan ko. He's bully, walang modo!

I swear, kawawa talaga kung sino man ang girlfriend niya.

"Stacy!" Nilingon ko si Ara, she's my first friend here at our school.

Naging kaibigan ko siya noong pinahiram niya ako ng damit dahil pinagtripan ako nong Blake. Mabuti nalang at sa dinamidami ng studyante na halos mataray lahat, may Ara pa rin pala na mabait at matulungin. Hindi pa mata-pobre.

My Boyfriend in Rpw is my Worst Enemy in RwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon