CHAPTER 29: RESULT

Start from the beginning
                                    

"Tumahimik ka nga." Pagsusungit ko dito.

Makadal dal kasi parang hindi nauubosan ng laway.

"Hey bro Congrats, dinaig mo pa nanalo sa luto." Bati ni Tyler dito na may halong biro.

Bigla naman ito binatukan ni Kyro. Kaya nagtawanan kami dahil sa mukha ni Tyler na parang mukhang inaping bata.

"Stop it!, Baka saan naman yan mapunta." Suway naman ni Sabrina.

'Umandar naman ang pagiging manang niya.'

"Yes Mom" Tanya.

"Ayan na ginalit niyo si Madam." pang-aasar naman ni Tyler.

Kaya agad naman nakatanggap ng hampas si Tyler dito. Kaya ayon parang tutang api yong mukha.

"Daddy  David inaaway ako ni mommy Sab." Parang batang sumbong nito kay David habang naka nguso ito.

Pero imbes na tulongan ito ni David tinawanan lang din ito. Napatawa na din kami.

"Ma!" Pagtawag ko kay mama habang papunta ito sa pwesto namin kasama si Kieron.

"Congrats anak!" Bati nito sa 'kin." Kieron batiin mo naman si ate mo?" Utos ni Mama kay kieron.

"Ayaw ko nga! Ang pangit din naman ng Boses niyan." Diretsahan nitong sabi.

Parang gusto ko na lang na hindi ito sumama dito.
"Exactly!" Turan naman ni Tyler.

'Nagkampihan pa talaga ang dalawang isip bata'

'Humanda ka mamaya patay ka talaga sa 'kin.'

Wala talagang hiya sinabi pa naman sa harap ng mga kaibigan ko at sa harap ni Kyro. Kita ko naman na nagpupumigil ng tawa si Tyler. Pero kalaunan tumawa rin ito.

"Ano kabang bata ka.. ang ganda kaya ng boses ng ate mo." Pagtatanggol ni Mama.

"Oo na nga maganda na pero mas maganda kay Kuya Kyro." Oh diba may favoritism talaga to. Alam ko naman kung bakit ganito to kasi kung anong gusto niya binigay ni Kyro.

Nilakihan ko naman ito ng mata, pero parang wala lang itong pake.

"Oh sya umuwi na tayo. Para makapag handa ako maaga pa naman." Pag-aya ni Mama.

"Thanks Tita, pero di nakami makapunta may gagawin pa po kasi kami." Tanggi ng dalawa sina David at Tyler.

"Kami din po Tita." Sina Tanya din at Sabrina.

"Ganon ba? Sige sa susunod na lang punta kayo sa bahay."

"Pero may ipapaalam po kami sa inyo, saka sana po pumayag kayo." Si Sabrina
"Ano ba yan?"

"Pwedi po ba namin masama si Kera bukas ng gabi po mag-overnight lang po kami." Dugtong naman ni Sabrina.

Gulat naman ako sa sinabi ni Sabrina wala namang napagusapan about sa overnight.

"Sino ba yung mga kasama niyo?" Tanong ni Mama.

"Ahh-eh kami kami lang po wala ng iba." Sagot naman ni Tanya.

"Oo Tita kami kami lang wala ng iba." Dugtong naman ni Tyler.

'Mukhang pinagplanohan na ata ng mga to.'

"Yes po Tita kami lang." Nakikisali narin si David.

"Ok! Basta wag niyong pabayaan at bantayan niyo yan baka malasing naman yan. Bantayan mo yan Kyro." Si Mama talaga ginawa pa talaga akong bata. Mas malala pa pinapaalala pa talaga yung pagkalasing ko, eh diko naman yun sinadya.

"Yes, Tita, I will take care of your Daughter." Sagot ni Kyro sabay hawak ng kamay ko.

"Andito din kami Tita para magbantay diyan." Panigurado naman ni Tanya.

"Saan ba kayo mag overnight?" Yun ang diko pa alam. At except sa mga to mukhang napagplanohan na ata nila kong saan mag overnight.

"Sa Beach po, may friend kasi si mom na merong Beach resort sa cavity." Medyo malayo din pala yung pupuntahan namin.

"Sige pero mag ingat kayo don." Pagpapa-alala ni Mama sa min.

"Wooo! Party party na." hiyawan naman nila lalo na si Tanya at Tyler na may patalon talon pang nalalaman.

"Ate pwede ako sasama?" Tanong ni Kieron.

"Bawal ka don Kieron sunod ko na lang pagmalaki kana." Explain ni Mama Dito buti na lang dahil nakinig naman ito.

"Sige na nga."

Pagkatapos namin mag-usap nagpa-alam na sina David at Sabrina hahatid na lang daw ni David ito, pauwi at si Tyler naman si Tanya nagbibiroan pa ang mga ito bago nag Paalam samin. Ohh diba ang rich kids may sari sariling kutsi.

Kami naman sa kutsi ni Kyro kasama si Mama at kieron. Nasa byahe pa kami nakatulog na sina Mama at kieron. Nasa backseat sila ako naman nasa front seat.

Habang nasa byahe nasa labas lang ng bintana ang tingin ko. Maya maya pa bigla na lang may humawak sa kamay ko.

Tiningnan ko naman ito si Kyro pala naka fucos lng ito sa daan habang yung isang kamay nakahawak ito sa manobela ng sasakyan. Yung isa naman nakaholding hands sa isang kamay ko.

Nakaramdam naman ako na parang ang daming Paru paru sa loob ng tiyan ko.

"Thank you." Banggit nito.

"Pa-para saan?" Takang tanong ko dito.

"Thanks, because you accepted me as your boyfriend."

"Ah-eh wala yun, gusto ko din naman." Sagot ko naman dito pero sa panghuli Mahina lang pero diko inasahan na marinig pala nito.

Agad naman ito lumingon sa 'kin saglit at hinalikan yung kamay ko.

Parang nakalutang ako sa hangin nang maramdaman ko ang lambot na labi ni nito na dumapo sa balat ko.

Binalik ko na lang yung tingin ko sa bintana habang hindi mapakali dahil sa subrang kilig. Alam ko sa mga oras nato ang pula kuna.

Diko  namalayan na nakaidlip na pala ako. Gumising na lang ako nong nakarating na kami sa labas ng bahay.

"San sina mama at Kieron?" Tanong ko dito nasa loob pa rin kami ng kutsi.

"Nauna na sila sa loob inantok na kasi si Kieron. I didn't wake you up because your sleep was so good." Aniya gamit ang inaatok na boses.

'Diyos ko mukhang kanina pa ata ako nakatulog.'

"Ahh ganon ba. Sige papasok  na ako." inantok kong sabi dito.

Nang Handa na sana ako lumabas bigla na lang nito hinila ang sarili kong braso. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko,natigalan ako sa ginawa nito. Hindi ko talaga inasahan 'yon.

Parang na freeze ang katawan ko dahil sa mabilis na pangyayari. Aatras na  sana ako pero bigla naman nito hinawakan ang sarili kong batok. Kumawala ito kaunti. Habang nakatingin ito sa mga mata ko.

"Please" he said with a husky voice.

Kahit nagtataka agad naman akong tumango sa gusto nito. Akala ko simpling halik lang pero mali pala ako when his lips moved. He kiss me passionately na agad ko namang tinugonan ang nakakalasing, nakakabaliw nitong halik.

Nang kinapos na kami sa paghinga  kumawala na kami sa isat isa saka ipinagdikit ang mga noo  habang nagkatinginan.

"I love you." Three words made me blush.

Oh, god! Bakit ganito? Why is my heart is beating so fast?

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now