Kabanata- 8.

4.5K 162 7
                                    

(Temporarily blocked ang wattpad dito sa UAE)






"Pare 'di pa ba natin 'yan gigisingin, parang kalabaw kung humilik ah." turan ng kaibigan ko at sinilip pa si Grace na natutulog pa rin sa kwarto niya. "Ang ganda nga pero parang ang tapang-tapang naman..." paanas pa niyang turan.


Bahagya lang akong napangiti at tumanaw uli sa labas ng bintana.


"Salamat sa pagpapatuloy sa amin dito Ben, may pag-uusapan lang kami." tahimik kong turan sa kanya at tumingin sa labas.


Nakakagaan talaga ng loob ang kalikasan, ang iba't ibang huni ng ibon at ang sikat ng araw na kay ganda sa umaga.


"Paano kayo makakapag-usap niyan' eh tanghali na'y naghihilik pa rin, gisingin mo na kaya 'yan pare." tingin niya sa akin.


Ngumiti ulit ako at nilingon na si Grace.


"Hayaan na lang natin, umaga na nang makatulog 'yan." sambit ko at marahang tumayo para takpan ang nakabuyangyang nitong kaliwang hita.


"Anong klaseng babae ito..." anas ko at inayos ang lumang kumot ni Ben na ipinagamit niya rito.


"Kung may pupuntahan ka'y 'wag mo na kaming intindihin pare." turan ko habang papalabas ng kwarto.


"Meron nga sana pare pero kailangan ko ngtulong mo ngayon eh." pakamot nitong turan sa akin sabay taas sa kanyang kaliwang paa. Nakita ko ang malaking bendang nakapulupot sa kanyang tuhod. "Kaya mo bang umakyat ng punong mangga, 'yan na lang kasi ang kulang sa delivery ko kay Aling Belen."


"Saan?" tanong ko sabay silip sa labas.


"Diyan lang, 'yang punong 'yan." nguso niya sa 'di kalayuang puno. "Kahit ilang piraso lang pare para 'di mawala sa akin si Aling Belen, alamu' na... siya ang pinakamalakas kong customer."

Tahimik na akong tumayo at hinubad ang kamiseta ko.


"Paghandaan mo na lang ng kahit kape kung magising siya." bilin ko at lumabas na ng bahay.


Pagkalabas ko'y tiningala ko ang puno at inilingkis ko na ang pantalon ko.


Aakyat na sana ako nang mapakunot noo ako at mapalingon sa loob.


"Ahhh!" sigaw ni Grace. "Sino ka, anong ginawa mo sa akin?!" sigaw pa rin niya hanggang sa makita ko nang patalikod na lumalabas ng bahay si Ben.


"Teka, teka lang!" nakita ko nang parang may iniiwasan na nga si Ben.


"Emp! Emp..." magkahalong suntok at palo ang ibinibigay niya rito. "Sino ka ah, anong ginawa mo sa akin?!" bulyaw pa rin niya hanggang sa huminto na sa harapan ko habang si Ben naman ay tumayo sa likuran ko.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon