FORTY-FOUR

1.4K 24 4
                                    

    Hi, Babiis 💦 I want to share our book 💗
    Hiling by; Infinite Group.
    25 kaming Author na nagsulat.
    If you want to buy just DM me at my
    FB ; Nelnel Pine Belga
    Gmail ; Himehime407@gmail.com

   Tenkyuu 💦🌻
  Tenkyuu also sa patuloy na pagbabasa
  and pag vote.
  Hope you like/love my story.
  Tenkyuu rin sa pag follow 🎉💙

- Amor -

Masayang ibinigay ni Doc. Zia ang test ng mga anak ko.
Nagpaalala rin siyang maganda ang breastfeeding para mas malusog sila.

Ngayon na ang labas namin sa ospital. Nag sabi pa si Doc. Zia na gusto niyang maging ninang ng kambal kaya pumayag ako.

She's kind, smart, and beautiful three in one na nga eh. Ano 'yun kopiko?.

Sakay ng yate tanaw ko na ang bahay. Nang makababa masaya akong yumakap kay Cassandra na gano'n din sa akin.

May pa-welcome banner pa ito sa amin mga lubong white and silver at may mahaba pang lamesa.

Sumalubong din sa amin si ate Sarah at isang bagong katulong?

"Hi, Ma'am," ngiting bati nito sa akin.

"Hello," balik na bati ko rito.

"She's Sapphire. Siya ang makakasama mo mag bantay sa mga anak natin," biglang sulpot ni Dastian sa likod ko at kinabig pa ako papalapit sa kanya.

I smile at Sapphire but she just looks at my waist Dastian holds.
Nagtataka man ay hindi ko na lang ito inalintana.

Pumasok muna kami ng triplets para ibaba ang kambal sa kanilang nursery room.
Kulay pink ang pintura ng mga dingding pati ang mga gamit ay kulay pink rin. Drawer and cabinets also.

Bumaba na kami at si Sapphire ang nagbantay sa kambal na natutulog. Sinabihan na lang siya ni Dastian na papadalhan siya ng  pagkaen sa nga taohan nito.

"Hindi ba puweding sumabay na lang siya sa atin. Tulog naman ang kambal," saad ko na ikinataas ng kilay ni Dastian.

Nakita siguro ito ni Sapphire kaya umiling na lang siya "Nako, Ma'am, hindi na po okay lang ako rito," ngiti niya sa akin.

"You heard her, Love, let's go," malamig na tugon lang ni Dastian.

He holds my right hand and Duke also holds my left hand.

"Mawawala ba ako?" natatawa ko pang tanong sa dalawa simula kasi kanina ay naging mas clingy na silang tatlo.

"No. We just love holding your hands," sagot ni Duke sabay halik sa likod ng palad ko.

Nangiti ako sa inasta niya kaya hindi ko maiwasang kiligin.
Kelan ko ba huling naramdaman 'to?.

Masaya ang naging salo-salo. Halos hindi maubosan si Cassandra ng kuwento na ikinatawa ni mommy.

Inaasar pa nito si Winter na talaga namang ang daling mapikon.
Katulad nga ng sinabi ni Dastian pinapadalhan niya ng pagkaen si Sapphire.

Nanglumingon ako sa kuwarto nakadungaw siya roon sa balkonahe.
Kinawayan ko siya na bumaba pero umiling lang ito sa akin at pumsok na rin sa loob.

Matapos ang munting salo-salo nagpahinga na rin muna sila mommy at daddy. Bukas kasi ay babalik na sila pa-manila kasabay sila Cassandra.

Nagtatampo nga ako dahil ang bilis ng pagdalaw nila pero sinabi naman sa akin ni Derick na okay lang dahil sa manila na rin naman kami ulit titira.

Hindi pa ako makapaniwala noong una pero kaylangan na raw nilang mas malapit sila sa main company para mas matutukan ito. Noong nakaraan daw kasi pinasok ng mga virus ang lahat ng company computer nila at hinack ang ibang details.

Sumang-ayon naman na ako dahil nga mas okay na iyon. Kung narito kasi kami sa isla alam kong malayo dito.

ISANG LINGGO na ang lumipas at naging maaayos naman ang lahat.
Mahirap mag breastfeeding kung dalawa sila buti na lang at nariyan si Sapphire upang tulungan ako.
Nag pa-pump ako sa aking dede ng dumating si Dastian.

"How're my babies?" masayang wika nito at lumapit sa mga batang nasa crib na nila.

"Okay naman hindi ako masyadong nahihirapan. Thanks to Sapphire," ngiti kong sagot kay Dastian.

Tinanggal ko ang pump at inilapag ito sa lemasa ng lumapit sa akin si Dastian at siilin ako ng halik sa labi.

"Love, nakakahiya andiyan si Sapphire," nakangiti kong saad sa asawa.

"Don't care," tanging saad lang nito at nagtago pa sa leeg ko.

He smells my neck saka ito pinasadahan ng mumunting halik.

"I miss you," he murmured.

Niyakap ko siya "I miss you too," sagot ko.

Nakangiti akong bumaling kay Sapphire dahil nakatingin siya sa amin pero mabilis itong nagpunas ng kanyang mata.

"May problema ba?" tanong ko.

"Napuwing lang po," sagot nito saka kinuskos ang mata na tila nga napuwing siya.

Naglakad na siya para isara ang mga kurtina dahil madilim na rin sa labas.

"Let's eat dinner," bigla namang sulpot ni Duke na naka apron pa.

He's just wearing a blue boxer and an apron. Nasanay na siyang ganyan mainit daw kasi ang klima rito hindi katulad sa Japan.

Inaya ko na rin si Sapphire para kumaen na pero tumanggi siya.
Sa tanghali naman pagkami-kami lang ang narito ay sumasabay siya pero pagnarito na ang triplets hindi.

Bumaba na kaming tatlo, naiwan siya roon para magbantay sa kambal.
Sakto naman dahil nakahanda na rin sa hapag si ate Sarah kasama si Derick.

Lumapit sa akin si Derick at humalik sa pisnge ko.
Para namang bulateng inasinan si ate Sarah sa nakikitang ka-sweet-an sa akin ng tatlo.

"Ayeah," rinig ko pang tukso ni ate Sarah sa amin ng yapusin ako ni Dastian mula sa likod.

"Ate Sarah naman," tatawa-tawa kong wika dito "Parang hindi ka pa nasanay sa amin," dagdag ko pa.

"Sarap siguro magkaroon ng tatlong asawa," tila nag niningning pa ang mga mata nitong saad.

"Of course," komento ko "Inaalagaan at pinapasaya nila ako. They accept me at my worst so they deserve my best," humawak ako sa kamay ni Dastian na nasa bewang ko.

"Enebe," kilig na kilig namang saad ni ate Sarah.

"Oh siya kumaen na nga kayo at baka langgamin pa tayo rito," wika pa niya.

"Hindi ka sasabay sa amin?" tanong ni Derick.

"Hindi na sasabay ako kay Sapphire. Mamaya na lang kami," sagot nito kaya tumango na lang ang huli sa kanya.

Our dinner is good. It was full of joy. Maraming naikuwento ang tatlo sa akin tungkol sa kanilang trabaho. BSBA naman ang natapos ko kaya nakakaintindi ako kahit papa'no.

Matapos kumaen tumulong ako kay Duke maghugas ng kinainan namin. Sila Derick at Dastian naman ay nauna nang pumanhik gusto raw kasi nilang bantayan ang kambal.

Hindi na rin naman ako tumutol kahit na alam kong pagod sila.
Alam ko ang ugali ng tatlo kaya nasasanay na rin ako sa katigasan ng ulo nila.

Sabay kaming pumanhik ni Duke sa taas. Alam kong pagod din siya galing sa gallery arts tapos nagluto pa siya pagkagaling sa trabaho.

Humawak ako sa braso niya at inihilig dito ang aking ulo habang naglalakad kami paakyat sa hagdan.

"I miss you," wika ko sapat lang para marinig niya.

He kissed me at my hair "I miss you too,"

Nagpaalam muna akong pupunta sa kuwarto ng mga bata kaya nauna na siya sa kuwarto namin.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon