Maya maya bumokas ang pinto ng cr at pumasok si Kyro. Agad itong dumeretso sa pwesto ko. Akala ko alalayan niya lang ako pero kagaya ng kanina binuhat ako nito na pang bridal style. No choice kaya kumapit na lang ako sa batok nito.

Andito na ako ngayon sa kama naka upo, habang kumakain. Nagpaalam muna si Kyro na lumabas ito mukhang may gagawin ata, kaya na iwan akong mag-isa dito sa kwarto.

"Pero mas ok na yon para mas ma enjoy korin lalo ang pagkain na walang may naka tingin sakin." Ani ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ang sarap din pala mag luto, hinde sunog." Banggit ko habang ngumunguya ng Ham. Inferness sa tanang buhay ko ngayon ko lang na tikman ang luto ng isang taong matagal ko nang pinapantasya. "Hayss, iba talaga pag crush mo ang nag-alalaga sayo." Wika ko nang maubos kona ang gatas.

_______

Tapos na rin ako kumain niligpit narin ni Kyro ang mga pinagkainan ko kanina. Dinalhan din ako ni mama ng damit dito bago siya umalis papuntang cavity.

Napag–isipan ko na na mamaya na lang ako maligo. Kaya mag fb muna ako tingnan ko lang ang mga post nina Tanya at Sabrina.

Nag scroll lang ako hanggang sa tumunog yung cp ko merong tumawag. Si Tanya pala ang nag call, bago kopa ito sinagot inayos ko muna ang mukha ko at saka sinagot ito.

"Uyy. Babae ka ano ba nangyari sayo bat dika pumasok." Tanong nito sa kabilang linya. Kumakaway kaway pa si Sabrina sa likod ni Tanya.

"Napilayan ako, kaya di ako maka pasok mga ilang araw." Paliwanag ko dito, bakas sa mga mukha nito ang pagkagulat. "Ano ba ginawa mo bat ka napilayan?" Tanong naman ni Tanya sakin.

"Kahapon kasi nag bike ako dito lang sa subdivision, nakalimutan ko na sira pala yung preno." Pagpapaliwa-
nag ko naman sa kanila. "Ayan, yan ang nakukuha sa lutang." Sumbat ni Tanya sakin.

Tama naman talaga siya kung ano ano kasi iniisip ko. Kasalanan koba kong biglang pumasok ang babaeng yon.

'Sino kaya yung babae na yun.' Tanong ko saking isipan.

"Ikaw talagang babae ka napilay na nga yung tao." Rinig ko sa kabilang linya ang pagtatanggol ni Sabrina sakin.

"Oh, By the way sino naman ang nag-aalaga sayo ngayon? Alam namin na wala diyan si Tita." Dugtong naman ni Sabrina.

Ano ba sabihin koba sa kanila na si Kyro yung nag-aalaga sakin. Bala na sabihin ko na lang malalaman din naman nila pag pumunta sila dit.

"Si–si Kyro." Mahina kung sabi dito.
Kita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat. Bago pa sila mag salita dinugtungan kona ito. "Siya kasi ang nagsabi kay mama na siya na lang daw ang magbabantay samin ni Kieron habang wala si mama," Pag-papaliwanag ko dito.

"Kaya pala hindi rin naka pasok nag-aalaga pala sa wife HAHAHA." Patawang ani ni Tanya sa kabilang linya ganon din si Sabrina.

Maya maya pa tumonog na yung bill hudyat na tapos na ang recess.

"Mamaya na lang, magpagaling ka diyan pupuntahan ka na lang namin ni Sabrina pagkatapos nang klase." Pagpapaalam nito.

"Sige mag ingat kayo sa pagpunta dito, Byee" pagpapa-alam ko sa dalawa.

"Byee." Wika ng dalawa bago nag end ang call namin. Nilagay kuna yong phone sa gilid ng kama, at sumandal sa headboard.

Kita ko naman na pumasok si Kyro dito sa kwarto. Kaya umayos ako sa pag upo.

Dumeritso ito sa kaniyang closet hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Tumingin ako dito habang naka talikod ito sa'kin  bigla naman itong hinubad ang suot nitong sando. Parang walang feeling nito ngayon walang ibang tao dito sa loob.

'Hello may babae dito, para alam mo.'

Pero imbes na umiwas ang makasalanan kong mga mata tumitig lang ito sa naka talikod na lalake, makikita mo parin ang tindig ng katawan nito at ang mga muscle na naglalakihan nito.

Nagulat ako nang bigla itong humarap at nakita ko ang kaniyang six packs abs. Agad ko naman iniwas ang paningin ko, dahil naka tingin na ito sakin.

Nagulat ako akala ko lalabas na ito. Nang bigla itong humakbang papunta sa pwesto ko ngayon. Parang lalabas ang puso ko nong nasa harap kuna ito nakatayo habang walang damit na suot, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla itong yumuko.

"Are you done checking my body?" Bulong nito sa tainga ko, gamit ang mapang-akit na boses. Parang nabingi ako ako lalo dahil sa subrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at mga paruparo na nagwawala sa loob ng tiyan ko.

"A-ano ba s-sinasabi mo." Pag tatanggi ko naman dito habang nakaiwas ng tingin dito. Narinig kong tumawa ito nang mahina bago tumalikod sakin.

'Aba kala ko pagsusungit lang ang alam non marunong din pala tumawa.' Napabuntong hininga naman ako nang tuloyan na itong makalabas sa kwarto.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now