"You're so cute..." bulong niya saka hinaplos ang buhok ko.

"H-hindi naman totoo 'yan, Zamir. Siguro inaasar mo na naman ako," bulong ko na lang saka uminom ng tubig.

Natawa na lang siya saka humalik sa sentido ko. "Mamaya date ulit tayo..." sabi niya saka humawak sa kamay ko.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para magpigil ng ngiti. "Saan naman tayo magde-date?"

"Hmm... saan mo ba gusto?"

"Sa perya–"

"No," agad na sinabi niya saka sumama ang mukha.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Naaalala ko pa rin kung gaano siya katakot sa mga rides noong nagpunta kami ng perya.

Yumakap ako sa braso ni Zamir saka ngumuso sa kaniya. "Kahit saan naman, basta kasama kita."

Napataas ang kilay niya saka humalik sa noo ko. "Bumabanat ka ng mga ganiyan... saan mo ba nalaman 'yan?"

Natawa na lang ako. Muntik ko pang malimutan ang oras dahil kasama ko siya, buti na lang hindi ako nahuli. Magta-tanghalian na raw kasi sina Senyora.

"Manang Gloria," pagtawag ni Senyora Eleanor kay manang.

"P-po?" agad namang lumapit si manang.

"Nasaan si Zamir? Papuntahin mo nga rito at kakausapin ko," utos nito kay manang.

Natigilan ako sa sinabi ng senyora. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba para kay Zamir. Nag-aalala ako na baka mauwi na naman sa away ang pag-uusap nila. Matagal na rin noong huling nakipag-away si Zamir kina senyora... Mas ginugugol na lang kasi nito ang oras sa trabaho saka sa akin.

"What the fuck? Anong kailangan mo?" agad na bungad ni Zamir nang magtungo rito sa hapag, nasa likod niya si Manang Gloria.

Napatingin si Zamir sa direksyon ko. Ang kaninang masamang mukha niya ay tila kumalma at lumambot nang makita ako. Tipid na ngumiti na lang ako sa kaniya... tila sinasabi ko na kumalma siya.

"Kailan ka ba aalis, ha?! Nawiwili ka yata tumambay rito?! Kaya nawawalan ako ng gana sa lahat dahil alam kong nandito ka! Bumalik ka na sa lungga mo dahil ayokong nandito ka!" asik ni Senyora Eleanor.

"I will stay here whenever I want, old hag. Pwede bang 'wag mo na lang akong pakialaman o pansinin? I'm so tired of your shit. Masyado kang takot na takot... wala pa naman akong kinukuha," malamig na sinabi ni Zamir saka ngumisi sa ina.

Namula ang mukha ni Senyora Eleanor sa sinabi ni Zamir. Agad namang humawak si Senyor Alessio sa kamay ng asawa, tila pinapakalma ito.

"Palagi ka talagang ganiyan, kuya. Wala ka na ngang kwenta rito sa bahay, gaganyanin mo pa si Mama!" asik ni Senyorita Adrianna.

"Ate Adrianna," pananaway naman ni Senyorito Apollo sa kapatid... tila siya lang ang kahit papaanong kumakampi kay Zamir sa pamilya nila.

"Damn. Why are you all gaslighting me? Kayo itong naunang manggago sa akin... parang ako na naman ang may kasalanan?" nakakunot-noong tanong ni Zamir.

"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang panggulo sa pamilyang 'to," sabi naman ni Senyorito Adrianno. "Wala ka nang ginawang tama sa pamilya..."

"Damn this fuckers..." tila naiiritang sinabi ni Zamir saka umigting ang panga sa inis. "You know what... just fucking leave. Kayong lahat ang umalis dito..." malamig na sinabi pa niya.

Tumalim ang tingin ng senyora kay Zamir. "Shut up, Luciferus..." mariing sinabi pa niya sa anak.

Humawak si Zamir sa batok niya. "Yeah, right. Thanks for reminding me, old hag. I'm Luciferus..." Napangisi siya. "Bakit nga ba hinahayaan ko pa rin kayong manatili rito kahit kayang kaya ko naman kayong paalisin? What's wrong with me? Why am I even trying to... consider you all as a family even a little bit?" tanong niya, tila nanunuya... pero ramdam ko na nasaktan din siya sa sinabi.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now