Kabanata 7

384 17 0
                                    

Third Person's Pov,

"Anong nangyari, Wylther? Bakit parang galit si Prinsesa Herriane? Anong ginawa mo?"

Tanong ng mga Prinsesa kay Prinsipe Wylther nung makabalik siya sa mesa nila.

"Anong ginawa ko? Wala! Nagtanong lang naman ako e" sabi ni Prinsipe Wylther. Napailing pa ito na parang hindi parin makapaniwala na nasigawan sya sa harap pa mismo ng mga kaibigan nya at ng mga Hari at Reyna. Tumingin si Prinsipe Wylther kay Prinsesa Helliane. "Bakit ganoon si Prinsesa Herriane? Sinabi ko lang naman na dito ang ating mesa at nagtanong lang naman ako pero nagalit agad siya. Ang laki na ng pagbabago niya simula noong huling pagkikita natin."

"Ano nga ba ang nangyari sa kaniya, Herriane? Bakit nag-iba na ang kaniyang ugali? Tignan ninyo at pati ang kaniyang pananamit ay nagbago. Hindi ba at bawal iyan? Isa pa man din siyang Prinsesa, ano na lamang ang sasabihin ng ibang mahaharlika kapag nakita ang kaniyang kasuotan na halos makita na ang lahat sa kaniya."

Napabuntong hininga si Prinsesa Helliane. Alam naman niyang hindi lamang siya ang nakakapansin ng pagbabago ng kaniyang kapatid. Ngunit maging siya ay hindi rin alam kung ano ang nangyari sa kapatid kaya't ganito na lamang ang pagbabago nito.

"Hindi ko din alam. Ang napapansin ko lang ay mabilis na siyang magalit, kahit na maliit lang na bagay kapag napansin niya ay may ipupuna siya at kapag hindi niya nagustuhan magagalit siya. Nitong nakaraang linggo lamang ay humiling siya kina Ama at Ina, gusto niyang ipabago ang disenyo ng kaniyang kwarto at ang lahat ng mga gamit nya. Ipinamigay nya ang kanyang mga damit sa mga tagasilbi at pinalitan ng mga bagong damit ang kaniyang damitan. Halos lahat ng kaniyang napiling damit ay maiiksi. Hinayaan na lamang nila Ama at Ina dahil kung hindi ay baka magtampo at hindi na kami kausapin." mahabang litanya ni Prinsesa Helliane.

"Isama mo narin ang kaniyang pananalita. Kanina lamang ay nagbanggit na naman siya ng mga salitang hindi ko maunawaan." sabi ni Prinsipe Wylther.

Kumunot ang noo ng mga Prinsesa at Prinsipe. Kuryuso silang malaman ang sinasabi ng Prinsipe.

"Ano namang salita ang kaniyang binanggit kanina, aking Kuya?" tanong ni Prinsesa Aeriel.

"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng kaniyang mga sinabi o kung anong salita ba ito ngunit binigkas nya ay 'hatdog' at ano—'anonimus'?" kunot noong sabi nito at pilit inuunawaan ang salitang narinig niyang binanggit ni Prinsesa Herriane.

"Saan kaya natututunan ang ganiyang lenggwahe? Nais kong mapag-aralan ng sa gayon ay hindi na ako maguluhan sa tuwing magbabanggit si Prinsesa Herriane ng mga salitang kakaiba sa ating pandinig o ngayon lamang natin naririnig."

"Hindi ko alam kung saan, ngunit hayaan nyo at mamaya ay tatanungin ko ang aking kapatid kung saan niya natutunan at nabasa ang ganoong lenggwahe para ating mapag-aralan din" sabi naman ni Prinsesa Helliane.

"Pero bago iyon. Nais ko lamang malaman Prinsesa. Sino ba iyong babaeng kasama ni Prinsesa Herriane? Tinanong ko siya kanina ngunit nagalit siya at hindi ako sinagot." sabi ni Prinsipe Wylther.

Nakuryoso na naman ang mga kasama at nagtanong din.

"Sino nga ba siya, Helliane?"

Bubuka pa lamang ang bibig ni Prinsesa Helliane ngunit dumating si Prinsesa Herriane/Cwenne na nakasimangot at narinig ang kanilang pinag-uusapan kaya't sumabat na sya sa mga ito.

"She's my maid, have a problem with that?"





...back to Cwenne/Princess Herriane's Pov,

Nakasimangot ako habang naglalakad kasama si Jane papunta sa gawi ng mga Prinsipe at Prinsesa. Ayokong makisama sa kanila pero inutusan ako ng Hari at Reyna na sumama sa mga ito.

Wala akong nagawa dahil utos rin ni Queen of Fireous Kingdom, mother of the most jerk of all jerks in this world na dito daw dapat ako sumama sa mga Princes and Princesses! And damn it! Sinabi pa nyang tumabi ako sa anak nya, at talagang pina-reserve pa daw nya ang upuan na bakante sa tabi ng anak nya dahil doon daw ako uupo.

Don't tell me, his parents don't know that he likes Helliane and not Herriane? Siguro gusto ng Hari at Reyna si Herriane for their son? Hindi naman nila siguro sasabihin at gagawin yun kung hindi diba?

Ang mas nakapag-painis pa sa akin ay yung marinig ko silang pinag-uusapan ako at nagtatanong sila kung sino ang kasama ko na walang iba kundi ang maid kong si Jane.

Kaya bago pa sumagot si Helliane sa tanong ni Aeriel ay sumabat na ako.

"She's my maid, have a problem with that?"

All their heads turned on me and I arched my brow to them. They were all shocked as they see me looking unpleased. Who wouldn't be? Ikaw kaya piliting ipasama sa mga to and then you heard these people talking behind your back, huh? Sinong di magagalit?

These bitches and jerks, how dare they are talking about me?!

The Brat is Reincarnated as a PrincessWhere stories live. Discover now