Kabanata 1

629 20 1
                                    

"Prinsesa Herriane, anong problema? Bakit ka po sumisigaw?" Nag-aalalang tanong nung babaeng maid.

Tumayo ako sa may kama at sumigaw ng mas malakas. Yung tipong mababasag lahat ng babasaging gamit dito sa kwarto na to at mabubulabog ang buong bahay.

Pero tumigil din ako agad nung makaramdam ng sakit sa lalamunan. My goodness! That was the most high and loud scream I made in my entire life!

Nakakapaos pala.

But anyway.

Dinuro ko yung babaeng maid at tsaka galit na nagtanong.

"Ikaw!? Sino ka? Nasaan ako?! Anong ginagawa ko dito?!" tumalon ako at narinig ko ang pagtili nya. Lumapit pa sya sa akin at parang tanga na inenspeksyon ako.

"Mahal na Prinsesa, ano bang nangyayari sa'yo? At wag kang tumalon sa ganoong kataas. Baka mapilayan ka po, lagot ako sa Mahal na Hari at Reyna kapag nasaktan ka" nag-aalalang sabi nya.

Duh! Di naman mataas yung bed?

"Ano ba?! Wag mo kong hawakan! Hindi kita kilala" sabi ko at masungit na tinignan sya.

Mukha syang nagulat sa sinabi ko at natakot sa klase ng tingin na pinupukol ko sa kanya.

"M-Mahal na Prinsesa? Ako po ito, si Jane. Huwag niyo pong sabihin na nawalan kayo ng alaala? Eh natulog lamang po kayo ng isang buong araw?"

W-What?! I don't understand. Nasaan ba talaga ako? At sino ba yun Herriane na kanina pa nya tinatawag sa akin at bakit Mahal na Prinsesa ang tawag nya sakin?

Ano bang lugar to? Napunta ba ako sa past? Ang natatandaan ko lang ay yung naaksidente kami nila Ate Reighn.

"W-What do you mean? Why are you calling me 'Mahal na Prinsesa?" tanong ko. Naguguluhan na talaga ako.

Kumunot ang noo nya. Naguguluhang tumingin sa akin na para bang may sinabi akong kakaiba.

Don't tell me she can't understand English?! How boboworst naman!

"Po?" Napairap ako sa tinanong nya.

"Bakit mo ko tinatawag na Mahal na Prinsesa? At nasaan ba tayo?"
I tried to calm myself down. "At sino si Herriane?"

May pagdududang tumingin sya sa akin at nag-aalangan kung sasagutin ba ang tanong ko or not.

"Kasi isa ka pong Prinsesa, at Prinsesa Herriane naman po talaga ang pangalan niyo. At nandito po tayo sa palasyo, Mahal na Prinsesa"

I-I'm a Princess?!! Where in a Palace? How did that shit happened?!!!








*****








Hirap akong maglakad. Napakabigat nitong gown na pinasuot sa akin ni Jane. Yung maid na babae. Sabi nya maid ko na raw sya since then na namasukan sya dito sa Palace. Hindi ko naman sya kilala kaya paano ko malalaman?

"Tulungan na kita Prinsesa Herriane"

Inis na tinignan ko sya! Wow ha? Ngayon pa na malapit na kaming makababa nitong napakahabang hagdan?!

She's the one to blame why I'm nahihirapan here noh! Pinasuot nya ako ng ganito. Required ba talaga na kapag Prinsesa ka ganitong klase ng gown ang suotin?

Argh! Ang hirap kaya, sobrang bigat. If this gown is not just beautiful, I would not wear this.

That's why I prefer dresses. At least yon hindi heavy.

"Can you not call me in that name? I'm not Herriane! I'm Cwenne Thierry Veillet!!" Masungit kong sabi.

"Po?" tanong naman nya na clueless.

Aish! I remember. She can't understand English.

The heck.

Umirap ako. "Ang sabi ko wag mo kong tawaging Herriane. Hindi Herriane ang pangalan ko"

Mas lalo syang naguluhan sa sinabi ko.

I looked at her with 'what?' look.

Pero napatampal ako ng noo nung marealized ko that I'm not in my world pala and in this place I am not Cwenne Thierry.

Nasa isang weird world pala ako where this woman knows me as the girl who she calls Princess Herriane.

Nakakainis! How can I get to the real world ba?

"Pero po, Mahal na Prinsesa? Herr—" I cut her off.

"Shut it! Tama na. Ayokong may maririnig pa akong salita galing sayo. Kapag kinausap kita o tinanong doon kalang magsasalita. Got it—Maliwanag ba?"

Nagtataka man pero she nodded her head.

"O-Opo"

Pumunta na kami sa Dining area. Nandoon daw yung Hari at Reyna, pati narin yung kapatid ni Herriane.

Pagpasok namin sa loob ay nagsi-yukuan ang mga maids. They all greeted me.

"Magandang umaga, Mahal na Prinsesa Herriane" sabay-sabay nilang sabi.

Gusto ko sanang umirap dahil sa tinawag nila sa akin. Hindi naman kasi talaga Herriane pangalan ko e.

Pero pinigil ko ang sarili kasi nakatingin sa akin yung lalaki na nasa may dulo ng mesa nakaupo. He's wearing a king's suit. Probably he's the King. May suot ding korona e. Sa gilid nya ay yung Reyna, may suot din kasing korona. At in fairness! Ang ganda at gwapo nila ha.

Pero mas gwapo si Dad at mas maganda si Mom. Since I was a child, I've never been with my mother. Namatay kasi sya after me ipanganak, that's what my father told me. Lumaki ako na si Dad yung kasama ko. Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal, dahil andyan yung buong angkan ng Veillet at Rease (clan ng mommy ni Cwenne), they all love me.

Sa picture ko lang nakita si Mom, and believe me. Magkamukha kami. As in. Yung halos aakalain mo na ako talaga ang Mommy ko.

The King smiled at me. Peke naman akong ngumiti at tsaka naglakad palapit.

I need to act as if I'm really Herriane. Though I don't know what's her attitude in front of her family. Kung paano sya kumilos at magsalita. Hindi ko rin naman kilala mga tao dito, so I will act according sa kung anong status ni Herriane. Since she's a Princess, then I will act and talk like a Princess too in a way Cwenne Thierry Veillet do.




The Brat is Reincarnated as a PrincessWhere stories live. Discover now