"Ehm!" panimula ko at pilit na tinitignan ang kanyang mukha. "Ah... Ben, wanna' ask something, ok lang ba?"

 

"Walang amerikano dito kaya 'wag kang mag-englis." he replied so nakagat ko naman ang labi ko, sungit!

 

"Sorry..." sabi ko na lang. "Mula ba pagkabata eh dito ka na tumira, nasaan ang mga parents mo?" I'm trying to see how he'll react to my question pero parang wala namang narinig. So I just smiled and looked around. "Ok naman 'tong place mo pero 'di ka ba naboboring, I mean mag-isa ka lang then wala pang kapitbahay... siguro ako 'di ako mag—-."

 

"Ayuko' sa maingay at magulong paligid." sagot niya habang hawak-hawak na ang isang manok. Tumayo siya at nilingon ako. "Matagal na akong walang mga magulang, naunang namatay ang nanay ko tapos mga pitong taon ako nang magkasakit naman ang tatay ko, si Abraham na ang umalalay sa akin nang mamuhay akong mag-isa."

Napatitig ako sa kanya sa huling sinabi niya. Did I heard it clearly, si Abraham? Wow, but it's so impossible. How could it be kung almost same age lang naman sila?

 

"Alam kong marami nang tanong sa isipan mo ngayon." at pumasok naman sa loob kaya tahimik rin akong sumunod . Gusto kong magtanong pa nga pero nag-aalangan ako, baka magalit eh. But when I heard him speaking again, nabuhayan na ako ng loob. "Yamang' aalisin rin ni Abraham ang lahat ng nalalaman mo'y ok na rin na malaman mo minsan ang totoo kong pagkatao." sulyap niya sa akin sabay pilipit sa leeg ng manok.

'Di ko maiwasang magulat at matakot deep inside pero kinontrol ko na lamang ang sarili ko. Umupo ako sa dulo ng mesa at kunwaring pinapanuod ko ang kanyang ginagawa.

 

"I-isa ka rin bang asw—-, k-kagaya nila?" hindi ko alam kung anong perfect term ang sasabihin ko, baka kasi magalit at ano pang gawin sa akin.

 

"Hindi na parang oo..." tugon niya habang nakatalikod na sa akin. "Ang nanay ko'y isang kakaibang nilalang rin, ulapirang naman ang tawag sa kanilang uri habang sila Abraham ay busaw... sa pagkaka-alam ko'y 'di magkasundo ang dalawang angkan na 'yan pero sa takbo nga ng panahon ay nakalimutan na rin ng bawat isa ang anumang sigalot na namagitan sa kanila... nabuhay lang nang lumabas na nga ang totoong katauhan ng nanay ko."

 

I want to just stop what he was doing at umupo na lang para magkwento. Feeling ko kasi napupunta ako sa mundo ng fantasy.

"Kaibigan ng mga magulang ko ang pamilya ni Abraham, kumbaga' kahit anong oras ay pwede silang bumisita sa lugar ng mga busaw pero sabi ko nga... nagkaroon ulit ng sigalot ang dalawang angkan, pati sa kapangyarihan ay naging dahilan rin ng pag-aaway nila." patuloy pa rin niya habang nagpapainit na yata ng tubig. "Basta mahabang kwento, Ethan pala ang dati kong pangalan pero sa katagalan ay naging Benjar na... sabagay mas gusto ko naman, nakakalimutan ko kasi ang mapait kong kabataan." sabi niya at umupo naman sa kabilang dulo ng mesa.

Bahagya siyang ngumiti at tinignan ako.

"Ikaw, anong kwento mo?"

Napa-ayos ako ng upo at napiliting ngumiti.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now