Chapter 24

52.4K 986 40
                                    

Chapter Twenty-Four

"Hey, are you okay?" bungad ni Dominic pagkapasok niya sa hospital room na inuukopa ni Janine. Kasalukuyang inaalis ng nurse ang IV nang dumating siya.

Agad namang nagsalubong ang kilay nito nang makita siya. Hindi lang ito kumibo hanggang sa makalabas ng silid ang nurse na nag-asikaso rito.

"Anong ginagawa mo rito? You're supposed to be on your honeymoon." sumulyap ito sa may pintuan, tsaka muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Nakakahiya kay Monique."

Sa totoo lang ay ayaw pa rin naman talaga niyang bumalik ng San Juan. Kung pwede nga lang ay doon na lang silang dalawa sa resthouse nila sa Calatagan. He's also worried about making Monique feels that he has someone else in his life. Alam niyang hindi pa buo ang tiwala nito sa kanya. And the last thing he wants is to lose whatever trust she has for him.

"I received a call from the emergency room, alangan namang hindi ako pumunta. We're still friends, Janine. And I promised Kuya Seb that I'll take care of you."

Nag-iwas ito ng tingin tsaka bumuntong-hininga. "It's not like he care, anyway. You don't have to do this, Dominic. You're married now. "

"And that's why I'm here, Janine. This might be the last time."

Akala niya ay makakaramdam siya ng guilt sa sinabi, pero wala siyang makapa ni katiting. That goes to show how much power Monique holds over him. Kaya niyang talikuran ang lahat para rito. Napailing siya. Nagawa na nga niya sa sariling pamilya, sa kaibigan pa kaya.

"I know. Thank you para sa lahat, Dominic. I owe you a lot."

"Sasabihin mo na ba sakin kung anong problema? This is not the first time na nangyari 'to, Janine."

Bumuntong-hininga ito. "I'm tired. 'Yon lang. Kulang sa tulog at anemic. Nothing serious."

Saglit niyang pinag-aralan ito pero iwinasiwas lang nito ang kamay. "I'm okay, I promise. Malaki na ko. I just forgot to change my emergency speed dial." Inabot nito ang bag, kinuha ang pitaka tsaka inilahad sa gawi niya ang credit card na hawak. "Since last na naman 'to, pwedeng pakiasikaso na lang ang discharge paper ko? I'll just change my clothes then uuwi na ko. "

Hindi na siya nakipagtalo, pero hindi rin niya kinuha ang credit card nito. Tumalikod na siya at lumabas. Gusto na rin naman niyang umuwi sa asawa. Balik trabaho na bukas si Monique sa Maynila at hindi pa nila napag-uusapan ang magiging arrangement nilang dalawa. Hindi niya hihilingin na iwan nito ang trabaho. He'll never do that. Kung kinakailangang siya ang mag-adjust ay gagawin niya.

"Dominic, hijo? Anong ginagawa mo dito?" kasalukuyan niyang pinipirmahan ang discharge paper ni Janine nang may tumapik sa likod niya. Ilang sandali niyang kinilala ang ginang bago niya naalala na isa ito sa tiyahin ng asawa.

"Tita, Maris." bati niya tsaka inabot ang kamay nito para magmano. Tila natigilan naman ang mga tao sa paligid nila sa nasaksihan. Malamang lahat ng tiga-San Juan ay naninibago pa rin kapag nakikitang nag-uusap ang Torralba at Villegas nang hindi nag-iiringan.

"Akala ko bukas pa ang uwi nyo? Nasaan si Monique." Bigla ay napalitan ng pag-aalala ang boses nito nang mapagawi ang tingin sa hawak niyang discharge paper. "Did something bad happen?"

"No, tita. We're good. Nasa bahay na po si Monique. There's just an emergency kaya napaaga po ang uwi."

"Oh no! Is it one of your family? Anong..." Natigilan ito at saka biglang naningkit ang mga mata. Tila nawala ang init ng salubong nito kanina at napalitan iyon ng malamig at matalim na tingin habang lampas ang tingin nito sa kanya. Ni hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino ang nakita nito.

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon