Chapter 18

74.5K 1.3K 55
                                    

Chapter Eighteen

Halos mabali ang leeg ni Dominic sa bilis ng ginawa niyang paglingon nang marinig ang malutong na tawa ng asawa. Sinamaan niya ng tingin si Javier na sinagot nito nang pagkibit ng balikat. Sa ngisi pa lang ng kaibigan ay alam niyang nag-eenjoy itong asarin siya. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang 'to? Pinandalas niya ang paghango sa iniihaw na karne at isda pagkatapos ay kaswal na naglakad palapit sa dalawa.

"What's so funny?" Kunot-noong tanong niya, inilapag ang pagkain sa mesa tsaka naupo sa tabi ng asawa.

"Kinukwento ko lang kay Monique ang college days natin."

Napapailing na sinulyapan niya ang asawa. Nakayuko ito dahilan para matabingan ng buhok ang mukha habang yumuyugyog ang balikat sa impit na pagtawa.

"Gabrielle," kuha niya sa atensyon nito. Agad naman itong nag-angat ng tingin at napailing na lang siya nang makitang mangiyak-ngiyak na ito sa pagtawa. "What's so funny? Care to enlighten me?"

Unti-unting kumawala ang halakhak nito. Iyon ang klase ng tawa na kahit sino sigurong makarinig ay mahahawa. He found himself smiling despite his will. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin dito.

Pinunasan nito ang luha at tatawa-tawang ipinakit asa kanya ang hawak na cellphone. Awtomatikong nabura ang ngiti niya nang makita kung ano ang pinagtatawanan nito.

"The hell, Montegrande?" asik niya sa kaibigan na muli lang nitong sinagot ng ngisi at pagkibit ng balikat. Ibinalik niya ang tingin sa asawa. "Delete that, Gabrielle."

Agad naman nitong niyakap ang cellphone at parang batang ngumuso. "Bakit ko naman buburahin? Ang cute, cute mo kaya rito." Muli nitong tiningnan ang picture hanggang sa unti-unti na naman itong humagikhik. "In fairness, bagay sayo ang ganitong hairstyle. Bakit hindi mo ulit subukan, hmm Kimpee?" Pagkasabi ay muli na namang nangibabaw ang malutong at nakakahawa nitong tawa.

Napapailing na dinampot niya ang bote ng beer at hinayaan na ang asawa sa trip nito. Kung saan ito masaya, kahit na buhok niya noon ang pinagkakatuwaan nito.

"Crap! 'Yung sinaing ko!" Palatak naman ni Monique tsaka nagtatakbo papasok sa loob ng bahay.

Napangiti siya habang sinusundan ng tingin ang asawa.

"Man, you're still in love? After what? A decade?" bulong ni Javier sa tabi niya.

"You won't fall out of love with the right woman, Javier. Araw-araw lalo ka pang mahuhulog."

"Paano mo ba malalaman kapag hindi ka na nahuhulog?" Bigla naman itong naging seryoso habang nakatitig sa hawak na bote.

"I don't know." Hindi niya pa nararanasan dahil kahit ilang taon na ang lumipas, kahit na matagal niyang hindi nakita si Gabrielle, ay hindi tumigil ang puso niya na mahalin ito. Wala rin siyang ideya na posible 'yon. Ni hindi naman masasabing naging close sila ni Gabrielle noon. Ang pagtambay-tambay nito ng aral at tulog sa library ang masasabi niyang tanging interaksyon nilang dalawa. How come he was head over heels in love with her? Yes, he was admiring her from afar. Palagi niyang sinusundan ito ng tingin at hinahanap palagi ng mata kapag hindi niya nakikita. Pero sapat na ba 'yon para mahulog ang isang tao?

The answer was obviously a yes. He was a living proof that it is possible.

"Why? Are you falling out of love with Colline?"

Napainom ito ng beer at napailing. "I don't know."

Pinag-aralan niya ang mukha nito tsaka siya napangisi. "You met someone?"

"Paano mo nasabi?"

"Wild guess."

Napatingala ito sa langit tsaka bumuntong-hininga. "It's nothing really. Nanibago lang siguro ako sa kanya. She's... different, you know."

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon