"Sasagutin ko ang mga tanong mo kaya nga, sumama ka sa akin," he said. Hinila niya ako palabas sa dorm house namin. Kailangan ba talagang hilahin ako? Hindi ba pwedeng maglakad nang maayos? Ang bongga!

"Teka lang, sandali! Pupuntahan ko na muna si Zep. Baka kasi kanina pa siya naghihintay sa akin. May training kasi kami ngayon at baka sumama ang loob niya kapag bigla na lang akong hindi susulpot doon," sabi ko sa kaniya bago ko inialis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa sa akin at agad na pumunta ako sa battle field at saktong naabutan ko si Zep na nagbebend ng hangin. Aang, ikaw ba 'yan? Avatar lang ang peg!

"Aria!" he shouted as soon as he saw me. Napangiti ako noong nakita ko siyang ngumiti sa akin. Ang gwapo talaga ng isang 'to.

"Kanina pa kita hinihintay. Ano? Tara?" he asked while smiling. Medyo naloka ako sa sinabi niyang kanina niya pa ako hinihintay tapos dumating lang pala ako para magpaalam. Sayang ang effort niya na hintayin ako.

"Hmmm, Zep, magpapaalam sana ako sa'yo na kung pwede ay 'wag muna tayong magtraining ngayon?" pagpapaalam ko sa kaniya. Sana lang ay pumayag siya dahil talagang gusto ko nang malaman ang lahat ng tungkol sa amin ni Fire. Kapag wala lang akong nakuhang matinong sagot mula sa Apoy na 'yon nako naman talaga! Maghahalo ang mantika at tubig! Weh?! Talagang may gano'n? Kaya mo?

"Bakit? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" he worriedly asked. Bigla niyang inilagay ang kamay niya sa noo ko at saka niya pinakiramdaman kung may sakit ba ako o wala.

"Wala ka namang lagnat," he muttered. Sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na may sakit ako? Haynako!

"Wala akong sakit at hindi masama ang pakiramdam ko. May kailangan lang akong puntahan, Zep," I said. Ilang minuto niya akong tinitigan. Ano naman 'yan Zep? Feeling mo ikaw si Kai na nakakabasa ng isip? Akala ko ay hindi siya papayag pero nakahinga ako ng maluwag noong bigla siyang ngumiti.

"Pasalamat ka't malakas ka sa akin. Sige na. Bukas na lang tayo magtraining. Mag-iingat ka," sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. Jusko naman! Pareho sila ni Tyrone na ang hilig guluhin ang buhok ko. Nginitian ko siya at saka ko siya niyakap. Nakakatuwa kasi ang pagiging understanding niya sa akin.

"Thank you," I muttered before I left.

Pagdating ko sa pwesto kung saan ko iniwan kanina si Fire, nagulat ako kasi may kasama na siyang dragon. Saan naman nanggaling ang dragon na 'to?! Ang taray!

"Naaalala mo pa ba si Nagi?" tanong ni Fire sa akin. Nakatitig lang ako sa dragon. Lumapit ako dito at saka ko hinawakan ang binti nito. Nakakaloka lang na hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga oras na ito kahit na ngayon ko lang naman nakita ang dragon na 'to. Pero iba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nakita ko na 'to.

"Nagi?" I asked back. Ngumiti lang si Fire sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko.

"'Wag mong pilitin na alalahanin si Nagi kung hindi mo pa kaya. Tara na?" tanong niya sa akin.

"Teka, diyan tayo sasakay? Safe ba diyan? At saka, saan ba tayo pupunta?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Ano ba ang malay ko kung last day ko na pala once na sumakay ako diyan, 'di ba?! Aba! Sayang naman ang kagandahan ko kung gano'n! Bigla namang tumawa si Fire at pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. Nakakainis na lalaki 'to! Baklasin ko kaya ang pantay-pantay mo na ngipin, Fire?!

"Alam mo ba na ganyan na ganyan din ang sinabi mo noong unang beses kang sumakay kay Nagi noon? Tinanong mo ako kung safe ba ang sumakay kay Nagi," he said with a smile. O talaga? Sinabi ko na 'yon noon? Nako, Aria! 'Wag ka agad maniniwala sa gwapong nilalang na 'yan! Paano pala kung niloloko ka lang niya?

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon