Let Love Bleed Red

17.8K 662 34
                                    

Jessy's POV

Through good times and bad times that's what they say.. and I have no complaint about it, but -- why Allen and me could all have now is suffering.

I'm suffering by seeing him suffering.

"Allen ! Allen !" sigaw ko at hindi ko alam ang gagawin.

Sumusuka siya ng dugo at namimilipit sa sakit habang ako natatakot at hindi ko alam ang gagawin.

"Allen dadalhin na kita sa doctor" sabi ko habang nakahawak sa braso niya.

Nasa sahig kami ngayon at nakikita ko sa mukha ni Allen na sobrang sakit ng nararamdaman niya, namumutla na din siya at pinagpapawisan.

"No -- just give me my pain killers" sabi niya habang nagdurusa sa sakit.

Nagmamadali akong tumayo at kinuha ang pain killers niya sa may drawer. Naramdaman kong tumulo ang luha ko agad ko itong pinunasan at tumakbo papunta sa kanya habang dala ang gamot niya at isang baso ng tubig.

"Here" I said then ininom niya ang kanyang gamot.

After an hour nawala na din ang sakit na nararamdaman niya, he's sleeping right now at his bed at ako umiiyak habang nakatingin sa kanya.

Lumuhod ako sa harapan ng mga dugong isinuka ni Allen, gamit ang basahan dahan-dahan kong pinunasan iyon hanggang sa napansin ko na lang tumutulo na ang mga luha ko sa kamay ko na nagpupunas ng kanyang mga dugo.

Parang unti-unti din akong pinapatay pero dapat kong lakasan ang loob ko.

Ngayon naiintindihan ko na yung mga pinagdaanan nila Allen at Alexis sa loob ng tatlong taon.

Kinabuksanan.

Hapon ng magulat ako kung bakit may nag doorbell, pumunta ako ng main door para tignan kung sino ang tao sa labas. Mansion kasi ito na walang gate, pang sinaunang style talaga na pag pupuntahan main door na kaagad safe naman siya dahil gawa sa malaking kahoy ang pintuan kundi ako nagkakamali ito parin ang pintuan nito at inirenovate lang, ang mga salamin tinted at bullet proof din kaya safe talaga. Nakatayo ang mansion na ito malayo sa bayan kumbaga nag-iisang mansion ito na nasa gitna at nagtatago mula sa mga naglalakihang mga puno.

Sumilip ako sa pinto at laking gulat ko ng makita ko sina Bam, Katie, Steph at Kristoff. Binuksan ko agad ang pinto sa kanila para papasukin.

"Anong ginagawa niyo dito ?" una kong tanong.

"Grabe kaibigan mo kaya kami" sabi ni Steph at napatawa na lang ako.

"No hindi tuloy kayo, nagtaka lang kasi ako dahil nalaman niyong nandito ako" sabi ko.

"Wow ! Ang ganda ng mansion kahit na pang antique ang style" sabi ni Steph.

"We know that you are here because sinabi ni nerd kay Kris" sabi ni Katie. Ah she's talking about Alexis.

"What's wrong with you bakit ang laki ata ng hinaggard mo Jess ?" nagtatakang tanong ni Steph.

"Ah kulang lang siguro sa tulog" sagot ko.

"It' been about three days at di ka man lang nagparamdam sa amin" sabi ni Katie.

"Sorry, I don't have any phone kaya I can't communicate with you guys" sabi ko.

"Wala na ding laman yung fridge niyo doon, anong kinakain niyo dito ?" sabi ni Bam at paglingon ko galing siyang kitchen at may bread na naka subo sa bibig niya.

"You bastard ! Sino ka para mangialam diyan !" sigaw ni Katie tapos piningot niya si Bam.

"Aray babe !" daing nito.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon