TWENTY-FOUR

1.9K 29 0
                                    

- Amor -

Matapos ang tagpo kaninang tanghali hindi na ako ulit kinibo ni Queven.
Matapos niya akong yakapin kanina walang sabi rin siyang umalis kaagad.

"Mom, narito na po ako," wika ko sa inang natutulog.

Ilang linggo na raw siyang nasa coma dahil sa pagkakatama ng kanyang ulo sa windshield ng kanyng kotse.

Tinanong ko si Quirro kung paano siya naaksidente pero ang sagot lang nito dahil sa lasing si mommy.

Ngayon ko lang ata nalamang naglasing siya. Oo nga 't nag-iinom siya pero siguro dalawang shots or tatlo lang.

"May problema ba, Mommy?" tanong ko sa ina kahit alam ko namang hindi ito sasagot.

"Hija, kaen ka na muna," haponan na kasi at narito na si nanay Karmen para magdala ng pagkaen.

Kumuha siya ng upuan saka umupo sa kabilang side ng higaan ni mommy at nag wikang "Kamusta na ang Mommy mo?"

Umiling ako "Okay naman na raw po siya pero hindi pa naman nagigising," malungkot kong sagot sa ale.

"Kasama lagi sa dasal ko ang pag galing ni Amara," komento niya.

"Salamat, Nay," ngiti ko.

Matapos maghaponan umuwi na rin si nanay Karmen pero nagbilin ako sa kanyang kung maaari ibili niya ako ng cellphone dahil ayaw na magbukas ng akin.

Dumating na rin si tito Anthony pati si Quirro galing sa opisina. Halata sa kanilang mukha ang pagod at frustration dahil siguro sa kanilang trabaho.

Naghanda ako para sa kanilang haponan. May bed area na rin pala rito para sa pahingahan ni daddy Anthony. Gusto raw kasi niyang pag nagising si mommy narito lang siya.

Si Quirro naman nanatiling gising din para samahan ako magbantay.

"Matulog ka na kuya," saad ko kay Quirro na naka tutok pa rin sa kanyang laptop.

"Later," pakling sagot niya.

"Gusto mo ng coffee?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Nope," sagot lang niya ulit.

"Sige lalabas lang muna ako," paalam ko pero agad niyang isinarado ang kanyang laptop at tumayo na rin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas lang,"

"Anong gagawin mo roon?"

"Bibili ng kape mo,"

Natahimik siya at agad na nag-isip.

"Okay," tanging wika niya saka bumalik na sa ginagawa.

Lumabas na ako ng kuwarto ni mommy saka ng tungo sa canteen nitong Sanchez Hospital. Sa pagkakaalam ko pagmamay-ari ito ni Dr. Lazaro Sanchez.

Pagbalik ko galing sa canteen nakita ko si Quirro na may kausap sa kanyang cellphone kaya inilapag ko muna sa coffee table ang kape na binili ko para sa kanya.

Nagtungo na ako sa upuang nasa tabi ng kama ni mommy.

"Mom, gising ka na po. Marami po akong pasalubong sa 'yo, pati ang ma-" napatingin ako sa gawi ni Quirro pero abala pa rin ito sa kausap.

"Pati ang mga boyfriends ko. Mommy may boyfriends na po ako. Ipapakilala ko sila sa 'yo pero sana magising ka na," bulong ko sa tenga ni mommy.

"What are you doing, Baby?" kunot nuong tanong ni Quirro.

"Huh?" nagulat ako sa biglang pagsasalita niya.

Mas lalo pang kumunot ang kanyang nuo.

"Ah ano kuya," napakamot ako sa aking kilay "Sabi ko po gumising na si Mommy," wika ko.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon