Kabanata 1: Bahay-bakasyunan

514 11 5
                                    

So Nyeo Shi Dae (SNSD) o mas kilala sa tawag na Girls' Generation, isang sikat na kpop group na umakit sa atensyon ng masa at napamahal sa kanilang mga tagahanga. Binubbuo nina Taeyeon, Tiffany, Jessica, Sunny, Seohyun, Sooyoung, Hyoyeon, Yoona at Yuri, mga kabataang iniidolo ng lahat hindi lamang dahil sa kanilang ganda kundi dahil sa angkin nilang husay at talento. Subalit sila'y mga ordinaryong tao rin na nalulungkot, nasasaktan, kinakabahan, naninidig ang mga balahibo, sa madaling salita.............nakakaramdam din sila ng takot at pangamba.

Napagkasunduan ng buong grupo na sila'y magbabakasyon bilang premyo nila mula sa mga sunud-sunod na trabaho. Nakiusap sila sa kanilang manager na kung maaari ay sila lang ang magkakasama para naman maramdaman nila na sila'y talagang nagbabakasyon. Pumayag naman ito sa isang kondisyon na dapat may susubaybay sa kanila malapit sa kanilang pupuntahan na pwede nilang makontak kung sakaling may kailangan sila o emergency.

Isang malapit na kaibigan ni Yoona ang nagrekomenda sa kanila na magbakasyon sa isang bahay-bakasyunan sa isang probinsiya sa hilagang bahagi ng South Korea. Maganda ang tanawin, sariwa ang simoy ng hangin at tahimik dahil kakaunti lang ang mga naninirahan.

"Wow! Ang ganda nga!", manghang sabi ni Tiffany habang nakadungaw ang kanyang mukha sa nakasaradong salamin ng kanilang sinasakyan.

"Sabi sa inyo eh, maganda rito," ani Yoona.

Sumilip din si Jessica sa bintana upang sulyapan ang magandang tanawin ng kapaligiran.

"Oh Yuri, ba't matamlay ka?," bati ni Sunny.

"Oo nga eh, mabigat ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko pa rin yung pagod. Babawi na lang ako mamaya pagdating natin. Matutulog ako ng todo," sagot ni Yuri na walang kasigla-sigla.

Sumingit si Sooyoung, "Kawawa ka naman, di mo mae-enjoy yung bakasyon natin."

Nagkukuwentuhan at kulitan sina Taeyeon at Hyoyeon samantalang tahimik lang na nakikinig ng mp3 music sa kanyang cellphone si Seohyun.

Huminto na ang sasakyan at bumaba na sila dala ang kanilang mga bagahe.

"Ah, nandito na sila."

Bumungad sa kanila ang may-ari ng bahay-bakasyunan, si Mrs. Annie Cho.

"Hi po. Kumusta po. Magandang araw po sa inyo," anila.

"Talaga palang napakagaganda nyo! Nakakatuwa kayong makita! Nagpapasalamat nga pala ako at dito nyo nagustuhang magbakasyon.", paunang wika ni Mrs. Cho.

Matapos ang pagbati at pagpapakilala, isang mahalagang bilin ang sinabi niya sa grupo.

"So enjoy nyo lang ang bakasyon dito. Kung may kailangan kayo o problema, kontakin nyo agad ako. At yung sa mga gamit, siyempre pag may nasira, alam nyo naman yun nasa kasunduan na natin. Pero alam ko naman mababait kayo at may tiwala ako sa inyo."

"Huwag po kayong mag-alala. Si Maknae po ang bahala sa mga gamit," sagot ni Hyoyeon na sumenyas pa ng thumbs up.

"Hahahahahahahaha!"

Sumakay naman si Seohyun, "Sige po. Ako pong bahala. Pagagalitan ko po sila pag may nasira."

Nagkatawanan pa na siyang nagbigay-sigla sa pananamlay ni Yuri.

Nagsimula na silang hakutin at ayusin ang mga gamit nila. Kanya-kanya na sila ng ayos at lagay ng mga gamit nila loob ng bahay-bakasyunan. Malaki at malawak ang loob nito, saktong-sakto sa kanilang grupo. Kumpleto ang mga gamit sa kusina, comfort room, shower room at may bath tub pa. May malaking LCD TV sa sala at air-conditoned ang mga kuwarto nila. Nahahati sa apat ang mga silid, yung isa ay ang Master's bedroom. Masagana rin ang mga nakatanim na bulaklak sa malawak na garden sa may likod ng bahay. Nakaalis na si Mrs. Cho pati ang kanilang driver na bumalik sa bayan. Doon ito mananatili kasama ang dalawa pa nilang handler sa isang hotel.

Kasalukuyang hinahakot ni Yuri ang naiwang bag ni Yoona nang mapansin niya na may nakasilip na babae sa may pintuan. Pinuntahan niya agad iyon pero wala siyang nakitang tao.

"Hmm, teka kami lang naman ang tao rito ah......."

Nagkibit-balikat na lang siya, dala lang siguro ng kanyang pagod. Nang biglang mahulog ang kanyang black shades!

"AY! Naku naman......buti na lang di nasira."

Sa pagyuko niya para kunin ang black shades, napansin niya ang isang paa na nasa pintuan. Agad niyang nilingon kung sino ang taong iyon pero....................wala.

"Huh?.............."

Ayaw na niyang isipin iyon dahil pagod siya. Gusto na niyang magpahinga kaya umakyat na siya para matapos na sa pag-aayos ng mga gamit.

Kinagabihan, masasarap na pagkain ang nakain kaya ganado ang lahat. As usual, hindi uso sa kanila ang diet lalo na't pagkatapos ng bakasyon ay aariba at todo hataw na naman sila sa praktis at sunud-sunod na trabaho. Kumbaga, lamon kung lamon bwahahahahaha! Syempre sino pa ba ang pinakamalakas kumain? Eh di si Yoona na ang kinakainan ay isang malaking plato!

"Guys, kain lang kayo! Kung di nyo na maubos, ibigay nyo sa 'kin," sabay nguya at ngasab.

"Grabe ka Yoona. Ang dami mong kumain pero tingnan mo, payat ka pa rin," si Sooyoung.

"FOI hindi ako payat, skinny lang."

Matapos ang isang masaganang hapunan, sina Seohyun at Sunny ang naghugas ng mga pinagkainan. Kasunod nun ay nagpahinga na sila sa kani-kanilang kuwarto. Pinili agad ni Yuri ang Master's bedroom dahil gusto nyang maging masarap ang kanyang tulog at makabawi ng lakas kinabukasan. Si Sooyoung ang kasama niya.

Magkasama sa pangalawang silid sina Taeyeon at Tiffany. Sa ikatlong silid naman sina Jessica at Seohyun. Sina Sunny, Hyoyeon at Yoona ang magkakatabi sa ikaapat na silid.

Alas diyes y medya na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Taeyeon. Pakiramdam nya ay hyper pa rin siya. Bumangon siya at bumaba. Binuksan niya ang lampshade sa sala para may konting liwanag. Binuksan din niya ang ilaw sa kusina. Kumuha siya ng baso para uminom ng tubig. At habang siya'y umiinom....................

"PSSSST."

Muntik pa siyang mabilaukan dahil sa pagkabigla nang marinig ang sitsit na iyon! Lumingon siya sa paligid pero siya lang ang tao doon at tulog na ang mga kasama niya!

"PSSSST."

Naulit uli ang sitsit!

"YO! Hello! May tao ba diyan? Sino ka?"

Nakaharap siya sa direksyon ng CR.

"PSSSST."

Sa ikatlong beses na iyon, naramdaman na talaga ni Taeyeon na nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo! Hindi na siya nagdalawang-isip pa! Kumaripas siya ng takbo paakyat sa kuwarto at nagtalukbong!

ITUTULOY...................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SNSD True Horror Movie FactoryWhere stories live. Discover now