CHAPTER 1

62 5 0
                                    

Sienna couldn't believe what she heard from Raevan. Kaagad niyang winaksi ang kamay nitong nasa kaniyang kamay. Tumayo siya at kinuha ang kaniyang bag.

"Ma'a-"

Sinubukan nito na abutin ang kaniyang kamay pero mabilis ang kaniyang katawan na umiwas at sinuklian niya ito ng sampal.

Sa lakas ng sampal na iyon ay lumikha iyon ng tunog at tumabingi ang mukha ng binata. Nahulog pa ang suot-suot nitong salamin.

Mabibigat ang paghinga ni Sienna sa kaniyang estudyante. She feels disgusted on what she heard a while ago. Dinuro niya si Raevan.

"I'm your teacher Mr. Santiago. Don't disrespect me like that"

Pagkatapos no'n ay dali-dali siyang umalis ng cafe at iniwan ang estudyante.

_________

Kinabukasan ay pinili ni Sienna na kalimutan ang nangyari kagabi. She choose not to make it a big deal. Normal para sa isang estudyante na magka-crush sa guro.

Today, she is wearing a blue blouse matching with a black slack. Ang kaniyang buhok ay naka-clean bun and she wears her black flat shoes. Nilagyan niya ng mababaw na make up ang kaniyang maputlang mukha. Napagmasdan niya saglit ang sariling postura. She could say that she's pretty. Nagmumukha lang siyang laging snob dahil sa kaniyang hooded eyes. Her body is slim kaya naman mukha pa siyang bata.

Sabi ng kaniyang kaibigan na maganda naman siya ngunit bakit hindi pa siya nagkakanobyo?

Well she knows that she is the problem.

Bago pa siya ma-late ay tinapos na niya ang pag-aayos sa sarili at umalis na.

"Kamusta ang pag-aadjust dito Ms. Cuanco?" Sir Lucio asked.

Sir Lucio is one of the oldest professor in this University. Naging prof niya din ito noon.

She is only 2 years in the University. Isa nga siya sa mga bago dito.

Ngumiti si Sienna. "Okay lang naman sir. Magagaling ang mga estudyante kaya hindi ako nahihirapan magturo. The co-teachers are welcoming. I'm not having any bad experience so far..." she paused.

'Yong kahapon lang ata 'yong experience niya na hindi maganda.

"Good to know that Ms. Cuanco. Oh siya, hindi na kita iistorbohin. Alam kong may klase ka pa"

"Okay po sir"

Tunay naman ang sinabi ng kaniyang former prof dahil may klase nga siya. Bago pa siya ma-late ay inayos na niya ang gamit papunta sa kaniyang unang klase.

Pagdating niya sa room, her eyes caught Raevan Santiago. He's in the corner with his earphones. Nagpapaikot ito nang lapis habang nangunguyakoy.

Hindi na bago kay Sienna ang makita ang estudyante na nasa gilid at parang may sariling mundo. He's an introvert.

Pero napakawalanghiya sa ginawa niya kahapon.

Sienna scoffed. Ngayong naiisip na naman niya ay nagtataasan ang balahibo niya.

"Mr. Santiago" malamig niyang tawag rito.

Para itong nagising mula sa sarili nitong mundo. Lumingon ito sa kaniya at dali-daling umayos ng upo at hindi mapakali.

"Ma'am" sambit nito sa malalim na boses at inayos ang salamin nitong suot.

"Give me your headphones" masungit na nilahad ni Sienna ang kamay sa harapan ng buong klase na lahat ay nakatingin kay Raevan.

They seem shock dahil sa pagconfiscate niya sa headphone ni Raevan.

They know that he's only exemption pagdating sa mga rules tuwing klase nila. Binibigyan niya ito ng special exemption dahil alam naman niyang magaling ito sa klase.

SANTIAGO SIBLINGS: DESIRING MA'AM CUANCOWhere stories live. Discover now