PROLOGUE

189 9 0
                                    

WARNING: This is a student x teacher trope. Ito po ay kathang isip lamang ng author at huwag po sana nating i-romanticize ang ganitong scenario sa totoong buhay. Sa mga teacher po natin, always be reminded that a relationship with a student is unacceptable!

This will fall under Forbidden romance. Sa mga ayaw po ng ganitong genre, hindi ko po kayo pinipilit na basahin. Sa mga open minded lang po ito.

Read at your own risk

__________

"I'm getting married Sienna!"

Sienna immediately lost her appetite when she heard that from her friend Glenda. Siya na kasi sa pangatlo niyang kaibigan narinig ang salitang iyon.

However, she managed to smile. "Congratulations Glenda. I'm so happy for you"

"Thank you Sienna! I already informed Peach and Dada earlier and they are also happy with me. I choose you to be my bridesmaid okay?"

"Ofcourse. Kaagad kong aasikasuhin ang schedule ko Glen. Alam mo namang busy sa school"

Inabot ni Glenda ang wedding invitation sa kaniya. Inabot niya iyon at isinilid na lang iyon sa kaniyang bag.

"Hoy Sienna, huwag kang masiyadong magpakabusy. Alam kong normal sa teacher ang tumandang dalaga pero habol-habol din"

Tanging irap lang ang sagot ni Sienna sa kaibigan bago ito nagpaalam dahil mag-aasikaso pa ito sa kasal.

Pagka-alis na pagka-alis nito ay kaagad na bumagsak ang balikat niya.

She's really happy for her friend but the fact that their age is already for settling stage, hindi niya maiwasang malungkot.

Napag-iiwanan na siya.

Hindi na siya bata. 35 years old na siya pero wala pa siyang karanasan pagdating sa relasyon.

Ang saklap na buhay.

At ngayong mag-isa siya sa coffee shop, mas lalo lang niyang naramdaman na mag-isa siya.

"Should I start dating now? I mean how-"

Sienna was busy at her thoughts when someone interrupt her.

"Ma'am Cuanco?"

Umangat ang tingin niya sa tumawag sa kaniya. Kaagad tumawid ang tingin niya sa kaniyang paboritong estudyante.

Oo, paborito.

Siya si Raevan Santiago.

Ang gwapo niyang estudyante na sobrang kilala sa bawat department dahil sa kisig at angking kagwapuhan. Bukod do'n, hinahangaan din ito ng kababaihan dahil sa katalinuhan.

Sa kaniyang klase ay ito ang rank 1. Napakaaktibo at napakagaling na bata kaya naman paborito niya ito.

"Oh Mr. Santiago, my top student" Kaagad niyang pinakita ang matipid na ngiti.

"Good evening. Good to see you here ma'am. Can I sit here? I'll just have a few question"

"Ofcourse" pagdating sa katanungan ng estudyante ay hindi siya aatras lalo na kapag top student niya ang nagtanong. Iginilid ni Sienna ang paubos na niyang kape at kaunting short cake para bigyan ito ng espasyo.

"Thank you ma'am"

May nilapag itong libro sa mesa. Tumingin saglit si Sienna doon at tungkol iyon sa kaniyang subject na itinuturo. Hindi maiwasang ngumiti ni Sienna dahil halata sa mukha nito ang pagiging studious.

Kahit sa pormahan. He's not the typical nerd you usually see in the television. If Sienna describe it, parang sa k-drama na hearthrob na mga nakasalamin. He's more likely a role student. 'Yong makita mo lang, alam mo ng matalino. 'Yong mga president ng SSG gano'n.

No wonder, some of her girl students had a crush on him.

"Anyway, anong itatanong mo sa akin?"

Tutal wala naman na siyang ginagawa at ayaw niyang isipin ang bumabagabag sa kaniyang isipan lagi kapag mag-isa siya, ay mabuti na lang na turuan niya ang kaniyang estudyante.

"It was your discussion yesterday. I just want to clear something. Pwede po ba?"

Binuklat ni Raevan ang libro sa page kung saan siya naguguluhan at galak naman iyong sinasagot ni Sienna. Sienna is entertained. She liked how fast Raevan picked up everything she explained. Dalawang oras din silang nagdidiskusyon bago natapos.

"Thank you. Naintindihan ko din itong theorem na ito" he sighed like he's relieve. "Good thing I saw you here Ma'am. I'm scared I'm not be able to sleep by just figuring what does it mean."

She chuckled at Raevan. "Don't be hard on yourself. You can ask me tommorow."

Raevan fixed his glasses before answering. "You just save me from having an insomia ma'am."

Mas lalong natawa si Sienna sa binata. "Studying is your hobby?"

Tumango si Raevan. "I'm craving for knowledge"

Habang pinagmamasdan ang binata, Sienna saw herself to his student. At dahil do'n nag-aalala siya.

"Keep up the good work Mr. Santiago but atleast try to enjoy your life until you are young. Enjoy and try to date someone. Have you been in a relationship before?"

Umiling si Raevan.

"You should try now 'toy before it's too late"

Isa sa mga mali ni Sienna noon ay masiyado siyang nagpokus sa pag-aaral na nakalimutan na niyang mag-enjoy at kahit makipag-date. Kaya naman hanggang ngayon ay boplaks siya pagdating sa paglandi.

Hindi nga niya alam kung bakit kailangan niya iyon sabihin sa kaniyang estudyante. Maybe because she doesn't want him to experience what she had right now.

"I can't" he sighed like he's troubled.

"What do you mean you can't? Mr. Santiago, do you know how many girls simping on you?"

Bumusangot ang mukha nito. "They are not my type"

"Advice lang naman. Nakikita ko kasi sarili ko sa'yo toy. I'm that studious like you that I forgot to enjoy and date. Kung ayaw mo maging lonely, try atleast to date someone."

Binasa ni Raevan ang mga labi at muling inayos ang glasses na suot nito. "Want to date me then?"

Tinaasan ng kilay ni Sienna ang binata, napintig sa kaniyang narinig. "What?"

He stare at her directly with a...strange emotion she can't name or she's afraid to name it.

Dahan-dahan nitong inabot ang kaniyang kamay na nakapatong sa mesa na mas lalong nagpakaba kay Sienna. Her eyes widen at what he said next.

"You are my type Ma'am Cuanco, the only woman who reach my standards. Want to be my girlfriend?"

SANTIAGO SIBLINGS: DESIRING MA'AM CUANCOOù les histoires vivent. Découvrez maintenant