Kabanata 10

363 11 0
                                    


"...Ganyan ka na ba ka-desperada para lang makuha ang atensyon ko? Sinabi ko na sayo to noon pa. Tigilan mo na ako at mahiya ka naman para sa sarili mo. Babae ka at naghahabol ka sa isang lalaki? Kahit kailan hindi kita magugustuhan kahit na anong gawin mo o kahit baguhin mo pa ang iyong ugali. Si Hel—"

Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. How dare he!

Hindi ako si Herriane. If he thinks that way, well. Sorry to say pero ang Herriane na kilala nya ay wala dito. The one who supposed to hear what he said is not here.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sakin! FYI hindi ako nagbago para lang magpapansin sayo o sa kahit kanino! Ugali ko na talaga to, at kung naninibago ka pwes masanay ka na, wala na ang Herriane na kilala mo!" Galit kong sabi. Pero kalaunan ay malambing akong ngumiti sa kanya at bahagyang lumapit. Itinaas ko ang isang kamay ko at unti-unting hinawakan ang kanyang pisngi. His cold red eyes stares at me with coldness, but I saw a hint of unknown emotion in it. "Mabait ako, Prinsipe...."

"Pero pag ayoko sa isang tao, iba ang ugali ko. And you wouldn't like it. I'm worst than what you think I am right now"









*****









I don't know where are we going right now. Basta nalang akong pinatawag ng Reyna, Jane of course, help me to prepare.

I wore a simple white above the knee dress.

My white waist length curly hair was tied up and Jane put a simple black ribbon on it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


My white waist length curly hair was tied up and Jane put a simple black ribbon on it.

Simpleng make-up lang din ang nilagay nya sa mukha ko. I also wear a simple white two inch heels.

Syempre inayusan ko si Jane. Dapat ang ganda nya hindi tinatago. Bumagay sa kanya iyong pinasuot kong dress na same sa dress na suot ko. Hindi daw sya sanay sa heels kaya yung white doll shoes ko nalang ang ipinasuot ko sa kanya tapos ayaw daw nya na nakatali ang buhok nya kaya hinayaan na lang na nakalugay. Nilagyan ko nalang ng pin sa gilid ng mukha nya.

Bumaba na kami dahil baka naghihintay na sila sa amin. Kung ako ang tatanungin, ayoko sanang lumabas ng kwarto. May ayaw akong makita, baka mamaya nandito pala sya sa palasyo kaya ako tinawag. Iba pa naman mga utak ng mga tao dito.

Habang pababa ng hagdan as usual may mga mata agad ang nakatutok sa akin.

"Magandang umaga aking anak, Prinsesa Herriane" ang Reyna ang unang nagsalita.

Ngumiti ako sa Reyna at nang makababa ng tuluyan ay lumapit ako sa kanila. Nakasunod naman sa akin si Jane na pinagtitinginan at pinagbubulong-bulungan na ata ng mga ibang maid.

Humalik ako sa pisngi nya at sa Hari tapos kay Helliane na may malawak na ngiti.

"Napakaganda mo kapatid ko." sabi nya. Ngumiti lang ako.

"Anong meron at pinatawag nyo ko?" tanong ko. Nakaayos din kasi tong si Helliane, pero yung usual na damit ang suot nya.

"Ngayong araw ay mag-uumpisa na ang ensayo niyo. Pupunta kayo sa Prestakuntza Zentroa (Training Center). At doon ay mag-eensayo kayo kung paano gumamit ng iba't ibang sandata panlaban at tuturuan din kayo sa tamang pag-depensa sa sarili at arte Martzial (martial art)"

Ano daw? Wala akong naintindihan sa sinabi nya.

"At kasama natin mag-ensayo ang iba pang Prinsesa at Prinsipe." Helliane said. She's so hyper. Pero ano yung prestakun— basta yon!?

So may iba pa palang language silang ginagamit bukod sa Tagalog? Ano kayang language yon?








*****







Nakarating na kami sa lugar na pupuntahan namin. At ngayon ko lang nalaman!! Isa palang Training Center yung sinasabi nung Reyna! Heck. Pinaganda lang ang pangalan e, akala ko kung anong lugar na talaga to. Like something magical.

Nandito daw kami para mag-training. Syempre, ano ba ang ginagawa sa isang Training Center? Mag-swimming? Pwede rin, kung may swimming pool dito?

Nasira yung mood ko nung makita ko yung walangyang Prinsipe.

Oo nga pala. Nasabi ni Helliane na makakasama namin sila.

Nung tumingin sa akin yung Prinsipe ay inirapan ko nga. Naiinis ako sa kanya. Di ko makalimutan yung mga sinabi nya sa akin ka-gabi.

As usual. Nag-batian ang mga Prinsesa. Binati din nila ako pero ngumiti lang ako pabalik.

Wala ako sa mood ngayon dahil nakita ko yung walangyang Prinsipe.

Sabihan ba naman akong desperada. Ha! Sino ba sya? Isa lang naman syang Prinsipe ng Fireous Kingdom. Nothing so special about him.

Pasalamat sya hindi pa buong lakas ko ang binigay ko para sa sampal na yon sa kanya ka-gabi. Kundi baka ngayon ay makikita nilang may bakat ng kamay ko ang mukha nya.

Pumasok na kami sa loob ng Training Center.
















Matagal ba ako mag-update? Sorry guys ha, graduating kasi ako ang daming pinapagawa sa school. Pero sisikapin ko makapag-update ng hindi tumatagal ng ilang araw.


Princess Herriane ↓↓↓

(Nakuha ko lang sa Chrome, hehe)

Cwenne Thierry

(Sa Chrome lang din)

The Brat is Reincarnated as a PrincessWhere stories live. Discover now