"I insist and it's my fault, hindi ako nag iingat kaya na bangga kita, don't worry sagot ko ang expenses ng hospital bill mo kasalanan ko naman talaga. " pag pupumulit ko.

Tumingin sya sakin at saka tumingin sa sasakyan ko naipinagtaka ko.

"Kayong mga mayayan maliit na sugat lang gusto ospital agad. " saad nito.

"No I'm not, ang parents ko lang, pero hindi ako mayaman. " pag tatama ko sa sinabi nya.

"Tss!.. Ganun pa din yun, anak ka pa din nila kaya mayaman ka pa rin, please lang nag mamadali ako may work pa ako malalate na ako yari na ako sa boss ko nito." Saad nito.

Hindi ko alam sa tuwing mag sasalita sya sobra akong mag aamaze, pakiramdam ko tuloy nababaliw na ako dahil sa naiisip ko, isa pa ngayon ko pa lamang sya nakikita ni ang pangalan man lang nya ay hindi ko alam.

"Wait here's my number, kung sakaling gusto mo nang mag paospital tawagan mo lang ako. " saad ko at inabot ang calling card ko.

Kinuha lang nito ang calling card ko na hindi manlang nagawang tignan at umalis na din agad sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa lumiko na sya at hindi ko na matanaw.

"Beeeppp!!!" 

Nagulat ako sa malakas na busina ng sasakyan, halos madapa pa ako sa pag mamadaling makasakay ng sasakyan ko, nag kakaroon na ng traffic sa daan kaya marahil nanagalit na ang mga ibang sasakyan sa tagal kong alisin ang kotse ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya ko, mabuti nalamang at wala akong kasama sa loob ng sasakyan ko dahil kung meron man baka hilingin ko nalang na lamunin na ako ng lupa.

Ako si Akira Denzel Daven, 22 years old, nasa huling taon ako ng kusro kong BSIT/ Bachelor of Science in Information Technology.

Lumaki man ako sa kilala at mayamang pamilya pero ni minsan hindi ko magawang mangtapak ng ibang tao, naibibigay sakin ng parents ko ang mga ang lahat maliban sa pag mamahal at attention nila, parati silang busy sa trabaho nila madalas pang wala sila at parating nasa business trip. Kaya madalas ko silang hindi nakakasama, si yaya ang tanging naging pangalang nanay ko dahil sya ang nag alaga at nag palaki sakin.

Sa mga honor ko sa school kung hind ang mga assistant ng parents ko ang pumupunta si yaya ang kasama ko, kahit gustong gusto kong makitang maging proud sakin ang parents ko, madalas naman silang wala.

Tulad pa din ng dati si yaya ang sumasalubong sakin sa tuwing dumarating ako ng bahay.

"Good evening po yaya. " may ngiting bati ko.

"Good evening din Aki, kamusta ang school?. "  bating tanong n'ya na madalas.

Aki ang tawag ng lahat sakin short ng Akira, hindi ko din alam sa parents ko kung bakit Aki ang pinangalan sakin, kahit na tinanong ko na si yaya parati lang na sinasabi nya na maganda ang pangalang Akira bagay na bagay sakin, dahil madalas na pag kakamalan daw akong babae.

Minsan tinatanong ko na ang diyos kung bakit ako binigyan ng ganitong mukha hindi tulad ng mga ibang lalaki na nakikita ko, lalaking lalaki ang itsura nila pero ako napagkakalaman na babae.

"Ayos naman po yaya, sila mommy daddy po umuwi na po ba?. "

"Tumawag sila kanina na extend ang business trip nila, nag karaproblema daw kasi kaya hindi pa sila makakauwi. "  paliwanag ni yaya.

Malungkot lang akong ngumiti sa binalita ni yaya, halos mag iisang buwan ko nang hindi nakita ang parents ko dahil madalas silang busy.

"Ganun po ba yaya sige po aakyat na po ako. "  saad ko na nag pakita ng ngiti.

Alam ni yaya na dismayado ako sa binalita nya, kaya lumapit ito sakin at hinaplos nito ang kaliwang pisngi ko na madalas na ginagawa nya.

"Aki, sana hindi ka mag sawang intindihin ang parents mo. " malumay na saad nya.

Tumango ako bilang sagot kahit na gustong gusto ko nang mag tanong kung may halaga ba ako sa parents ko.

"Pinaluto ko ang paburito mo kumain ka muna bago ka pumunta ng kwarto mo para makapag pahinga kana ng deretso. " pag papalubag loob ni yaya.

Pag alam ni yayang malulungkot ako madalas pinagluluto nya ako ng paburito kong pag Kain dahil alam nya na iyon lang ang maaaring makapag pasaya sakin, pero dahil paulit-ulit nalang na nagyayari ito, pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"Busog po ako yaya, kumain po ako sa labas kasama ang mga kaibigan ko. " pag sisinungaling ko.


"Ganun ba o'sya hindi na kita pipilitin, mag pahinga kana at dadalhan nalang kita ng gatas mamaya para marasap ang tulog mo. " saad nya at mahinang tinapik ang balikat ko.


"Sige po. " paalam ko at nag lakad na paakyat.




CALIX POV


"Arghh.. Nakakapagod.. " saad ko at nag unat ng katawan.


Katatapos lang ng duty ko kaya pauwi na ako, pero nakasagabal ang kamay kong na injured kanina dahil sa pag kakabangga ko.


Kinuha ko sa bulsa ng kupas kong pantalon ang calling card na ibinigay sakin ng taong nakabangga sakin.


"Akira Denzel Daven.. " mahinang basa ko sa pangalan nya.



Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinaplos ko ang pangalan nya. Muli kong inalala ang magandang mukha ng lalaking nakabangga sakin, mapula ang labi maputi at mahaba ang mga pilik mata, para itong hindi lalaki, mas mapag kakalaman pang babae ito kung hindi lang siguro nakasuot ng unipormeng pang lalaki hindi ko malalaman na lalaki ito.


Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ko ang may pag aalalang mukha nya.


"Hoy.. Ano yan?. " biglang pang gugulo ng kaibigan kong si Felix.


Muli kong tinago sa bulsa ko ang calling card saka dinampot ang mga gamit ko para sa pag handa ko na umalis na.


"Calix sandali sabay na ako sayo!. "  saad nya at mabilis din na dinampot ang mga gamit nya.

I Guess Our Story Ends Here//UneditedWhere stories live. Discover now