Mas nakakahiya padon nong naalala ko yong nangyari kanina bago ako nahimatay. Tiningnan ko naman ito pero nakatingin na din pala ito ngayon sa'kin, kaya agad naman ako umiwas dito.

"Ang sabi ng doctor napilayan daw yang kaliwang binti mo. Pero mabalis lang daw yan gumaling kong iinomin mo yang gamot na binigay sayo," pagpapaliwanag ni mama sakin.  Meron ding plaster cast yung paa ko kong saan banda ang pilay, at nilagyan din ito ng bandage yong mga galos ko sa braso. Nag taka ako na wala namang doctor dito sa loob ng kwarto.

"Saan na yong doctor na sinasabi niyu ma?"  Tanong ko naman dito, "bumalik na sa hospital meron kasing emergency," pagpapaliwanag ni Mama sakin, tumango naman ako dito bilang tugon.

"Pano nato, may pasok na kami bukas di ako makakalad." mahinang reklamo ko na tamang tama lang na si mama lang ang nakarinig.

Bukas kasi meron kaming long quizzed sa subject na Math. Then exam na namin next day pano nato.

"Ayan hindi kasi nagiingat." panimula ni mama, at  bakas sa boses nito ang pag-alala." at bukas pa naman ang lakad ko, hindi rin pwede na magpaalam ako sa boss ko dahil may pupuntahan din kami bukas para sa contrata ng company," dugtong pa nito. Parang naawa pa ako kay mama kisa sa sitwasiyon ko ngayon.

Nag isip ako kung sino ang mag-aalaga sakin at kay Kieron habang wala si mama.

"Eh? Ma sino mag-aalaga sakin at kay Kieron habang wala kayo?" tanong ko dito. Umiwas lang ng tingin si mama at napabuntong hininga.

Wala kasi kaming kamag-anak dito sa subdivision. Meron namang ka close si mama dito kaso may mga anak din ito. Ang mga  kamag-anak din namin nasa malayo ito yung iba nasa ibang bansa na. Yung dalawang kapatid ni papa nandon sa US may sariling pamilya narin ito. Ang parents naman ni papa namatay narin dahil sa sakit. Sa side naman ni mama, wala na kaming kamag-anak kasi nag-iisang anak lang si mama. Yung parents ni mama namatay narin ito.

'Bakit kasi diko man lang tiningnan yun bago ko ito ginamit.'pagtatalo ng utak ko.

"Ayan nga ang pinoproblema ko kung sino ang mag-aalaga sa inyung dalawang mag kapatid." kita ko sa mukha ni mama ang pag-alala. napabuntong hininga na lang ako.

Napapaisip ako Kong buhay lang siguro si papa hinde na siguro mahihirapan si mama ng ganito. At hindi ito napapagod pag umuwi galing sa trabaho.

"If ok po sa inyo, ako na lang po ang magbabantay sa kanila." sabat naman ni Kyro. Hindi ko alam na nakikinig na pala ito sa usapan namin ni mama, akala kopa lumabas na ito. Tumingin naman ako dito naka upo na ito ngayon sa sofa kong saan si Kieron nakaupo.

'Oh my ghad siya ang magbabantay samin. So it means siya din ang mag-aalaga sakin?'ani mg utak ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko sa mga oras nato. Pero deep inside sumisigaw na saya.

"Sure ka diyan iho? Baka magalit ang daddy at mommy mo, na dito ko iniwan ang mga anak ko." pangamba naman ni mama.

Tama nga si mama ano na lang isipin ng daddy ni Kyro na dito kami iiwan ni mama. Lalo na na doon nagtatrabaho si mama sa kanilang sariling kumpanya.

"Don't worry ako na ang balaha mag papaliwanag kay mom abd dad. At isa pa ako lang naman mag-isa dito."  sagot naman ni Kyro at tumingin ito sa pwesto ko.

Bigla ko namang iniwas ang tingin ko dito dahil diko kaya ang pagtitig nito sakin.

"Salamat iho."pagpapasalamat ni mama." meron din kasi akong pupuntahan bukas, isa ako sa mga napili ng Daddy mo na sasama sa cavity para sa contrata ng company niyo," ani ni mama.

"Yeah, i already know that." tipid na sagot nito kay mama.

"Maraming salamat talaga iho. Pagbutihan ko na lang ang pagtatrabaho ko sa company niyo bilang sukli sa tulong mo ngayon." Ani ni mama  at tumingin ito sakin.

Bakas sa mga mata ni mama kong gaano ito ka saya na meron nang mag-aalaga saming magkapatid.

"Oh? Kiera magpagaling ka alam mo naman na wala ako dito para bantayan ko kayo." pagpapaalala ni mama sakin.

Tumango na lang ako dito bilang tugon. May part sakin na nahihiya, sino ba hindi makaramdam ng ganon kung crush mo ang mag-aalaga sayo. Pero no choice magiinarte paba ako.

"Ma ilang araw kayo don?" tanong ko kay mama

"Two weeks ako don, importante din kasi yon pabayaan mo babawi ako sa inyong dalawang mag kapatid." pag papaliwanag nito sakin.

Naiintindihan ko naman si mama para din naman ito sa aming magkapatid. Saka para din sa pangangailan namin ni Kieron.

"Mag-ingat ka don ma, wag magpapalipas."

Pagpapaalala ko dito. Minsan kasi nakakalimutan niya na ang pagkain nito sa tamang oras dahil busy daw. "Kayo din mag ingat kayo ni kieron. Mag aral kayo ng mabuti." paalala nito sami .

"Sige babalik na ako sa kumpaniya. Tumawag lang kasi ang kapatid mo kaya dali dali akong pumunta dito, Iniwan ko lang yung trabaho ko don." kaya pala nakasuot pa ito ng pang office, ayan tuloy dahil sa katangahan ko naisturbo kopa ang ibang tao.

Tumayo na si mama, mula sa kama. At kinuha na ang bag nito na nilapag sa table na malapit sa kama.

"Bukas na lang ako dadaan dito. kukuha lang ako ng damit sa bahay bago ako tutuloy sa cavity,"

Pagpapaalam naman nito. Hinalikan ako nito sa nuo ganon din si Kieron. Nag usap muna sila ni Kyro saglit at tuloyan na itong lumabas sa kwarto.

Sumunod naman si Kyro, kaya na iwan kaming dalawa ni Kieron dito sa loob ng kwarto.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now