Kabanata- 2.

6.7K 223 17
                                    

        Pagpasok ko sa kwarto ko'y agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan ko ang aking mukha. 'Di ko ngang maikakaila na nagtataglay ako ng halos perpektong mukha at tindig. Para sa katangiang ito'y nagpapasalamat na rin ako sa dati kong mortal na ina.

Huminga ako nang malalim at pumikit ako para hubarin ang huwad kong anyo.

At pagdilat ko nga'y lumantad na naman sa akin ang kuhabaran ko hanggang muli ko na namang maalala ang isang tagpo...

 

"Abraham! Abraham!" tawag sa akin ng kaklase kong si Grace habang may itinuturo siya. "Tingnan mo ang mga isda oh, ang cu-cute hi hihi." bungisngis niya kaya napatakbo na rin ako sa kanya.

 

"Saan?" tanong ko at sisilip na rin sana ako nang marinig naming magsalita ang adviser namin.

 

Nasa isang field trip kami ngayon at bawat isa’y may kasamang guardian.

 

"Ops, mga bata 'di ba sinabi ko nang bawal lumapit diyan?" sabay lapit rin sa amin at tiningnan ako. "Abraham, ikaw ang leader ng group niyo eh 'di mo man lang pinigilan si Grace, next time 'di na tayo papabalikin dito sa zoo, sige kayo rin..." paalala ni Maam Trina sa amin.

Napayuko ako sabay hingi nang paunmanhin.

 

"Sorry ho Maam," mahina kong sagot at sinulyapan si Grace na natahimik  rin.

 

"Ok, ok... 'wag nang matigas ang ulo ah... pwede naman kayo magsight seeing eh pero hanggang dito lang sa white lane, 'wag ka nang lumapit Grace, bawal oh." sabay turo niya sa sign board.

 

"Yes Maam, 'di na mauulit." panghihingi nang sorry ng kaklase ko.

Ngumiti lamang ang adviser namin at iniwan na kami. Pagka-alis ng guro namin ay muling ngumisi si Grace at tiningnan ako.

 

"Gusto kong makahuli ng kahit isang gold fish... idagdag ko lang sa mga isda ng aquarium namin." sabay bukas sa bagpack at nakita ko na nga ang dala niyang bote.

"Bawal nga sabi ni maam oh..."

 

"Bawal nga kung mahuhuli tayo.... ikaw talaga kahit keylan' napaka-obedient mo." irap niya sa akin at muling bumalik sa tabi ng fountain. "Akala ko pa naman eh boyfriend kita, kakampi...” nguso nito habang tinitingnan ang fountain. “Geh na 'ham... tulong naman diyan." nagpaawa na ng mukha.

Napabuntong hininga na lamang ako at nilapitan ko na siya.

 

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon