"Sorry, hindi ko sinasadiya... Ayaw ko lang kasi talagang nasasaktan ka. Lalaki ako Miriam, kaya dapat kong panatilihin ang kaligtasan mo. "

"Gusto ko lang kasing tumulong, Adonis. Babae ako, at asawa mo din ako... At gawain ng isang babaeng asawa na gawin ang mga gawaing bahay at tulungan ang asawa niya at alagaan. " hindi nakaimik si Adonis dahil sa sinabi ko ngunit napangiti ito.

At naramdaman ko ang pag higpit ng yakap nito sa akin. Napunta sa batok ko ang kamay niya at marahang humaplos doon.

At nag salita din siya kalaunan.

"Pero hindi mo na kailangan pang gumawa ng mga kuwintas na perlas para ibenta iyon. Hindi muna kailangang pang mag trabaho, Miriam. Nandito naman ako. At kakayanin ko, huwag ka lang mapagod. " seryoso ang tinig nito na may pagsusumamo.

Mahina kong tinampal ang matigas niyang dibdib. At tiningala siya para bigyan ng masamang tingin.

"Iniispoiled mo na naman ako! " tumaas ang sulok ng labi niya.

Yumuko siya at napapikit ako kasabay non ang paglapat ng malambot nitong labi sa aking mga matang nakapikit.

At ng hindi ko na maramdaman ang mga labi niya ay nagmulat ako at seryoso siyang tinignan.

"Seryoso ako, Adonis. Hayaan mo nalang ako na gawin ang mga ito. Gusto kong makatulong sa iyo. Ayaw ko ding umasa sayo. Mag asawa tayo, Adonis. Kaya magtutulungan tayo, at ayaw ko na isa lang ang kumikilos sa ating dalawa. " seryoso kong sinabi.

He bit his lower lip. Tumikhim siya. "Sige na nga. Suko na ako. Ano bang laban ko sa maganda kong asawa? " at natawa ito sa huli.

Napailing ako. Lumayo ako sa kaniya at inilabas ang pares na singsing na perlas na ginawa ko kanina at inabot kay Adonis ang isa.

"Para saan ito? " kuryosong tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Para sa daliri mo. " pabalang kong sagot kaya tinaasan niya ako ng kilay at pinanliitan ng mata, inirapan ko siya.

"Malamang couple ring iyan! Ano bang ginagawa diyan diba isinosuot sa daliri?! " halos umusok na ang ilong ko sa inis.

Ang slow ba naman kasi. Or sadyang nananadiya lang siya.

He chuckled. "Oo na, nagagalit ka naman kaagad. Bad mood yarn? " natatawang aniya.

Inirapan ko lang siya at isinuot sa daliri ang singsing. Inangat ko ang aking kamay sa ere at ngumiti, tumingin pa ako kay Adonis na nakatingin sa singsing ko.

"Regalo ko 'to sayo at remembrance na din. " paliwanag ko at kinuha ang pares ng singsing na hawak pa niya at hindi pa na isosout.

Ako na mismo ang nag sout non sa daliri niya. Napangiti ako ng sumakto ang singsing sa daliri niya, hindi ko kasi alam ang size ng daliri ni Adonis. Hindi naman iyon masyadong mataba, sakto lang. At mahahaba.

Tumingin ako sa kaniya. Titig na titig ang mga mata nito sa akin, mga matang kaya akong pahinain at patibukin ng mabilis ang puso ko, mga matang malakas ang epekto sa 'kin.

"Oh, ayan. Bagay. " at ipinagdikit ko ang aming mga kamay na kung na saan ang mga singsing.

"Salamat. Ang ganda nga. Paano mo nagawa ito? May binayaran kaba? " tanong niya a tumingin sa mga singsing.

"Wala akong binayaran diyan. At madali lang namang gawin iyan. Regalo na iyan ni Nanay Bebang sa kasal natin. Sagot na niya ang mga perlas na ginamit ko. " paliwanag ko, si Nanay Bebang ay ang kaibigan ni Tiya Emelda.

Tumango tango siya. Napatingin naman ako sa kaniya.

Nawala sa kaniya ang tingin ko dahil tumingin ako sa dagat.
"Adonis, wala ka bang ibang sasabihin? Like mangangako ka? Alam mo masarap mangako sa karagatan. Kasi parang matutupad ang mga pangako mo, marinig mo lang ang pag hampas ng mga alon. Para kasing dadalhin sa isang ligtas na lugar ang mga pangako mo ng karagatan at kapag dumating na 'yung tamang panahon para pakawalan ito ay doon na mag sisimula ang lahat... " tumigil ako sa pag sasalita at nilingon siya. "I-try kaya natin? Wala namang masama. Nagawa ko na iyan dati, magaan siya sa pakiramdam. "

Tumango siya at hinaplos ang singsing na nasa daliri.

"Kong mangangako man ako, gusto ko ay panghabang buhay ng magiging akin ang pangakong iyon. Gusto ko na ang pangako ko ay hindi basta basta tangayin ng hangin. Gusto ko silang matupad... " aniya at bumaba ang kamay niya sa kamay ko na kung na saan ang isa pang pares ng singsing.

"Magiging makasarili ba ako kong gusto kitang maging akin habang buhay? " masuyong wika niya.

Kumalabog ang dibdib ko at wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko.

Ngumiti ako at umiling ng makabawi. "Hindi, Adonis. Hindi... " anas ko habang nakatitig sa mga mata niya na may dumaang emosiyon.

Bigla ay kuminang ang mga mata niya dahil sa luha. Nagulat ako at hindi ko inaasahan iyon.

"Adonis... " ayun na lamang ang tanging nasabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang namamasa.

"Natatakot ako, Miriam... Natatakot ako na hindi matupad ang mga pangako natin para sa isa't isa. " nabasag ang boses niya na ikinasikip ng dibdib ko.

Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Umangat ang kamay ko at pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at idinikit 'yon sa pisngi niya na tila ninanamnam niya ang init ng kamay ko. Nakapikit siya habang ako naman ay nasasaktan.

"Adonis... Bakit hindi natin tuparin ang mga pangako natin sa isa't isa? "

Umiling siya habang nakapikit at nananatili padin ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

"Natatakot ako na baka pagsisihan mo ang mga pangakong binitawan mo sa 'kin balang araw. " sabi niya.


Ako naman ngayon ang umiling.Nag iinit na din ang gilid ng mga mata ko. "Hindi, Adonis... Tutuparin k-ko sila k-kahit anong mangyari... Basta manatili ka lang sa tabi ko at buong puso mong ibigay sa akin ang tiwala mo, kahit pa ang mga nakaraan mo. T-tatanggapin k-ko sila... Dahil mahal kita. " umiiyak kong sinabi.

Umiling si Adonis. "Hindi ko kaya, Miriam. Natatakot ako na b-baka iwan mo ako sa oras na malaman mo ang katotohanan... " iyak nito.

Kumawala ang isang hagulgol sa aking mga labi at niyakap ito ng mahigpit.

"T-tatanggapin k-kita, A-adonis... Tatanggapin k-ko. A-at hindi kita iiwan, p-pangako... " umiiyak kong sinabi at parang nawawasak ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Bakit ikaw pa?

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Where stories live. Discover now