Kabanata- 10.

4.2K 163 15
                                    

"Share the moment"... Sana bumili kayo ng mga published books ko: KABIT at BUSAW, UNANG PAGSIBOL (book na po ang BOOK 1 ng series na 'to, sana hanggang sa Book 5 ay mapublish rin. If mangyari 'yun... marami akong idadagdag sa bawat kwento, promise!). Anyway 'yun lang... happy lang na naging book na rin sina Manuel at Elvira ^___^

        Nasa pinakatuktok na ako ng isang puno at tinatanaw ang pakanlurang bahagi ng Maguellas samantalang ilang metro naman ang layo ng bahay ni Ben mula sa kinalalagyan ko.

Tama nga siya, sa mga taong kilala at may alam tungkol sa amin ay masasabing parating na talaga sila. Nasasamyo ko na kasi ang amoy nilang sumasama sa ihip ng hangin.

Napabuntong hininga ako at nagsimula akong gumalaw sa ilalim ng mga puno. Kailangan kong mailigaw sina Althea dahil maaaring pati si Benjar ay malagay sa peligro. Si Ben na wala nang itinuring na pamilya kundi' ako. Hindi lingid sa akin ang kanyang buhay kaya ganun' na rin siguro ang malasakit ko sa kanya. Isa ring kakaibang nilalang ang kanyang inang si Airina at may alam rin sa mahika ang kanyang amang sumunod rin sa inang namayapa na.

Pinilit kong itinuon ang konsentrasyon ko sa paglapat ng amoy ni Grace sa maaaring daanan nila. Isa-isa kong hinawakan at dinikitan ang mga sanga't dahon ng mga punong kahoy na nagkalat lang sa paligid. Nang makuntento na ako sa ginawa ko'y umakyat ulit ako sa pinakamataas na sanga ng isang puno at nag-abang ulit.

Habang nakaupo ako ay pinalitaw ko ang dila ko at sa ilalim ng bilog na buwan ay pinagmasdan kong itong nangingintab sa kakaiba nitong likido, ang katas ng silsingan. Ito lang ang alam kong makatulong sa akin para mawala na sa isipan ng mga busaw lalong-lalo na sa sarili kong kapatid ang tungkol kay Grace.

Sa Mulenluwa ko rin nalaman na hindi lang pagbabasa ng isip ang kaya nito kundi' marami pang iba. Maaari ring mawala ang alaala ng isang bagay o kaya'y maaari ring gawing lason na kasing tindi ng loog ng mga ulapirang ang katas ng silsingan ngunit may dasal na kailangang gawin rito. Muli ay nagpapasalamat ako sa banal na taga-pagtingin dahil ibinigay niya sa akin ang mahiwagang dasal.

Naputol ang pag-isip ko at mabilis akong napatingin sa likuran nang may marinig akong kaluskus ng mga dahon. Maingat akong lumundag sa kalapit na puno nito para tignan ito pero 'di ko inaasahan ang sasalubong sa akin.

"Haaaa..." atungal ng dalawang nilalang kasabay ang pagsunggab nila sa akin pero agad rin akong nakaiwas at sinadyang lumayo sa kanila.

Pakunot noo ko silang inaaninag sa dilim at laking pagtataka ko dahil hindi sila ang inaasahan kong darating. 'Di pa rin nawawala ang mga tanong sa isipan ko habang  tinitignan ko na ngayon ang sugat ko sa braso. Malalalim na kalmot ang nagluluwal ng sariwang dugo ko pero hindi ang hapdi nito ang iniisip ko kundi ang may gawa nito sa akin.

Wala na akong ibang iisipin pa sa gumawa nito sa akin kundi' ang mga dayuhang mortal pero ang pinagtatakhan ko'y ang itsura ng sugat ko.

Walang nakakasaksak o nakakakalmot sa ganitong paraan kundi' kami lamang na mga talindawang at sa anyong busaw pa. Ibig sabihin ay mga busaw rin ang dalawang 'yun pero bakit nasa anyong mortal pa rin sila? Nahagip ko rin ang kanilang mga mukha at sigurado akong walang nagbago kundi' ang kanilang mapupulang mga mata lamang. Hindi naman ganun' ang mga mata nang nauna kong naging kalaban.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon